Chapter 19

5599 Words
Rhian Dela Cruz PoV It's thursday evening. Nagising ako para uminom ng tubig kanina. Tulog na yung dalawa dahil 11:30 PM na, nag lalakad ako ngayon pabalik sa higaan, alam kong kailangan ko pang matulog pero parang nawala yung antok ko, kaya nag isip isip muna ako. Parang may something kay Lexy kanina kasi namumula siya, tapos bumubulong pa siya ng nakakahiya. Napano kaya 'yun? Tsaka ayaw niyang masyadong dumikit kay CR, crush niya siguro. Si Arah at Zach naman nag kakamabutihan na yata, well wala namang masama dun dahil mukhang mabait naman si Zach, at bagay naman sila. Napag usapan rin kanina na mag kakapartner sila sa acquitance party bukas. Ang swerte nila, ako kasi walang kapartner. Si Little A naman inaya raw siya ng isa sa kaklase namin na si Miguel, kinwento niya sakin kanina. Hindi naman sa gusto ko pero mas masaya siguro kung may partner rin ako. (Acquaintance Party) Kahit inaantok ako ay gumising na ako. Naligo ako at nag toothbrush muna. Pagka tapos ay nag luto ng almusal. May stock naman kami ng pag kain na pang almusal dito sa ref kaya hindi na ako lumalabas para bumili. Pagka luto ay nag handa na ako sa lamesa, hindi ko na muna ginising yung dalawa dahil wala namang pasok kasi daw para maka pag beauty rest yung mga students para mamayang 6 pm kung kailan gaganapin yung acquitance party eh makapag handa kami. Pag ka tapos kong mag handa ay tinakpan ko muna ng tray at pinuntahan sila Lexy at Arah. Si Arah na ang inuna ko kasi alam niyo naman na pahirapan sa pag papagising si Alexy. "Arah?" Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya "Nakahanda na yung almusal" sabi ko tapos ay bumangon na siya at nag unat unat. "Good morning Yan Yan!" Bati niya saakin, napaka energetic ah  "Good morning din, patulong munang gisingin si Lexy." sabi ko naman at tumayo na rin ako. "Lexy?" Sabi ko sabay tapik sa braso niya. Pero hindi man lang siya tinablan. Napabuntong hininga ako. "Lakasan mo kasi, Yanyan" saad ni Arah, ginawa pa kong sadista nito. "Lexy!!" medyo malakas na sabi ko sabay palo sa braso niya pero wala parin, gumalaw lang yung kamay niya. "Sabay tayo" sabi ni Arah "Hampasin natin siya ah?" "Sige, 1, 2, 3 go!" Sabi ko. "ALEXY!!!" Sabi namin sabay hampas. "Ouch!" Sigaw ni Lexy sabay hawak sa braso niya habang naka ngiwi. "Ano b--!?" "Hala?! Alexy! Pinapatawag ka ni Mrs. Martin! (A/N: mommy ni Zach, principal) bawal daw umabsent ngayon, tsaka ba't wala ka daw excuse letter?! Lagot ka! Bumisita kasi si Mrs. Martin sa room tapos pinatawag ka niya saamin!" Nag tatakang tiningnan ko si Arah. "Diba Yan?!" Kinindatan niya ako senyales para sakyan ko ang ginagawa niya, ano kayang plano niya. "Oo nga! Maligo ka na Lexy! Hihintayin ka namin, lagot ka!" Panggagatong ko pa kaya lalong nanlaki ang mata ni Lexy. "What the hell! Bakit ngayon niyo lang ako giniseng?!" Sigaw niya at mabilis na kumuha ng gamit at tumakbo sa banyo. "Nakakatawa yung reaction niya, hindi man lang niya napansin na hindi tayo naka uniform" Patawa tawang sabi ni Arah. "Teka, bakit mo nga pala ginawa yun Arah?" Tanong ko. "Lokohin lang natin siya, para mag tanda siya" sagot niya. "Mag tago ka muna dyan sa ilalim ng lamesa, babalik ako." Sabi niya sabay takbo sa harap ng pinto ng cr, nag tago na din ako sa ilalim ng mesa.. "Lexy?! Sumunod ka nalang, una na kami!" Sigaw ni Arah sabay takbo palapit saakin. Hayss hindi na kami nakakain. Hinatak ako ni Arah papunta sa likod ng sofa kung saan hindi kami makikita ni Lexy. "Dito muna tayo, kasi baka mapansin niya na hindi tayo naka uniform" paliwanag ni Arah. "Sige, basta't pagkaalis niya mauna na tayong kumain, lumalamig yung pagkain ehh. Pag tatabi ko nalang siya." Sagot ko naman kay Arah. Pamayamaya lang ay kumalabog ang pinto ng banyo. Sumilip ako at nakita ko doon si Lexy. Nakabihis na siya at kumuha pa talaga siya ng isang hotdog sa lamesa at kinain ito tapos ay nag sapatos siya tsaka tumakbo na palabas ng pinto. Tumayo na kami ni Arah habang tumatawa at kumain na. Alexy Tan PoV 'Takbo takbo takbo' 'My gahd nakakahiya sa principal aishh. Bakit kasi ngayon lang nila ako ginising' Nakarating ako sa tapat ng pinto ng Principal's office habang hinihingal. Kinakabahan ako, shocks! Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. May nag bukas pero nanatili akong nakatungo kaya hindi ko nakita kung sino man 'yon. "Anong sadya mo Ms. Tan?" Bungad ni Mrs. Martinez pagka pasok ko. "Good morn--" na interupt ang sasabihin ko ng napatingin ako sakanila at nakita ko si CR at Zach "--ing po, bat ka nandito CR?" Bulong ko sakanya. "Ahmm, mag papaalam lang ako kasi bawal daw yung outsider mamaya sa Acquitance" bulong na sagot niya rin, dahil naka dikit lang siya saakin ay hindi naman kami nahihirapan pang mag usap. At doon ko naalala ang lahat, Acquitance nga pala mamaya at walang pasok, ughhh! Nakakahiya akooo! Naka uniform pa naman ako, hayss! Huhuhu lagot kayo saakin Arahh at Yan-yan!! Ano ba naman yan! Tang ina nilang dalawa!! "Uhh, wala po, pinuntahan ko lang po si Raven, pinapunta po niya kasi ako dito." Palusot ko, pasimple kong kinurot si CR para sakyan ang palusot ko, si Zach naman ay nag paalam na munang lalabas dahil may tumatawag daw sa kanya. "A-ah, opo tinawagan ko nga po siya, may hinihiram po kasi ako sakanya-a" sagot niya. "Okay, sige papayagan kita mamaya basta partner kayong dalawa, bagay kayo eh haha." Halaa, si Mrs. Martninez ba talaga 'to? OMG!! "Walang problema madame" sabi ni CR at ngumiti siya ng nakaka loko. "Mauna na po kami, maraming salamat po." "Walang anuman, sige ingat kayo." Sabi niya sabay ngiti, geez. Lumabas na kami saktong papalapit saamin si Zach. "Okay na pre, salamat." Sabi ni CR kay Zach. "Maayos yan, walang anuman." Sagot lang ni Zach. Bumalik na kaming dalawa ni CR sa dorm habang si Zach naman ay naiwan muna kasama ang kanyang ina sa PO. "Oh andyan ka pala Charles." Sabi ni Yan-yan na nag wawalis. Talaga naman! May kasalanan pa sila saakin! Nag kwentuhan muna kami sandali kasama si banyo. Hindi ko muna binanggit yung tungkol sa pangloloko nila kanina. Ha! Lagot kayo saakin mamaya. "Mauna na ako." Sabi ni banyo at tumayo. "Bye" pag papaalam ko pagkatapos ay lumabas na siya. Tumingin ako kay Arah at Rhian, mag tu 12 pm palang naman. "Akala n'yo ba nakalimutan ko na yung kanina?" Paunang tanong ko.. "Pwes nagkamali kayo!" pagka tapos nun ay hinabol ko sila, 'di naman ako galit ehh, kasi alam ko na ginawa nila yun para matuto na ako na gumising ng maaga, kaya para hindi na ako mapag tripan, starting tomorrow mag aaral na akong gumising ng maaga. Oh I mean sa susunod na araw pa pala kasi acquaintance na mamaya. Nag habulan kami at nag batuhan ng unan. Ang saya talaga nilang kasama. They never failed to make me happy kahit na medyo masungit ako. Nag pahinga muna kami at gumawa si Yanyan ng miryenda namin since nakakagutom mag takbuhan. Nag luto siya ng pan