Chapter 14: “More Than Someone I Know” “YOUR smile is beautiful, Mira, so… please, don’t hide it.” Those words kept on playing to Mira’s mind hanggang sa matapos na ang klase nila. Hindi na niya alam kung may pumasok pa nga bang mga lesson sa kanya dahil hindi matanggal sa isip niya ang mga sinabi ni Cem kanina. Nabalik na lang siya sa kanyang diwa nang marinig na magsalita ang lalaki na nasa kanyang tabi. “So… ahm, kailan tayo mag-start para sa research natin?” tanong nito na lumingon sa kanya. “Are you free this coming Saturday?” Tumango siya nang walang alinlangan dito. “Uhm…” Lagi lang naman siyang nasa bahay lang nila. Hindi siya lumalabas maliban na lang kung ayain siya ng kanyang ina na mag-grocery, mamasyal, o makipag-date rito tuwing weekends para magkaroon sila ng mother

