Kasing lungkot ng kalangitan ang nararamdaman ni Al habang nakatitig sa kalalagay lang na lapida ni Alicia. Hindi niya alintana ang napakalakas na ulan at malamig na hangin. Wala siyang nararamdaman na lamig o ano pa man, maliban sa labis na pangungulila at kalungkutan. Kaalis lang ng ilan sa mga nakipaglibing. Mabuti na rin at napakasama ng panahon para sa mga reporter at paparazzi, naging mapayapa at personal ang libing ng dating sikat na mang-aawit. Pero dahil din sa masamang panahon ay hindi nakarating sa libing ang ama ni Alicia na kasalukuyan pa ring nagpapagaling. Naiwan si Al na nakatayo sa harap ng puntod ng asawa. Napakalungkot niya pero wala ng luhang tumutulo mula sa mga mata niya. Sa kabila rin ng pangungulila ay pilit niyang pinasasaya ang sarili sa pagsasabing, ‘sa wakas

