Chapter 15: “You Cheer Me Up” MAAGANG gumising si Cem kinabukasan dahil naalala niya na kailangan niyang maghanda para sa pagkikita nila ni Mira. Iyon kasi ang unang araw na gagawa sila ng kanilang research paper. Nag-suggest din ang babae na doon na lamang sa bahay nito sila gumawa no’n. Sigurado kasing mahihirapan ito kung sa café sila pupunta gaya nang pinag-usapan nila kahapon. Natutuwa naman siya dahil pakiramdam niya ay nagiging malapit na siya rito. Doon lang naalala ni Cem na hindi pala niya nakuha ang cellphone number nito kaya hindi niya mako-contact ang babae para itanong kung saang lugar ang bahay nila. “Ahhh! Bakit sa lahat ng makakalimutan mo ay ang itanong pa ang address nila o kaya kunin ang number niya, Cem?” kausap niya sa kanyang sarili. Mabuti na lang at naisipa

