Chapter 13: “Your Smile Is Beautiful” “GOOD morning, Cem!” bati ng kanilang classmate sa lalaki na nakasalubong nila sa may hallway habang si Mira naman ay nakayuko lang na nakasunod rito. “Good morning, Steven. Nandiyan na ba sila?” tanong ni Cem. “Oo. Nasa loob na sila.” “Good morning, Mira!” Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang pagbating iyon mula kay Steven. Hindi niya inaasahan na pati siya ay babatiin nito. Iyon ang unang pagkakataon na kinausap siya nito kaya naman gayon na lamang ang kaba niya. Tiningnan niya ang lalaki at nakangiti ito sa kanya na tila ba inaabangan nito ang isasagot niya. Napayuko siyang muli at humawak nang mahigpit sa kanyang bag. “G-Good morning din.” Napangiti ito nang malawak nang sumagot siya. “Pupunta lang ako sa restroom,” paal

