Ikalabing Dalawampu’t Anim na Kabanata

1168 Words
Blue’s Point of View “Mukhang maasahan nga natin si Propesor Edium na manguna sa pakikipagdigmaan laban sa mga ating kalaban,” ang wika ni Mayumi. “Isang bagay na hindi ko inaasahan,” ang natatawang tugon ni Riven an ikinatawa rin namin. Likas na kasi kay Propesor Edium ang pagiging mabait at marahan sa kanyang pagkilos. Kaya naman nakakapanibago ang kanyang pinapakita ngayon. “Pero tama ang titulong ibinigay sa kanya ng mga dakilang tagausig. Ang utak natin sa digmaan.” “Pero may isang bagay akong pinagtatakahan,” ang singit ni Riven. “Hanggang ngayon ay hidni pa rin nakikita ang Punong Guro.” “Tama ka,” ang pagsang-ayon ni Aravind. “Hindi kaya may masama nang nangyari sa kanya?” Napatingin naman kami ni Faust sa isa’t-isa. Sa tingin ko ay mas makakabuti kung itatago muna namin ang katotohanan na si Dimitri Ivanov ang nasa likod ng pagliwanag ng Dakilang Mata, ang muling paggising ng mga DFakilang Taga-usig, at ang dahilan din kung bakit kami na sa ganitong sitwasyon. “Umasa na lamang tayo na… nasa maayos siyang kalagayan,” ang wika ni Riven. Tama. Kailngan niyang hindi mamatay. Kailangan kong maghiganti muna alang-alang sa aking ama. Naghiwawalay naman kami hanggang tanging si Aravind at Faust na lamang ang kasama ko. Dumeretso naman kami sa aming silid. “Wala ka na bang ibang nakita, Aravind?” ang tanong ko sa kanya. “Wala na,” angb tugon naman niya. “Naudlot ang aking pakikinig dahil ginising niyo ako. Gusto niyo bang muli kong gamitin ang aking kakayahan upang makita kung ano na ang nagaganap?” “Huwag na muna sa ngayon,” ang tugon ko naman. “Magpahinga ka na muna, Aravind.” “May naiisip ka na bang ibang plano?” ang tanong ni Faust sa akin. Napaisip naman ako. Kaagad ko namang naalala ang itim na kuwadernong napulot ko sa hardin ng Occulus. Puno ito ng mga pinagbabawal na mahika. Sa mga panahong ito, sa tingin ko ay makakatulong ito sa paglaban namin sa mga kaaway. “Ang itim na kuwaderno,” ang pabulong ko namang wika kay Faust. “A-anong itim na kuwaderno?” ang tanong naman niya. “Doon ko nakuha ang sumpang ginamit ko kay Xander,” ang paliwanag ko. “Baka sa akaling may magamit tayong sumpa mula roon.” “Hindi ko alam kung isang magandang ideya ‘yan,” ang komento naman ni Faust. “Hindi ba isa ‘yun sa naging rasohn kung bakit umila ang Dakilang Mata?” “Tama,” ang pagsang-yon ko naman. “Pero mayroon pa bang mangyayaring iba kung muli ko— nating gagamitin ‘yun? Faust, sa panahong ito. Kailangan nating gamitin ang lahat ng pagkakataon, at paraan para makatulong.” Napatango naman si Faust. “Nasaan ba itong itim na kuwadernong ito?” “Nasa mundo ng mga normal,” ang tugon ko naman. “Faust, kailangan kong bumalik doon para kunin ‘yun.” “Sasamahan kita,” ang wika naman niya. “Sa tingin ko ay… kaya ko na mag-isa,” ang pagtanggi ko naman. “Mas makakabuti kung  mag-isa kong tatawid sa mundo ng mga normal.” “Sigurado ka ba diyan sa binabalak mo?” “Wala akong ibang pagpipilian, Faust,” ang saad ko naman. “Kailangan kong gawin ito.” Tumayo naman ako at naglakad patungo sa pintuan. “S-saan ka pupunta?” ang nagtataka namang tanong ni Aravind nang masaksihan ang aking pagtayo at paglakad. Natigilan naman ako at humarap sa kanya. “May kailangan akong kunin, Aravind,” ang saad ko naman. “Isang bagay na