Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto at masayang niyakap ang matagal nang hindi nakikitang ama. “Pa! Andito ka!” masayang pagbati ni Alicia. “At hindi ka naka-wheelchair!” “Yeah. Andito ako! Hindi mo ba ‘ko papapasukin?” nakangiting tugon nang may-edad nang lalaki. Matapos pumasok ay agad na umupo ang ama ni Alicia sa sofa at inilibot ang tingin sa paligid na tila kinikilatis ang buong lugar. Dating architect si Jerry Kim. Kaya naman hindi niya mapigilang mamangha kapag nakakakita ng magagandan struktura. Isa pa, hindi siya makapaniwala sa laki at ganda ng naupahang kwarto ng anak. Kilala si Mang Jerry noon sa bayan nila Al kahit hindi siya ganoon katagal tumira doon. Matulungin kasi at madaling lapitan ang Koreano na pusong pinoy na rin dahil sa tagal nitong nanirahan sa Maynila. K

