Inabot na nang madaling araw si Al sa pag-iisip. Halos magda-dalawang oras na siyang nakatayo sa harap ng bintana ng kwartong pansamantalang inupahan ni Agnes para sa kanila. Labis ang nararamdaman niyang pag-aalala para kay LingLing lalo na nang malaman niya ang lahat mula kay Agnes. Nakumbinsi na rin siya na hindi talaga gusto ni LingLing na magpakasal, na ginagawa lang ito ng dalaga para sa kapankanan niya. Hindi siya makapaniwala na pinagdudahan niya ang babaeng pinakamamahal niya. “Anong ginagawa mo?” bahagyang nagulat ang binata nang biglang magsalita si Mae mula sa kanyang likuran. “Ah… ‘di ako makatulog,” sagot ni Al. “Iniisip mo ba ‘yong mamaya?” tanong ni Mae sabay abot ng baso ng juice na hawak kay Al na mabilis namang tinanggap ng binata. “Oo, hindi ko alam kung anong mang

