Chapter 40: “Prayers” DUMATING na ang foundation week kaya ang lahat ng mga estudiyante sa kanilang school ay excited na sa mga festival at booth na inihanda ng bawat section. Gayondin ang long week sports and activities. Iyon din ang panahon nila para mag-break muna sa school works at enjoy-in ang isang linggong pahinga na iyon. Ang Junior High ang naka-assign sa iba’t ibang booth samantalang sa kanilang mga Senior High naman naka-assign ang festival. Ang section nila Mira at Cem ay nag-prepare ng Japanese Style Theme, ang Cherry Blossom Festival. Naghanap sila ng isang puwesto na puwede nilang gawing isang park na may malaking puno sa gitna. Ginawa nilang Cherry Blossom Tree-like ang punong iyon at dinesenyuhan ang paligid na para bang isang park talaga iyon sa Japan kung saan puwe

