Aratiles Valencia Nagising ako ng mag alas dos na ng hapon. Mag-isa na lang ako sa kwarto. Hindi ko alam kung nasaan si Timothy. Nakaramdam ko ang pagkalam ng sikmura. Nalipasan na naman ako ng kain. Breakfast at lunch pa talaga ang hindi ko nasaktuhan. Kaya no wonder gutom na gutom ako. Ang aga kasing nanlandi ni Timothy kaya hindi ako nakakain. Bumangon ako sa kama at nagpalit ng damit. Hubad baro pa rin akong nakahiga sa kama. Lintik na Timothy, hindi man lang nag-abalang palitan ako ng damit. Ang alam lang niya ay ang hubaran ako. Napailing na lang akong kumuha ng t-shirt ni Timothy at isinuot. At dahil matangkad si Timothy, nagmukhang dress sa akin ang damit niya. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng bra dahil nasa bahay lang naman ako. Lumabas ako sa silid at pumunta sa kusin

