Chapter 45: “Make It To Me” NANG umaga ring iyon ay naisipan ng apat na roon muna maglagi sa kinaroroonan ni Mira para samahan ang babae na magbantay at mag-assist ng mga estudiyanteng pumupunta sa booth nila. Hanggang sa dumating na nga ang tanghali at napili nilang lahat na roon na rin kumain sa ilalim ng Cherry Blossom Tree nang sabay-sabay. Para bang magpi-picnic silang apat doon. Iyon nga lang, katanghaliang tapat na kaya mainit na. Mabuti na nga lang at may lilim naman ang puno kaya roon sila pumuwesto. Bumili muna sina Cem, Steven, at JR nang kanilang makakain sa Japanese food stalls na inihanda ng kanilang mga classmate. Habang sina Mira at Angge naman ang nag-ayos ng kanilang pupuwestuhan. Naglatag sila ng isang red checkered na picnic blanket sa damuhan sa ilalim ng puno a

