Ikalabing Dalawampu’t Pitong Kabanata

1537 Words
Blue’s Point of View “A-anong nangyayari?” ang tanong ko sa aking sarili. “Bakit hindi ako dinala ng pinto sa Occulus?” “Nararamdman kong may kung ano mang sumpang inilagay ngayon-ngayon lang sa pamamahay na ito,” ang wika naman ni Luna. “Hindi… hindi ito maaari,” ang wika ko sabay abot sa doorknob binuksan ko ang pinto at lumabas ngunit wala pa rin ako sa Occulus kundi ay nasa loob pa rin ako ng aking silid. Totoo nga ang sinabi ni Luna pero sino ang maglalagay ng sumpang ganito at bakit? Nakaring naman kami ng ingay mula sa unang palapag ng bahay. Kaagad kong napagtanto na kailangan kong makatakas at makahanap ng paraan upang makabalik sa ispiritwal na mundo sa lalong madaling panahon. Nagtungo ako sa pintuan at dahan-dahang binuksan ito, nag-iingat na hindi makagawa ng kung ano mang ingay. Dahan-dahan kong binaba ang aking katawan at gumapang sa sahig hanggang sa makarating ako sa gilid ng hagdanan. Dahan-dahan naman akong bumaba ng hagdanan at nang makarating ako sad ulo ay inikot ko ang aking tingin. Mukhang wala na kung sino man ang naron kani-kanina. Ngunit nagtataka pa rin ako dahil sino ang magtutungo rito sa aming tahanana upang maglagay lang ng isang sumpa? Malakas ang kutob na may mali. Kailangan ko nang makabalik ng Occulus sa madaling panahon. Nakita ko ang pintuan palabas ng bahay. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan upang makabalik. “At saan mo balak pumunta?” ang tanong ng isang malamig na boses, ilang yapak pa lang ang aking nagagawa. Natigilan naman ako at mabagal na umikot. Nanlaki naman ang aking mga mata sa aking nakita. “P-punong Guro!” ang bulalas ko nang tumapak siya palabas ng kadiliman at tanging liwanag na nagmumulan sa buwan ang tanging sanhi ng ilaw sa loob ng sala. “Blue, narito ako para kunin ka,” ang saad naman niya. “Nanganganib ang lahat ng mga mangkukulam ngayon dahil sa paggising ng masamang mangkukulam na si Rosa. Halika at ihahatid kita sa Occulus. Mas ligtas kung naroon ang lahat.” “Pero Punong Guro,” ang pagsambit ko, umarteng wala pa rin akong alam sa naging usapan niya at ng . “A-anong ginagawa mo rito? Hindi po ba mas makabubuti na naroon kayo sa loob ng Occulus?” ang mga sunod kong tanong sa kanya habang pasimpleng lumapit sa pintuan. “Bilang Punong Guro ng Occulus ay isa sa mga obligasyon ko ang siguraduhing nasa maayos kayong kalagayan,” ang paliwanag naman niya ngnit kita ko pa rin ang pagsisinungaling sa kanyang mga mata.   “Huwag niyo po akong alalahanin,” ang wika ko naman. “Kaya ko pong bumalik ng Occulus mag-isa.” “Blue, sumama ka na sa akin,” ang muli niyang saad bago nagsimulang maglakad patungo sa akin. Sinimulan naman akong kabahan. Batid kong may masama siyang balak sa akin kaya naman nagtungo siya rito sa aming tirahan. “Di bale na lang po!” ang pagtanggi kong muli bago binuksan ang pinto at madaling tumakbo palabas ng bahay. “Blue!” ang pagtawag niya sa aking pangalan ngunit hindi ako huminto at binilisan ko pa ang aking pagtakbo. “Magbalik ka rito!” ang pahabol niyang sigaw. Alam kong nasa labas na rin siya at sumunod sa akin. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo palayo. Kaagad naman akong natigilan sa pagtakbo nang may liwanag na lumabas sa aking harapan. Lumabas mula sa liwanag ang Punong Guro. “Bakit ka ba tumatakbo?” ang tanong niya sabay ngiti, “Hindi niyo ako maloloko!” ang sigaw ko naman bago lumayo sa kanya. “Ano bang sinasabi mong bata ka?” ang maang-maangan niya. “Alam ko na ang buong katotohanan,” ang sambit ko na. “na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng aking ama.” “At saan mo naman nakuha ang isang walang katuturang bagay?” Sa mga oras na ito ay hindi ko na talaga mapigilan ang galit sa aking dibdib. “Narinig ko mismo sa iyong bibig,” ang galit kong tugon. “Narinig kitang nakikipag-usap sa isa mga kampon mo. Ikaw ang dahilan ng pagliwanag ng Dakilang Mata! Narinig ko rin ang ginawa niyo sa aking ama. Na ikaw naman talaga ang gumamit ng pinagbabawal na mahika. Ginawaan mo ng paraan upang magmukhang ang aking ama ang siyang may gawa.” Tumawa naman siya sa kanyang narinig. “Magaling, Blue. Ikaw nga talaga ang itinakdang susunod na Punong Guro ng Occulus at ang susunod na Punong Pinuno ng mga mangkukulam.” “Ang parehong dahilan kung bakit gusto mo ring gawin sa akin ang minsan mo nang ginawa sa nakaraan,” ang pagpapatuloy ko. “Sa tingin mo ba ay sa