Hingal at hirap na sa paglakad. Pero pinilit pa rin ni Alicia na bumaba ng hagdan para takasan ang galit na galit na madrasta. Habang dahan-dahang humahakbang sa mga baitang ay sumasabay ang luha niya sa pagbagsak. Nanginginig ang mga tuhod niya at natatakot siya para sa naiwang kaibigan. Huminto si Alicia nang makababa ng tatlong palapag. Tatlong palapag na lang at nasa ibaba na siya pero hindi na kinaya ng mga binti niya. Umupo siya sa isa sa mga baitang habang nakasandal sa hawakan at hinihingal. Unti-unti din niyang nararamdaman ang pagsakit ng ulo. Pero kasabay noon ay hindi siya tumitigil sa pananalangin na sana ay huwag muna umatake ang sakit niya. “Alicia…,” narinig niya ang isang tinig mula sa itaas na tinatawag siya. Mabagal at nakapangingilabot. Si Aling Lupe. Dinig din niya

