Chapter 9

1670 Words
Chapter 9: “This Is Not A Fairytale”   NAKATINGIN lang si Mira sa magkahawak na mga kamay nila ni Cem habang naglalakad na sila pabalik sa kanilang classroom. Hindi niya akalain na mawawala ang kabang nararamdaman niya ng dahil lang doon. His warm hand that is holding hers right now makes her feel safe and secure. Nagawa no’ng pakalmahin ang takot na nararamdaman niya na tila ba isa iyong gamot na ginawa para doon. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya na kahit hindi niya sabihin ang mga nasa isip o saloobin niya sa lalaki ay tila nahuhulaan nito ang mga iyon. Lagi itong nakagagawa ng paraan para tulungan siya at pakalmahin siya sa simple nitong gawa. Hanggang sa makarating sila sa may gilid ng pintuan ng kanilang classroom. Narinig niya ang boses ng kanilang guro sa loob. Sabay naman silang napatingin sa magkahawak pa rin nilang mga kamay at sabay ring bumitiw roon. “P-Pasok na tayo sa loob,” saad nito na tila nahiya sa kanya. Tumango lang siya sa lalaki. Pumasok na ito at sumunod lang siya sa likuran nito. Naramdaman ni Mira ang mga matang bumaling sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa loob ng classroom. Hindi siguro inaasahan ng mga classmate nila na magkasama silang dalawa. “Good afternoon po, Ma’am,” bati ni Cem sa kanilang guro habang siya naman ay yumuko lang bilang pagbibigay galang. Mabuti na lang at mabait ang kanilang guro ng oras na iyon dahil tumango lang ito sa kanila at nagpatuloy na sa pagdi-discuss ng itinuturo nito. Silang dalawa naman ay naglakad na papunta sa kanilang upuan. Ramdam ni Mira ang mga matang nakatingin sa kanila ni Cem kaya hindi siya naglakas loob na angatin ang kanyang mga tingin bagkus ay nanatili siyang nakayuko hanggang sa makarating siya sa kanyang upuan. Nagpapasalamat siya kay Cem dahil sa ipinakita nito sa kanya kanina. Gumaan at kumalma nga ang pakiramdam niya nang masilayan niya ang magandang tanawin na iyon sa likod ng school nila. It’s like a hidden paradise meant to be seen. She turns her gaze at the guy beside her. Busy si Cem na magsulat ng kanilang lesson na isinusulat ng guro nila sa blackboard. Napangiti siya dahil madalang lang ang lalaki na talagang masipag magsulat pero hindi ito katulad ng iba. Bumaling na siya sa kanyang notebook at nagsimula na ring magsulat. Pangalawang araw palang niyang nakakausap ang lalaki pero palagay na rin ang loob niya rito. Kahit pa nahihiya pa rin siya at hindi niya ito masyadong kinikibo ay naa-appreciate niya ang ginagawa nito para sa kanya. Napatigil siya sa kanyang pagsusulat nang biglang pumasok sa isip niya ang imahe ni Naya. Iniisip niya kung ano kaya ang kalagayan niya kung buhay pa si Naya at kasama ang babae sa school na iyon. Sigurado siyang katulad ni Cem ay magiging kaibigan si Naya ng lahat ng mga classmate nila. Sigurado siyang katulad ng lalaki ay hindi pababayan ng babae na mag-isa siya. Sigurado siyang katulad nang ginagawa ng katabi niya ay ganoon din ang gagawin ni Naya. Noon niya napansin na halos magkaugali ang dalawa. They are both bubbly and friendly. They are both her safe mode. She felt like Cem will protect and save her anytime he needs him, just like a prince charming in a fairy tale book. Nabalik siya sa kanyang diwa nang marinig na nagsalita ang kanilang guro. At doon lang din niya na-realize ang nasa isipan niya. Napailing-iling siya. She’s no princess. --- NANG matapos ang klase nila ay hinayaan muna ni Mira na makalabas ang karamihan ng mga classmate nila roon bago siya nagligpit ng kanyang mga gamit. “Cem! Halika na!” aya ni Angge. “Oo, Angge. Ayusin ko lang ang gamit ko,” tugon ni Cem sa babae. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong nito bumaling sa kanyang direksiyon habang inaayos na ang mga gamit nito. “U-Uuwi na rin.” “Sumabay ka na sa amin.” “Uhm… H-Hindi na. Mauna na kayo,” sagot niya. Sakto naman ay tumunog ang cellphone niya kaya naiwasan na niya ang kausapin muli ni Cem. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag niya at sinagot iyon. “H-Hello, Ma?” Kinalabit siya ng katabi kaya napatingin siya rito. He mouthed, ‘I’ll go ahead. Bye.’ while smiling. At saka kumaway sa kanya bago ito tuluyang naglakad papunta sa mga naghihintay nitong kaibigan sa may pintuan. “Wait for me in front of the gate. Susunduin kita,” saad ng nasa kabilang linya. “Oh. Ang aga ninyo pong umuwi.” “Pinauwi ako ng maaga ng boss ko ngayon. On the way na pala ako.” “Okay, Ma. Mag-iingat ka po.” Nang malamang malapit na ang kanyang ina sa school nila ay kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas na rin doon sa kanilang classroom. Nagmadali siyang bumaba from third floor to ground floor dahil ayaw niyang paghintayin ang mama niya. Narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone at sigurado siyang iyon na ang kanyang ina. Sasagutin na sana niya iyon nang matanaw ang ina na may kausap na isang estudyiante sa labas ng gate nila. Nang makalapit siya ay saka niya na-realize na si Cem pala ang kausap nito. “Ma!” Sabay na bumaling sa kanya ang dalawa sa pagtawag niyang iyon. “Oh, nandiyan ka na pala,” ani nito. Lumapit siya sa kinaroroonan ng matandang babae. “Nakita ko ito si Cem na palabas ng gate kaya naman naitanong kita kung nasa classroom ka pa,” paliwag nito sa kaniya. “Ahm, sige po. Nandito na rin naman po si Mira kaya po mauna na po ako sa inyo,” paalam naman ng lalaki na nakangiti sa kanilang dalawa. Tumango lang siya rito pero nagulat siya nang magsalita ang kanyang ina. “Saan ka ba, hijo? Sumabay ka na sa amin at ihahatid kita,” alok nito. “Nako. Hindi na po. Nakahihiya naman po sa inyo. Malapit lang naman po ang sakayan ng bus mula rito kaya po mabilis lang po ako makakauwi,” sagot nito. “Hindi na,” tugon ng matandang babae. “Sumabay ka na sa amin, hijo. Tara na,” ay anito na binuksan na ang sasakyan nila. “Mira, doon ka na sa loob, anak. Dito na si Cem sa tabi ko,” baling nito sa kanya. Hindi na siya nakasagot pa at napabukas na lang ng pinto sa may backseat ng kanilang sasakyan at saka sumakay na roon. Hindi na rin nakaimik pa si Cem na sumunod na lang din sa sinabi ng Mama niya. Sumakay ito sa may passenger seat. Ngiting-ngiti naman ang kanyang ina na para bang nagwagi ito sa Olympics. Habang nasa daan sila ay dalawang nasa unahan niya ang nag-uusap samantalang siya ay tahimik lamang sa likuran at nakikinig. “Alam mo ang gaan ng loob ko sa iyo, hijo. Iyong aura mo kasi nakabibigay ng good vibes. Ang ganda mong ngumiti,” puri ng kanyang ina sa katabi. Hindi naman niya masisi ito dahil totoo naman ang mga sinabi nito. Just like her mom, she also finds his smile so pretty. “Salamat po, ma’am,” nahihiyang sagot nito. “Huwag na ma’am ang itawag mo sa akin. You can call me Tita Joan from now on,” suggest ng kanyang ina. “Okay po, Tita Joan.” “Natutuwa talaga ako sa iyo. Natutuwa ako dahil may nakakausap ang anak ko sa school kahit papaano,” ani nito. “Ma… Nandito po ako sa likuran ninyo,” paalala niya rito na naririnig niya ang usapan nila. “I know, anak. Hayaan mo na ang mama mo. Thankful lang talaga ako rito kay Cem. He’s not just a handsome guy. He’s also kind.” “Wala naman po akong ginawa, Tita. At saka natutuwa rin po akong makausap si Mira.” Kumabog naman ang dibdib niya sa narinig mula sa lalaki. Napayuko tuloy siya at sinusubukang itago ang mukha mula sa salamin na nasa harapan. Kahit kasi hindi niya tingnan ay sigurado siyang namumula ang mga pisngi niya. Hindi naman nakaligtas sa matatalas na mga mata ng kanyang ina ang mukha niya. Nakangiti itong tumingin sa kanya sa may salamin. “Salamat pa rin, hijo,” tugon lang ng matanda. “Saan ka nga pala ulit baba?” “Doon na lang po sa may kabilang kanto na malapit po sa station ng bus, Tita.” Nang makarating sila roon sa kantong sinasabi nito ay agad na isinuot ni Cem ang kanyang bag at nagpaalam sa kanilang dalawa. “Maraming salamat po sa paghatid sa akin, Tita. Mag-iingat po kayo.” “Walang anuman, hijo. Sa susunod ulit ay puwede kang sumabay sa amin.” Tumango ito nang nakangiti. “Salamat po.” Bumaling naman ang lalaki sa kanya. “Bye, Mira. Salamat. See you tomorrow.” “O-Oh. Uhm. S-See you,” sagot niya. Napayuko siya sa hiya. “Bye po, Tita,” paalam nitong muli at kumaway pa sa kanila bago bumaba ng sasakyan. “Aaah!” sigaw ng kanyang ina sabay tingin sa kanya. “Narinig mo ba iyong sinabi ni Cem kanina, anak?” masayang tanong nito sa kanya. “Ma naman!” “Oh, bakit? Bawal na ba akong kiligin?” patuloy na tudyo ng kanyang ina. “Ma… please.” “Oka. Sige. Hindi na kita aasarin pa,” tugon nito at pinaandar na ang sasakyan. Napabaling si Mira sa lugar kung saan naglakad si Cem hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Naalala niya ang mga salitang pumasok sa kanyang isipan kanina. Her mind made her think that the guy came to her life like a prince charming who is ready to save him anytime. But then she realized… this is not a fairy tale story. It’s a reality wherein life is not that easy-peasy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD