Ilang minuto bago ang kaguluhan sa bulwagan. “Please. Aling Lupe. Padaanin ninyo ako. Please maawa naman kayo kay LingLing!” pakiusap ni Al habang napapaligiran pa rin ng mga naka-itim na mga lalaki. “Hindi ka kailangan doon, Al. Kapag natapos ang kasal? Mapapasakamay ko na ang pinakamalaking recording company sa Korea at pangalawa sa buong mundo. Kaya ‘wag ka nang manggulo pa. Kung gusto mo, babayaran na lang kita,” nakangising sagot ni Aling Lupe. “Wala kang kasing sama!” “Aanhin ko ang pagiging mabait kung maghihirap lang din naman ako?” lumapit ang babae kay Al at itinulak ang binata sa pader. “Pera ang kailangan ng tao. Pera ang nakasalalay dito, Al! Hindi mo kami mapapakain ng pagmamahal mo lang!” Hindi alam ni Al kung saan nahugot ng babae ang mga sinabi nito at hindi rin niya

