XXXVI

1265 Words

Hindi umalis si Al sa tabi ni Alicia nang matapos ang naisagawang pag-iisang dibdib. Sinamahan lang niya ito hanggang sa makatulog ito muli. At kinagabihan, nang magising muli ay sinubukan ni Alicia na kausapin ang doktor sa papamagitan ng sulat. Hirap man at nanginginig ay pilit na isinulat ni Alicia ang nais sabihin. At maging si Al ay nagulat sa nais ng dalaga. Nais kasi ni Alicia na ipatanggal na ang tubo na nakapasok sa kanyang bibig. Ang tanging tumutulong sa kanya para makahinga ng maayos. “Sa tingin mo ba? Kaya mo ng huminga sa sarili mo?” tanong ng doktor na sinagot naman ni Alicia ng mahinang tango. “I’ll check first. Titignan ko kung pwede na,” may pag-aalinglangang sabi ng doktor sabay labas ng kwarto. Makalipas ang isang oras ay bumalik ang doktor kasama ang dalawang nurse.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD