Chapter 20: “Red String Of Fate” MATAGAL nang pinag-isipan ni Mira bago niya napagdesisyunan na bigkasin ang mga katagang iyon sa kaharap. Habang sinasabi niya ang kaniyang mga nararamdaman kay Naya no’ng nakaraan araw habang nakatingin sa burtterfly na iginuhit niya para sa matalik na kaibigan ay ipinangako niya rin na bubuksan niya ang kaniyang puso para sa lalaki. Gusto niyang subukan ulit na magkaroon ng mga kaibigan. Gusto niyang ipagpatuloy ang mabuhay kahit na mahirap at hindi iyon madali. Gusto niyang lumaban… “Let’s go,” aya ni Cem sa kaniya nang makatapos na sila sa pag-aayos sa classroom. Tumango lang siya at kinuha na ang kaniyang mga gamit. Sabay silang naglakad palabas ng kanilang classroom at pumunta sa fourth floor kung nasaan ang library ng building nila. Nakatingi

