Chapter 11: “It’s Okay Not To Be Okay” NANATILI si Mira doon sa may dulo ng hallway hanggang sa mawala na sa kanyang paningin si Cem. Sa totoo lang ay masayang-masaya ang dalaga nang ayain siya nito kanina na maging kasama sa group activity nila. Wala kasi siyang maisip na ibang makakasama bukod rito na magiging comfortable siyang kagrupo. Kahit pa nga nahihiya pa rin siya at hindi pa sila nito masyadong nag-uusap. Kahit papaano naman ay mas kilala niya ito kaysa sa ibang mga kaklase nila. Hindi lang niya inaakala na magiging dahilan siya nang hindi pagkakaunawaan nila Cem at Angge. At iyon ang hindi niya gustong mangyari. Ayaw niya na dahil sa kanya ay mawalan ito ng kaibigan. Bumaling siya sa may bintana at muling tiningnan ang tanawin na makikita sa labas para mawala ang pag-iisi