cake tapos tinulungan nalang namin siya sa pag sangkap. It's 4:30 PM. Nakaligo na kaming lahat pero hindi pa namin suot yung mga gown namin, ang init kasi ehh. Mag aayos na muna daw kami pagkatapos ay mag bibihis. Kanya kanyang tulungan kami sa pag aayos sa sarili namin, hindi na namin kailangan ng mag-aayos saamin kasi kahit hindi kami mahilig mag ayos eh marunong naman kami tsaka may tutorial naman sa Youtube. That's enough para matuto kami. Nandito rin si little A na isa rin sa tumutulong saamin sa pag aayos. Si little A ang tipo ng nerd na mahilig mag ayos. Inaayusan niya ng buhok si Yan-yan. Si Yanyan naman magaling magayos ng eye shadow tsaka ng iba pang mga pang-ayos sa mata, siya raw kasi yung pinag pa praktisan at tinuruan ng ate niya nung bata pa siya kaya marunong na din siya. Ang galing nga niya eh kaso ayaw niya lang daw talagang mag ayos. Kami naman ni Arah ang nag lalagay ng blush on at lipstick. Pag katapos ng pag aayos namin ay nag palit na kami ng mga damit. Bumagay kay Arah ang suot niyang navy blue gown na off shoulder. Ang ganda niya at tinernuhan pa niya ito ng black pointed heels, tapos yung hairstyle niya naka bun sa taas. Light lang yung kulay ng eye shadow niya. Si Little A naman ay naka red gown na gaya ng kay Arah yung style na off shoulder, bagay ito sakanya at lumabas ang pag ka kikay niya na tinernuhan niya ng kumikinang na baby pink heels, yung hairstyle naman niya ay fishtail. Si Rhian naman ay naka yellow na gown, bagay ito sakanya since maputi siya. Off shoulder din kaso may transparent strap naman, na tinernuhan niya nang beige na pointed heels, tapos curly yung hair niya, hindi niya rin soot ang salamin niya, soot niya ang contact lense na binili namin. Habang ako naman ay soot ang pink gown off shoulder. Medyo red lipstick, gold glitter heels at naka curl yung buhok ko sa baba. 5:30 na ng hapon. Tapos na kaming mag ayos, hinihintay nalang namin sina Charles at Zach. Umalis na si little A dahil hinahanap na daw siya ng partner niya. May ka partner na si Yan-yan, yung pinsan ni Arah, si Jacob Lee Atienza. Kaso hindi pa namin sinabi kay Yan-yan. Dito din siya nag aaral at magka sing edad lang sila ni Arah. Naka upo kami sa sofa habang nanonood, mga ilang minuto lang ay biglang tumunog yung doorbell. Tumayo ako at lumapit sa pintuan, binuksan ko 'yon at nakita sina Zach at Charles. Omg! Bagay sina Arah at Zach. Naka navy blue tuxedo si Zach. Si Charles naman naka black na tuxedo. "Tititig ka nalang ba sakin?" Naka ngising tanong ni Charles. Sumama ang mukha ko. "Kapal mo ahh" sagot ko. Naglakad naman papalapit samin sina Arah at Yan-yan. "Gwapo natin ngayon ahh" saad ni Arah. "Hey, araw araw kaya kaming gwapo" saad ni Zach. "Oo nalang" sagot ni Arah. "Alis na tayo" pagyaya ni Yan-yan at lumabas na kami ng dorm. Habang naglalakad ay pinahawak ni Zach sa braso niya si Arah. Woah gentleman. Sana all. Nauuna silang maglakad, sa likod naman nila ay si Yan-yan at kami yung pinaka likod. Hindi ko maiwasang hindi maapakan yung dress ko ang haba kasi, muntik pa'kong madapa dahil dun. "Hawak ka sa braso ko" saad ni Cr, kaya napatingin ako sakanya. "Wag na" pagtanggi ko. "Sige na baka madapa kapa diyan, hindi mo naman siguro gustong halikan yung semento" pananakot niya na nagpakunot ng noo. Tsk. "Syempre ayoko" saad ko at humawak na sa braso niya. Nakarating na kami sa loob ng gym. Dito pagdada-usin yung party. May red carpet sa tapat ng double door na pinto papunta sa harapan. May mga round table na nakalagay sa bandang likod. Sa harap naman yung stage at yung pagsasayawan ng mga estudyante. May naka tayong lalaki sa stage at may hawak na mic, siya siguro yung MC. "Sar, dito!" biglang sigaw ng isang lalaki na nag iisa sa isang table. It's Jacob, Arah's cousin. "He's handsome." Wika ko. Biglang lumingon si Cr sakin habang naka kunot ang noo. "Mas gwapo naman ako doon." Ani niya na inismiran ko nalang. Kumaway si Arah sakanya at naglakad kami papunta sa table niya. Walong upuan ang nasa table. Umupo si Arah sa tabi ni Jacob. "Kumusta Sar?" Tanong ni Jacob sakanya. "Katatanong mo lang niyan nung isang araw ahh" natatawang sagot ni Arah "By the way, eto nga pala si Rhian, kaibigan ko. Siya yung sinasabi kong partner mo" pagpapakilala ni Arah kay Yan-yan. "Hello Rhian" saad ni Jacob at ngumiti. "Hello" nakangiting bati din ni Yan-yan. "Kumusta bro?" Tanong ni Jacob kay Cr. Matagal ng magkakilala sina Jacob at Cr dahil kay Arah. "Okay lang naman" sagot ni Cr. "Si Rhian pala yung sinasabi mong partner mo" saad ni Zach. Si Zach naman ay kaibigan ni Jacob, magkaklase sila. "Yeah, kahit sino kase rinereto mo sakin ehh. Kumusta ate Lex?" Tanong ni Jacob. Hindi na'ko nagpakilala dahil kilala na niya ako, kasama ako ni Arah nung kina usap niya si Jacob. Tinatawag niya akong ate kase matanda ako ng ilang buwan sakanya. "Okay naman" sagot ko at ngumiti. Naka upo sa tabi ko si Cr, si Arah at Zach naman ay magkatabi rin at sina Jacob at Yan-yan ay magkatabi rin. Nang 6:00 pm na ay nagsimula na ang program. "Before we start our celebration let's all welcome the principal of this school, Mrs. Liza Martinez" saad ng mc at nagpalakpakan kami. Naglakad ito sa red carpet at umakyat sa stage, nagbigay siya ng mensahe at umupo na sakanyang table kasama ang mga teachers. "Let's not forget our supreme student government officers. Our President Mr. Haarsha Velasco, Vice President Mr. John Waine Park and our new secretary Mr. Gray Richard Solomon--" nagpantig sa tenga ko ang tatlong pangalang yon kaya hindi ko na napakinggan ang pangalan ibang officers. Officer silang tatlo, ibig sabihin si Gray ang pumalit kay Tiffany Reyes. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?! Stupid me. Nabalik lang ako sa reyalidad ng magpalakpakan na ang mga estudyante. Naglalakad na sa red carpet ang mga officers. Nauna ang ibang officers at pinaka huli silang tatlo. Napansin kong naka tingin si Waine sakin tapos titingin kay Cr. Naglakad na silang tatlo papunta sa kanilang table kasama ang ibang officers. But what's with the look of Waine? Charles Raven Torres PoV Base sa sinabi ni Zach mag sisimula yung sayawan mamayang 7:00 pm. 6:30 pm narin naman kaya sandali nalang 'yon. Katabi ko si Lexy ngayon na tahimik lang na naka upo sa kanyang upuan. Sina Zach, Sarah, Jacob at Rhian naman ay katabi din namin na nag kukwentuhan. Naisip ko yung kinwento niya sakin nung nasa bahay kami nina Zach. Masyadong malaki yung tiwala niya sakin kahit sandaling panahon palang kaming nag ka kilala. Naiintindihan ko naman siya kung bakit ayaw niyang ipa alam kina Sarah at Rhian 'yun, lalo na kay Sarah. Pero parang mali din yung ginawa niyang pag tatago dahil deserve din ni Sarah na malaman yun. Maingay sa paligid dahil sa mga estudyanteng nag kukwentuhan at dahil na rin sa maingay na musika. "Lexy, ang tahimik mo ata. Okay ka lang ba?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin. "Ahh, oo. May iniisip lang ako" sagot niya sabay abot nung wine niya at ininom yun. Hindi nako sumagot. Makalipas ang ilang minuto ay nag palit na yung musika. Nagsimulang pumunta sa gitna yung ibang estudyante at sumayaw. Napatingin ako kay Zach na inaya si Sarah na sumayaw, tumango si Sarah at nagsimula na silang pumunta sa gitna. Pati sina Rhian at Jacob ay sumasayaw na. Napansin kong naka tingin si Lexy sakanila. Tumayo ako, kaya napatingin siya sakin. Inilahad ko yung kamay ko sa harapan niya. "Can I have a dance with you?" Tanong ko sabay ngiti. Tumango naman siya at ngumiti. Tinanggap naman niya yung kamay kong naka lahad. Naglakad kami papunta sa gitna at nag simulang sumayaw. Naka patong yung dalawa niyang kamay sa balikat ko, ako naman ay naka hawak sa bewang niya. Malayo kami ng konti kina Sarah at Rhian. "Sa tingin mo magagalit sakin si Arah kapag nalaman niya na yung kwintas na nakita ko ay pag aari pala ng mga pumatay sa mama niya?" Tanong niya sa mahinang boses sabay yuko. Patuloy pa rin kami sa pag sayaw. "Oo, kilala ko si Arah. Magagalit siya sigurado lalo na't tungkol yon sa mama niya. Siguradong magagalit din yun sakin" saad ko at pilit na ngumiti. "I'm sorry, dinamay pa kita. Sorry kung magagalit din si Arah sayo." nakayukong pagpapa umanhin niya. Iniisip niya siguro yung mangyayari kung sakaling malaman ni Sarah yung tinatago niya, kaya tahimik siya kanina. "Alam kong ginawa mo 'yon dahil ayaw mong mapahamak si Sarah" saad ko. Naka tingin lang ako sakanya habang naka yuko siya. Narinig ko naman yung mahina niyang hikbi. "Ayokong may mapahamak nanaman sa mga kaibigan ko" saad niya habang mahinang umiiyak. May ugali si Lexy na gagawin niya yung lahat para sa mga kaibigan niya kahit ikapahamak niya pa yun. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Lexy yung impormasyon tungkol sa kwintas na nakuha niya ang alam ko ay hindi ka basta basta makakakuha ng impormasyon tungkol sakanila dahil pinoprotektahan sila ng mga mas nakatataas sakanila. Siguradong malawak ang sakop ng pumoprotekta sakanila. Maaaring maka kuha ng impormasyon si Lexy kung bihasa siya sa pang hahack ng mga database pero limitadong impormasyon lang ang makukuha mo. Alam ko walang alam si Lexy sa mga ganong bagay. Mahina na pa rin siyang umiiyak. Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at iniharap siya sakin. Pinunasan ko yung luha sa kanyang mata. "Tahan na, wag kanang umiyak. Baka may makakita sayo kala nila inaano kita" saad ko sabay ngiti. Nabigla ako ng yakapin niya ko "Salamat" saad niya. Hinagod ko naman yung likod niya ng maalis yung pagka bigla ko. If friendship is your weakest point then you are the strongest person in the world. Umalis na siya sa pagkakayakap at yumuko. "Pwe-de bang bumalik na tayo sa upuan natin?" Tanong niya ng hindi maka tingin sa mukha ko. "Sure" sagot ko at inalalayan siyang mag lakad pabalik sa upuan namin. Nandito na rin sina Sarah at Zach na nag tatawanan. "Hey Lexy, wag mong damihin yung iniinom mong wine" pagbawal ko. "Wine lang to Cr" saad niya. "Kahit na, alcoholic drink pa rin yan" pagbawal ko, aishhh ang kulit ahh. "Yeah, whatever" saad niya at inikot ang mga mata. Did she just rolled her eyes? Sige lang kapag nalasing ka, hindi kita bubuhatin. Zach Martin PoV "Arah, ihi lang ako" paalam ko, tumango naman siya. Tumayo naman ako at nagsimula ng mag lakad. Naglalakad na'ko sa corridor, malapit na