maaaring makatulong sa atin laban kay Rosa at sa kanyang hukbo ng mga mangkukulam.” “P-pero—” ang protesta naman niya ngunit kaagad naman akong nagsalita at hindi na siya pinatapos pa sa kung ano man ang kanyang sasabihin. “Aravind, magtiwala ka sa akin,” ang komento ko sabay titig sa kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung anong kukunin mo at kung paano ‘yun makakatulong sa atin,” ang saad naman niya. “Pero… sige. Blue, mag-iingat ka. Kaialangan mong bumalik kaagad. “Naiitindihan ko,” ang pagpayag ko naman bago siya nginitian. Napasulyap naamna ko kay Faust bago tumango. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang lumabas. Nakarating naman ako sa tahanan namin ng aking mga Tiya. Napakadilim at napakatahimik ng paligid. Nagsimula naman akong  pumanhik ng hagdaan paakyat ng hagdan. Kahit na madilim ay sinubukan kong tahakin ang daan patungo sa aking silid. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako. Mabagal kong kinapa ang pader hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang light switch. Binuksan ko ang ilaw at kaagad na dumeretso sa tabi kama. Lumuhod naman ako upang silipin ang ilalim nito. Hinila ko naman plabas ang isang munting kahon na gawa sa karton. Sapat na ang isang pares ng sapatos ang magkakasya rito. “Revelare,” ang saad ko bago binuksan ang karton. Sa pag-alis ko ng takip nito ay may liwanag na lumabas mula sa loob ng karton. Ipinasok ko naman ang aking kamay at hinila palaabs ang itim na kuwadernong aking sadya. Nabitawan ko naman ang hawak kong kahon nang makarinig ako ng ingay mula sa aking likuran. Kaagad naman akong napaikot upang tignan ang sanhi ng ingay. “L-Luna, ikaw lang pala,” ang wika ko nang makita ang aking ispiritwal na gabay sa aking likuran. “Tinakot mo ako.” Bumalik naman si Luna sa kanyang normal na anyo; isang diwata. “Blue, anong nagaganap?” ang naguguluhan naman niyang tanong. Bigla na lang manag kayong umalis ng iyong mga Tiya at hindi bumalik ng ilang araw.” “Luna, pasensya na,” ang paghingi ko naman ng paumanhin. “Hindi rin namin ginusto na mawala ng ilang araw. May masamang naganap sa ispiritwal na mundo,” ang paliwanag ko naman. “Nagbalik ang isang mangkukulam na nagngangalang Rosa. Sinugod niya na ang Timog na parte ng ispiritwal na mundo at ilang miyembro ng Tipan ng Nalimutang Oras ang—” Natigilan naman ako dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa ibang mangkukulam sa Timog. Kung naging katulad ba sila ni Propesor Aslor at naging parte ng hukbo ni Rosa o… nawalan na sila ng buhay.” “Naiintindihan ko,” ang wika naman niya. “Huwag kang mag-alala sa akin. Hindi anman ako katulad ng isang normal na pusa na kailangang alagaan.” “Kailangan ko na ring bumalik ng Occulus, Luna,” ang saad ko. “Gusto mo bang sumama sa ispiritwal na mundo?” “Ikinagagalak kong sumama,” ang pagpayag naman niya. Kaagad naman kaming natigilan nang biglang namatay ang ilaw sa aking silid kasunod ng pagyanig ng bahay. Napaupo naman ako sa sahig. “A-anong nangyayari?” ang  tanong ko kay Luna na kaagad na nag-anyong pusa at tumalon sa aking bisig. Kaagad naman akong tumayo nang matapos ang maikling pagyanig at inabot ang pinto ng aparador. Pumasok naman ako ngunit hindi nito ako dinala sa Occulus.                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD