Chapter 44: “Your Happiness” KINABUKASAN ay maagang pumasok si Mira dahil kailangan nilang mag-set up ulit ng booth nila at ihanda ang mga kailangan nila para ipagpatuloy ang pangalang araw ng kanilang Cherry Blossom Festival. Nag-aayos siya ng mga wodden plague sa may gilid na table nang biglang pumasok muli sa kaniyang isipan ang mga naganap kagabi habang kasama nila si Cem ng kaniyang ina. She was happy that for a just short of time ay nakalimot ang lalaki sa mga isipin nito. Nakapag-usap rin sila ni Cem nang bahagya pero bago pa man makapagsimula ng usapan ang lalaki ay nagpaalam na itong umuwi na tila ba iniiwasan talaga nitong magkuwento sa kaniya. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa nang maalala niya ang mga sinabi nito bago ito umuwi. “Just… just stay with me, and I will be

