Chapter 12: “Comfort And Understanding” KINABUKASAN ay nag-decide na lang si Mira na hindi na muna pumasok at magpahinga na lang muna sa kanilang bahay. Nagpaalam siya sa kanilang advisor na hindi na muna siya maka-a-attend ng araw na iyon due to some health problems. Alas-diyes na siya bumangon sa kanyang higaan. Kinuha niya ang opportunity na iyon para matulog nang mahaba dahil feeling niya ay pagod na pagod siya sa nangyari kahapon. “Good morning, baby!” bungad sa kanya ng Mama niya. “Oh? Ma?” gulat niyang reaksiyon nang makita ang matandang babae roon sa sala. Ang akala niya ay pumasok na ito pero mukhang wala itong balak umalis ng araw na iyon dahil nakasuot pa rin ito ng pambahay. “Hindi po kayo papasok sa work?” Umiling ang babae. Lumapit ito sa kanya at saka siya hinalikan

