Chapter 41: “Unknown Feelings” “MIRA!” sigaw ni Angge sa kaniya nang makita siya nito roon sa may gymnasium kung saan ginanap ang pagbubukas ng sports league para sa foundation week nila. Hindi niya naumpisahan ang unang set ng laro nito ng volleyball pero nakaabot naman siya sa third set at napanood niya si Angge at ang mga ka-team nito. “Congrats, Angge! Ang gagaling ninyo!” bati niya rito. Masayang yumakap sa kaniya ang babae nang makalapit ito. Si Angge ang libero sa team nila kaya ito ang nakatoka sa pagsalo at pagsagip ng bola na lalagpas sa mga ka-team niya. Their team won best of three sets ng game kaya naman maagang natapos ang laro ng mga ito. “Thank you, Mira! Hindi rin namin inaasahan na mananalo kami dahil ang gagaling ng kalaban namin pero mabuti na lang ay nagawa nam

