Chapter 43: “I Will Be Fine Because Of You” HANGGANG sa makabalik sila Mira at Cem sa may gym ay walang nag-iimikan sa kanilang dalawa. Hindi na rin naman nagtanong pa si Mira sa mga sinabi sa kaniya ng lalaki. She didn’t want him to worry more than he was, even though she was really curious if what he said was a good or bad thing for him. Hindi naman na nagtanong pa sila Angge pero ramdam ni Mira na nagtataka rin ang tatlo sa inakto ni Cem kanina. Napagdesisyunan nilang kainin muna ang mga pagkaing binili nila ni Cem bago sila tuluyang umuwi na dahil gabi na rin. Si Angge ay sinundo ng papa nito. Habang sila Steven at JR naman ay sabay na umuwi. Naiwan silang dalawa ni Cem doon sa may gate ng school dahil nagprisinta ito na samahan siya roon hanggang sa dumating ang Mama niya para