pag-alam mo ng katotohanan ay mababago nito ang tadhanang inilaan ko sa’yo?” ang retorikal naman niyang tanong sa akin. “A-aling tadhana?” ang tanong ko naman. “Kamatayan,” ang tugon naman niya bago iangat ang kanyang mga kamay. Nagsimulang mag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Hindi na ako naghintay pa. Kaagad naman akong tumakbo palayo sa kanya; palayo sa isang makapangyarihang mangkukulam. Anong magagawa ng isang tulad ko na nagsisimula palang sa pagiging ganap na mangkukulam laban sa isang Punong Pinuno ng mga Tipan. “Globus!” sigaw niya kasunod ng mga nagsiliparang mga bolang apoy malapit sa akin. Paminsan-minsan pa nga ay napapatalon ako upang iwasan ang mga bolang apoy na pilit niyang pinatatama sa akin. Batid kong dehado ako sa bukas na parang na ito kaya naman ay tumakbo ako patungo sa kakahuyan kung saan maaari akong magtago laban sa pagsugod ni Dimitri. Sa gitna ng kakahuyan ay huminto ako at madaliang humarap sa kanya. Kaagad ko namang inangat ang aking mga kamay. Oras ko na upang ako naman ang sumugod. “Lux Tura!” ang sigaw ko. Isang nakakasilaw na sinag ng liwanag ang lumabas mula sa aking mga kamay. Ano mang tinamaan nito ay agad-agad na naging abo. Katahimikan ang sumunod na nangyari matapos maglaho ng liwanag. Lux Tura isang enkantasyon na nagpapalabas ng isang sinag ng liwanag mula sa kamay ng kung sino man ang magsambit ng mga salitang ito. Isa ito sa mga sekretong sumpa ng Tipan ng Sagradong Buwan. Ilang beses pa akong bumalik sa pinagbabawal na parte ng silid-aklatan ng Occulus. Ilang oras din ang ginugol ko upang basahin ang mga librong naroon. Hindi pa man nagtatagal ay narinig ko ang pagtawa ng isang boses. “Magaling, Blue!” ang papuri ni Dimitri. Iginala ko agad-agad ang aking paningin sa paligid. Hindi ako nagtagumpay na burahin siya sa mundo. “Ako ngayon ay talagang kumbinsido sa nakatagong kakayahan mo. Dugo nga ng mga makapangyarihang mangkukulam ang dumadaloy sa’yo. Ngunit kulang pa. Blue. Kailangan na kitang pigilan pa bago pa dumating ang oras na mas lalo kang maging makapangyarihan. Lux Tura. Isa mga sekretong sumpa ng Tipan ng Sagradong Buwan. Sinong magaakaalng magagawa ‘yun ng isang mangkukulam na katulad mo?” “N-nasaan ka?!” ang sigaw ko. “Magpakita ka!” “Masusunod,” ang kaagad naman niyang pagpayag. Mula sa mga apoy na dulot ng aking ginawa ay nagpakita siya. “Patas lang naman kung ako naman ang gumamit ng mahika, hindi ba? Huwag kang mag-alala. Gagawin kong mabagal ang pagkitil ng iyong buhay. Bilang anak ng pinakamataalik kong kaibigan.” Nanlaki ang aking mga mata sa mga sumunod kong narinig. Anong matalik silang magkaibigan? “Tama ang iyong narinig,” ang saad niya. “Matalik nga kaming magkaibigan ngunit kinailangan niyang mawala. Naging malapit siya sa akin ngunit isang bagay lang ang mahalaga para sa akin at ‘yun ay ang kapangyarihan. Hindi ko matanggap na siya ang susunod na Punong Guro ng Occulus at Punong Pinuno ng mga Tipan. Hindi ko maintindihan. Mas magaling namana ko sa kanya at mas makapangyarihan bilang isang mangkukulam. At ngayon naman ay ikaw ang nagsisilbing banta sa aking posisyon at kapangyarihang aking tinatamasa.” Hindi ko naman na siya hinintay na makalapit sa akin. Kaagad naman akong muling tumakbo palayo. “Hinding-hindi ka makakalayo. Vintus Ipeterum!” Narinig ko naman ang paggalaw ng mga baging sa mga puno at nagsimulang gumalaw ang mga ito. Hinabol naman ako ng mga mahiwagang baging. Pinilit kong tumakbo palayo sa mga ito. Sa ilang pagkakataong nabibigay sa akin ay umaateke rin naman ako sa Punong Guro. “Globus!” ang sigaw ko kasunod ng paglabas ng mga bolang apoy mula sa aking mga kamay. Ang ilan ng mga ito ay tumatama sa mga baging na krinokontrol ni Dimitri. Kahit na nasusunog at napuputol ang mga ito ay mabilis naman itong huamhaba at pinagpapatuloy ng mga ito ang paghabol sa akin. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay tagaktak na ang pawis sa buo kong katawan dahil sa katatakbo. Napagtanto ko na walang magagawa ito at kailangtan ko na talagang lumaban ng harapan. Huminto ako at muling ginamit ang Lux Tura. “Vintus Impeterum!” ang sigaw naman ni Dimitri kasunod ng muling pag-atake sa akin ng mga baging. Sa pagkakataong ito ay hindi na na nag ako nakatakas mula sa mga ito at nahuli ako. Pumulupot ang mga baging sa aking katawan. “Ngayon ay wala ka na talagang takas.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD