Isang araw na lang bago ang nakatakdang kasal ni Alicia. Nakahanda na ang lahat ng kailangan sa kasal at ang buong mundo ay nag-aabang na sa pinakamalaking okasyon ng taon. Nakahanda na rin ang lahat ng plano ni Alicia para pigilan ang kasalan. Ganoon din ang kasong ihahain niya laban sa madrasta. Buo na ang loob niya na tapusin ang lahat ng kalokohan nito at ipakulong ang kinilalang ina na gumamit sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Pero sa kabila ng kagustuhan na mapigilan ang kasal at ang madrasta ay hindi mawala ang kaba sa dibdib ni Alicia. Hindi niya kasi mabasa ang isip ng madrasta at hindi niya malaman ang susunod nitong mga gagawin. Isa pa, binabagabag din siya ng karamdaman na kamakailan niya lang nalaman. At nag-aalala siya na baka isang araw ay biglang na lang maglaho ang la

