Chapter 10: “We’re Not Even Friends”
ONE WEEK had passed simula noon. Hindi nagbago ang pakikitungo ni Cem kay Mira kahit kaunti bagkus ay nanatili pa rin itong nasa tabi ng babae. Sinasamahan niya pa rin itong kumain ng lunch pero hindi araw-araw dahil ayaw naman ng lalaki na magtampo na sa kanya ang mga kaibigan niya.
He just made sure that Mira won’t feel alone in those times. As he said before, he believes that no one really wants to be alone, even the girl, so he doesn’t want her to feel alone.
Lagi pa rin silang nagpapalitan ng notes sa isa’t-isa kapag may gusto siyang sabihin sa babae habang nasa loob sila ng kanilang classroom. Iyon naman ang sinabi niya rito na gawin nila hangga’t hindi pa rin ito komportable sa verbal na pag-uusap.
Kapag naman mahaba pa ang oras ng kanilang lunch break ay inaaya at sinasamahan niya itong pumunta sa may dulo ng hagdan kung nasaan ang malaking bintana na ipinakita niya rito para muling masilayan nito ang kagandahan ng berdeng tanawin doon.
Mira is still shy to him pero naramdaman naman niya na hindi na gaanong malaki ang agwat ng pader na binuo ng babae sa pagitan nilang dalawa. Somehow, she is slowly opening her door for him. And he’s happy.
“Class, we will have a group activity for the whole semester.” Napatingin silang lahat sa harapan dahil sa narinig. “Group yourselves into two or three persons, then choose a topic you want and make a research paper on that particular topic. Pa-approve ninyo muna sa akin ang topic ninyo bago ninyo umpisahan ang paggawa ng contents,” ani ng kanilang guro.
Nagsulat ito ng mga importanteng gagawin para sa research paper na ipanapagawa nito sa may blackboard. Habang ang lahat ay kinig na kinig.
“Every week po ba kaming magpapasa sa inyo?” tanong ng isa sa mga kaklase nila.
“Yes. Every week ay ipapasa ninyo sa akin ang bawat content ng gawa ninyo then at the end of semester natin i-finalize ang research paper na nabuo ninyo. Okay ba iyon? Any question?”
“Ma’am!” pagtawag ni Angge na nagtaas pa ng kamay nito.
“Yes?”
“Hindi po ba puwedeng apat na tao sa isang group?”
“Nope. Two or three persons per group lang para hindi kayo madalian sa research ninyo.”
Tumingin naman si Angge sa kaniya mula sa upuan nito. Iniisip pala ng babae na apat sila sa grupo at maiiwan ang isa kung tatlo lang ang maximum. Napabaling naman siya sa kaniyang katabi. Kung puwede ang dalawa ay aayain na lang niya si Mira na maging ka-group ko sa research paper namin. Sasabihan na lang niya sila Angge na silang tatlo na lang mag-group para hindi na nila kailangan pang mamili.
Pumilas siya ng isang pirasong papel sa notebook niya at saka nagsulat doon. Pagkatapos ay ibinigay niya iyon sa kaniyang katabi.
Tayo na lang ang magka-group. Puwede ba?
Tumingin si Mira sa kaniya matapos mabasa ang isinulat niyang iyon. Tila gulat na gulat ito sa nabasa nito.
“P-Paano sila?” tanong nito.
Ngumiti naman siya sa babae. “Okay lang iyon. Tatlo lang din naman kasi ang maximum member per group, so it would be better if tayo na lang ang magkagrupo. Maiintindihan naman nila ako,” he answered, assuring her that they would agree to it.
Nabaling ang atensiyon nila sa harapan nang magsalitang muli ang kanilang guro.
“Okay. Pag-isipan ninyo na ngayon kung sino ang magiging ka-group ninyo dahil buong semester ay kayo na ang magkakasama. Bukas ay ibigay ninyo na sa akin ang group ninyo. That’s all for today. Good bye, class.”
Pagkaalis ng kanilang guro ay agad na lumapit sa kinaroroonan niya sila Angge para pag-usapan ang kanilang group activity.
“Tayo na lang ang magkagrupo, Cem,” ani nito. “Tapos sila JR at Steven naman ang magkasama.”
“Si Cem talaga ang gusto mong kasama. Nagtatampo na kami ni JR sa iyo,” asar naman ni Steven sa katabing dalaga.
“Nagseselos na raw si Steven, Angge.”
“Uhmm…” Napatigil ang asaran ng tatlo at tumingin sa kanya. Naghihintay na magsalita siya. “Ahm. Puwede naman na kayong tatlong na lang ang magkakasama,” saad niya.
“Ha? Paano ka?” tanong ni Angge.
“Kami na lang ni Mira ang magkagrupo. Since wala pa siya masyadong kakilala rito sa atin ay inaya ko na lang siya para maging kagrupo.”
“What?” nakunot ang noong tanong ni Angge. Sabay namang napatingin ang dalawang lalaking katabi nito sa babae. “Hindi mo kami sasamahan pero si Mira ay gusto mong sasamahan?”
“No. It’s not like that, Angge.”
“For me, ganoon iyon, Cem,” sagot ng babae halata ang pagtatampo sa boses nito. “Hindi ka na nga namin laging nakakasama kumain ng lunch, pati ba naman sa group activity na ito ay siya pa rin ang sasamahan mo?”
“Ge, tama na iyan. Hayaan mo na si Cem. Iniisip lang niya ang bago nating classmate,” pigil ni JR dito.
Ang ibang mga classmate naman nila ay napatingin na sa kanilang lima dahil doon. Nagulat siguro ang mga ito dahil iyon ang unang pagkakataon na makikita nila na nagtatalo sila.
“Oo nga. Puwede pa rin naman tayo magtanong kay Cem kapag mayroon tayong hindi ala—” Naputol ang sasabihin ni Steven nang magsalita ang babae.
“It’s not about that!” sigaw ni Angge sa inis. “Hindi iyon ang dahilan ko. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. It’s about our friendship that now threatens to be ruined because of that new girl!”
Hindi niya alam kung bakit ganito ang kinalabasan ng lahat. Ang akala niya ay maiitindihan siya ni Angge pero mukhang na-misunderstood ata nito ang gusto niyang iparating.
“I-I’m sorry!”
Sabay-sabay silang napabaling sa babaeng katabi niya na tumayo mula sa upuan nito at saka yumuko sa harapan ni Angge.
“M-Mira…” pagtawag niya lang sa babae pero nanatili itong nakayuko.
“I-I’m sorry… nang dahil sa akin ay nagkaroon kayo ng h-hindi pagkakaunawaan,” ani nito. “Actually… gusto lang talaga akong tulungan ni C-Cem. O-Okay lang naman sa akin ang mag-isa. P-Pasensiya na kayo.” Tumingin ang babae sa kaniya at muling nagsalita. “H-Hindi mo na ako kailangang alalahanin pa, Cem, kaya ko naman.”
“Pero, Mira, wala kang ka—”
Ngumiti ito sa kanya na para bang kinukumbinse siya nito na magiging maayos lang ang babae. “M-May iba pa naman siguro akong magiging kagrupo kaya…. kaya naman samahan mo na sila.”
Hindi na nakaimik pa si Cem. Kinuha ni Mira ang bag nito sa upuan at saka tahimik na naglakad papunta sa pintuan ng classroom nila. Tanging pagsunod na lang ng kanyang mga mata ang nagawa niya rito.
“I thought… I thought you would understand me, Angge. Alam mo naman na ayoko ang may nag-iisa,” ani niya. “Hindi sa ayaw ko kayong kasama sa group activity natin, ang akin lang… Alam kong mahihirapan si Mira na makahanap ng kagrupo niya. And Mira is shy around people. She barely talks to me, too.” Napabuntong-hininga siya. Hindi niya talaga ine-expect ang nangyari. “Susundan ko lang siya. I hope… I hope you understand me.”
Hindi na hinintay pa ni Cem ang sagot ni Angge at naglakad na rin siya palabas ng classroom para sundan si Mira. He doesn’t want her to feel that she’s the reason why they argued. Ayaw niyang ilayo pa nito lalo ang malayo na nga nitong loob sa kanya.
Inilibot niya ang mga tingin sa buong pasilyo. Wala roon ang babae. Palakad na sana siya pababa ng second floor nang biglang pumasok sa isip niya ang lugar kung saan niya ito laging dinadala, sa dulo ng hallway.
Patakbo siyang pumunta roon at hindi nga siya nagkamali sa nasa isip. Nandoon nga si Mira sa ilalim ng hagdan sa dulo ng hallway. Nakatanaw ito sa malaking bintana na iyon at tinitingnan ang labas.
“Mira…” pagtawag niya.
Bumaling ito sa kanya at kitang-kita niya sa mukha nito ang kalungkutan.
“Sorry,” saad niya.
Umiling ito. “Kung mayroon man na kailangang humingi ng tawad ay ako iyon. A-Ako ang dapat mag-sorry.”
“Hindi… hindi mo kasalanan, Mira. Hindi lang kami nagkaintindihan ni Angge kanina, but I’m sure, she will understand it. Mamaya ay magiging okay na kam—”
“C-Cem, please…” Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito. “A-Ayokong maging dahilan nang hindi ninyo pagkakaunawaan. H-Hindi naman ako importanteng tao sa iyo hindi katulad niya. She’s your friend and w-we’re not kaya… k-kaya naman bumalik ka na kay Angge.”
Napatigil siya sa kanyang mga narinig mula sa kaharap na babae. Kasabay noon ay nakaramdam siya ng munting kirot sa kanyang dibdib.
Gusto niyang matawa sa realization niya ng mga sandaling iyon. Oo nga pala. Hindi nga pala sila magkaibigan. Wala pa sila sa ganoong stage nito.
“O-Oo nga pala. Nakalimutan ko. Nakalimutan ko na classmates nga lang pala tayo,” sagot niya. Pinilit niyang ngumiti sa babae para ipakita rito na okay lang siya. “I’ll go ahead.”
“Uhm. T-Thank you.”
Tumango lang siya at saka tumalikod sa babae. Ayaw na niyang ipilit ang sarili rito. Lalo na ngayon na nakita niyang nasaktan at nalungkot ito sa nangyaring pagtatalo nila ni Angge.
Bakit nga ba ako nag-aalala ng sobra sa kanya? Bakit nga ba nakaramdam ako ng kurot sa puso ko nang sabihin niya ang mga iyon? Bakit nga ba?