Isang linggo ang lumipas mula ng salantain ng malakas na bagyo ang lugar nila Al. Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng malagpasan ni Al ang isa sa pinakamatinding pagsubok sa buhay niya. Hindi niya lubos maisip na muntik na niyang wakasan ang kanyang buhay, na sa muli ay umiral ang pagiging makasarili niya. Ni hindi man lang niya naisip ang kanyang ama, ni hindi man lang niya naisip ang mararamdaman ni Mae bago gawin ang balak na pagpapatiwakal. Dahil dito ay hindi mapigilan ni Al na makaramdam ng hiya sa sarili tuwing naaalala ang kamangmangan na ginawa. Marami ring natutunan si Al sa pangyayaring iyon. Natutuhan niya na maaari talagang wakasan ng labis na kalungkutan at pagkadismaya sa sarili ang buhay ng isang tao. Hindi talaga biro ang depresyon. Napatunayan din niya sa nangyari

