Hinihingal man ay hindi basta tumigil ang dalawa sa pagtakbo. Kitang-kita ang ngiti sa kanilang mga mukha habang magkahawak ang mga kamay. “Naalala ko,” nakangiting sabi ni Alicia. Napatingin naman sa kanya si Al habang patuloy silang tumatakbo. “N’ong last time na tumakbo tayo ng ganito.” “Oo nga ‘no? Parang ganito nga rin ‘yon,” sagot ni Al sabay tawa. “Oo, ganitong-ganito. Akalain mo, natupad ‘yong hiling mo noon na tumakbo tayo uli ng makahawak kamay,” nakangiting pagsang-ayon ni Alicia. Halos maglalabing-tatlong taon na ang nakalilipas. May naganap na malaking nakawan ng mga alagang hayop sa Catanauan. Madalas na ninanakaw ay mga alagang manok. Pero kung minsan maski ang malalaking mga hayop ay ninanakaw din. Nagsanib pwersa ang mga opisyal ng barangay, kapulisan at mga mamamaya

