Maulap at malabong paligid ang nakita ni Al nang idilat niya ang kanyang mga mata. Naririnig din niya ang iba’t-ibang boses sa paligid niya. Sinubukan niyang umupo pero hindi niya masyadong maigalaw ang katawan. Nakaramdam din siya ng kirot sa ibat’t-ibang bahagi ng katawan. Muling ipinikit ni Al ang mga mata at dahan-dahang idinilat muli ang mga ito. Bahagyang luminaw ang kanyang paningin at nakita na niya ang puting kisame at ilang nakasisilaw na ilaw. “Nay! Tay! Gising na si Kuya Al!” sigaw ng dalagitang kapatid ni Al sa ama nang makitang dumilat na ang binata. Mabilis namang pumasok ang mga magulang nila at agad na tinignan ang kalagayan ni Al. “Al! Salamat sa Diyos at gising ka na, anak!” maluha-luhang sabi ng ama niya habang hawak naman ng madrasta ang kamay niya. Tumango at ngumi