dito yung comfort room na panlalaki. Ng makarating nako sa cr ay agad akong pumasok sa isang cubicle at umihi. Lalabas na sana ako ng may marinig akong pumasok sa loob din ng cr. Hindi muna ako lumabas. "Bakit ba ayaw pang ipapatay ni boss yung tatlong feeling detective?" Narinig kong tanong nung isa sa kasama niya, tatlo sila base sa mga yapak nilang narinig ko kanina. Parang narinig ko na yung boses na 'yun. Saan ko nga yun narinig tsaka what the fvck sinong papatayin? Tatlong detectives? Masama ang kutob ko dito. "Ewan ko, may plano siguro siya" sagot nung isa. "Manahimik nga kayo diyan, baka may biglang pumasok marinig pa nila kayo" pagbawal nung isa sakanila. Saan ko nga ba narinig yung boses nila. Hindi naman kasi ako makalabas sa cubicle kaya hindi ko makita ang mukha nila tsaka baka delikado sila, wala pa naman akong dala sa mga imbensyon ko. Narinig ko na yung pagbukas ng pinto at mga yabag nila na palabas ng cr. Naghintay ako ng ilang minuto bago lumabas ng cubicle. Who are they? Naglakad nako palabas ng cr at naglakad pabalik sa upuan namin. "Tagal mo ahh, sabi mo iihi ka lang. Umihi ka lang ba talaga?" pagbungad sakin ni Ds. Umupo ako sa katapat ng upuan niya. "Oo, umihi lang ako. Bakit na miss mo agad ako" saad ko sabay ngisi. "Kapal mo ahh" saad niya. Wala akong balak sabihin sakanya yung naririnig ko. Sasabihin ko nalang kay mama para i pacheck yung mga cctv cameras kung nag aaral dito yung mga narinig ko. "Zachy papahangin lang ako sandale" pagpapa alam ni Ds. "Samahan na kita" pagprisinta ko. "Wag na sandali lang naman ako" saad niya. "Sige" saad ko at umalis na siya. Time had passed. Mag iisang oras na, wala pa rin si Ds tagal naman niya Napatingin ako sa lumapit samin. Umupo sa tabi ko si Charles, sa tabi naman ni Yan-yan umupo si Lexy. "Zach, nasaan si Arah?" Tanong ni Lexy. "Nagpaalam siya kanina sakin na magpapahangin lang daw siya pero hindi pa rin siya dumadating, ang tagal nga niya ehh" sagot ko. "Nasaan kaya siya? Kanina ko pa siya hindi nakikita" may pag aalalang saad ni Lexy. Tumayo si Charles at lumapit kay little A, mga ilang minuto lang ay bumalik siya dito at umupo sa kanyang upuan. "Anong ginawa mo don?" Tanong ni Lexy kay Charles. "Bakit, na miss mo agad ako?" Tanong niya. Hahaha mukhang mag kakasundo kami ni Charles "Nagtatanong ako ng maayos dito Cr" inis na sabi ni Lexy. "Okay okay easy, tinanong ko lang si little A kung nakita niya si Arah, sabi niya hindi daw" saad niya. Tumango naman si Lexy. Iba yung kutob ko ehh. Imposibleng matagalan siya. Tsaka yung mga narinig ko kanina, tatlong detectives daw. Ang kilala ko lang na tatlong detectives ay sina Lexy, Ds at Rhian. Kung kanina wala akong balak sabihin yung narinig ko, ngayon nag bago na isip ko. "Satingin ko kailangan na natin siyang hanapin" seryosong saad ko. "Huh? What do you mean Zach" tanong ni Lexy. "Kanina nung umihi ako, may narinig akong nag uusap. May balak ata silang masama sainyong tatlo nina Lexy, Rhian at Ds" saad ko. "Huh? Hindi kita maintindihan Zach" saad ni Rhian. "Mamaya ko na sasabihin, kailangan muna nating hanapin si Ds" saad ko. "Saan natin hahanapin si Arah, masyadong malaki ang school" saad ni Lexy "Mag hiwa hiwalay tayo, Charles at Lexy doon kayo" saad ko sabay turo sa isang building "Kami ni Rhian ang maghahap sa isa pang building" saad ko. Tumango naman sila, nagsimula ng umalis sina Charles at Lexy papunta sa building na tinuro ko. Kami naman ni Rhian ay naglakad na rin papunta sa isa pang building. Sarah Lopez PoV Jacob Lee Atienza, pinsan ko siya dahil ang mama ko at mama niya ay magkapatid. Masayahin siyang tao kahit may problema siya, dinadaan niya lang sa tawa. Matangkad siya at syempre gwapo. Magkalapit lang ang mga bahay namin kaya close ako sakanya kesa sa iba ko pang pinsan. Nandito ako ngayon sa likod ng building ng school. Naka tali ang mga kamay at paa ko sa isang puno. Nangangawit na nga ako ehh. Nag paalam lang ako kanina kay Zachy na magpapahangin lang. Naglalakad na nun ako papasok sa building kaso may biglang humablot sakin. Tinutukan nila ako ng kutsilyo kaya napilitan akong sumama sakanila. Dalawa silang lalake. "Nasaan naba si Miss?" Tanong nung isa. "Wait lang ico-call ko muna siya" sagot nung isa at naglakad palayo. Sinong miss naman? "Kuya ano bang kailangan niyo sakin?" Naiinis na tanong ko. Napatingin naman sakin yung lalaki pero hindi siya nag salita. Mga ilang minuto lang ay dumating na yung kasama niyang umalis kanina at naglakad silang dalawa paalis. "Hoyy mga kuya, ano iiwan niyo ko dito?!" Sigaw ko pero hindi nila ako tinapunan ng tingin. "Tang*na pag naka alis ako dito lagot kayo sakin!!" Pagbabanta ko pa. Ilang minuto nako naka tali dito pero wala paring dumadating. "Tulong!!" Sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sakin. Busit namang buhay 'to. "Wag ka ngang sumigaw dito b***h, walang tutulong sayo" sagot ng kadadating lang na si Mitch kasama ang mga alipores niya at yung dalawang lalake na nagdala sakin dito. Siya siguro nagpadukot sakin, walang magawa sa buhay. "Ano nanaman ba'to Mich?" Tanong ko. "Perwisyo kayo dito ehh. Sumikat lang kayo ang tatapang niyo na tapos ikaw malandi ka, inaagaw mo pa si Zach!" Sumbat sakin ni Mich. "Hindi ko siya inaagaw sayo, tsaka paano ko siya aagawin sayo kung wala namang kayo" saad ko sabay ngisi. Sige mainis ka lang gaga. "You b***h" saad niya. Lumapit naman siya sakin at sinampal ako. Sh*t mamumula niyan pisngi ko. "Hintayin niyo lang na dumating dito sina Yan-yan at Lexy, makikita niyo hinahanap niyo" pananakot ko sabay ngisi. "Para namang makikita ka nila duhh" saad nung isa niyang alipores na si Candy. "Yahh, tsaka paniguradong nagsasaya yung mga yon" singit naman ni Bianca. "Layuan mo si Zach" saad ni Mich. "Sorry, but I don't take anyone's command" saad ko. "You b***h, layuan mo si Zach. Mang aagaw!!" Sigaw niya sabay sampal ulit sakin. "Hoy nakaka dalawa kana ahh" inis na saad ko "Pag naka alis ako dito bubugbugin kita" dagdag ko pa. "Gawin mo, as if naman makaka alis ka" saad niya sabay tawa. Tss, baliw. Gusto kong siyang sipain kaso pati mga paa ko tinali nila. May napansin akong nagtatago sa may puno malapit samin may hawak siyang phone na nakatutok sa tenga niya, may ka-call ata. Kilala ko na sila, buti naisipan pa nilang hanapin ako. "Minamaliit mo ata ako Mich" saad ko sabay ngisi. Tumingin ulit ako sa mga nagtatago sa puno, apat na sila. Naglalakad na sila palapit samin ng hindi gumagawa ng ingay. Ng malapit na sila ay biglang may tumunog na naapakan na bote ng plastic, napatingin naman sila kay Lexy na siyang naka apak nung plastic bottle. "s**t" pagmumura ko ng mapatingin sina Mich sa likod nila. Okay nagkakagulo na, sumugod yung dalawang lalake sakanila pero linaban sila nina Zachy at Rave. Sina Lexy at Yan-yan naman ay linabanan sina Mich. Sinuntok ni Lexy si Mich sa mukha kaya bumagsak sa lupa si Mich, knock out nanaman. Si Yan-yan naman ay sinipa si Bianca sa tyan kaya napa daing ito sa sakit. Napansin ko namang tumatakbo paalis si Candy pero bigla itong natumba sa lupa at parang may nakita akong tumusok sa binti niya. Tinignan ko yung pinagmulan nun at may nakita akong isang lalaki na may hawak na air gun, ng mapansin niyang naka tingin ako ay bigla nalang siyang tumakbo. Sino yun? Kinalagan naman ako nina Yan-yan at Lexy. Sina Zachy naman at Rave ay nilapitan si Candy na naka dapa pa rin sa lupa at pinipilit tumayo. "Ayos ka lang ba Arah? May ginawa ba sila sayo?" Tanong ni Yan-yan. "Ayos lang ako, salamat" saad ko sabay ngiti. Lumapit kami kina Zachy at Rave na nakalapit kay Candy "Napano siya?" Tanong ni Lexy. "Hindi naman natin siya binanatan ahh" dagdag pa niya. "I think may tumama sa binti niya" saad ko sabay tingin sa binti niya, hindi naman siya pumalag. Maliit lang yon na parang karayom, inalis ko yung pagkakatusok non sa binti niya gamit ang panyo ko. Rhian Dela Cruz PoV Nasa dorm kami ngayon, 10:00 na umaga. Bali pupunta kami sa school ni Charles mamayang 4:30 PM. Kakabili lang namin kanina ng dress na susuotin para sa acquaintance party din nina Charles. Hindi kasi kami naka bili nung nakaraang pumunta kami sa mall. Kasama namin sina Charles at Zach ngayon nag momovie marathon kami. Pagkatapos nung nangyari kagabi ay bumalik na kami sa dorm. Tinawag lang ni Zach yung mga guard sa school para buhatin sina Mich at yung mga alipores niya papunta sa dorm nila. Yung dalawang dumukot naman kay Arah na napag alaman naming mga outsiders na inutusan ni Mich para dukutin si Arah ay dinala sa prisinto. Sinikreto din namin ang nangyare para na rin sa kapakanan nina Mich, baka i-bully sila ng mga estudiyante. Syempre ayaw naming mangyari yun sakanya, kahit binubully niya ko ay mali pa rin na gayahin ko ginagawa niya. Si Zach na yung nagpaliwanag nung nangyari kagabi kaya wala kaming dapat na ika bahala. Nabalitaan din namin na nasa hospital si Candy at mataas daw yung lagnat niya. Paanong nangyaring linagnat siya, hindi kaya dahil sa tumusok sa binti niya kagabi. Binigay ko kay tito kanina yung nakuha naming karayom para ipa examine. Kasi kung simpleng karayom lang yon hindi naman siya lalagnatin ng napaka taas. Tatawag nalang daw si tito sakin kapag tapos na nilang i-examine yung karayom. "Yakk, ayoko na!" Sigaw ni Lexy. Pinapanood kasi namin love story, sa part na nagsasalita yung lalaki ng mga sweet words. "Dati nag eenjoy ka pag nakaka rinig ka ng mga ganyan ngayon nandidiri ka na hahaha" sumbat ni Charles sabay tawa. "Dati yon syempre" saad ni Lexy. "Mahal na mahal kita Lexy, hinding hindi kita iiwan" pang gagaya ni Charles sa sinasabi nung lalaki at pinalitan din niya yung pangalan ng Lexy. Halata namang nainis si Lexy kaya hinabol niya si Charles, si Charles naman ay tumakbo lang. "Bagay kayo" saad ko kina Lexy at Charles sabay ngisi. Nakita ko namang namula yung mukha ni Lexy kaya yumuko ito at umupo sa isang sofa, si Charles naman ay ngumiti lang at tumabi kay Lexy. Mag-iisang oras na ang naka lipas, bali 11:00 AM na. Hayss ako nalang yung nanonood ng movie, busy sina Arah at Zach sa paglalaro sa cellphone nila. Sina Lexy at Charles naman ay nag lalaro ng board game na chess. "Zach, Charles dito nalang kayo kumain ng hapunan. Anong gusto niyong ulam?" Tanong ko sabay tayo. "Buti pa sila tinatanong mo kung anong gusto nilang ulam, kami hindi" saad ni Lexy kaya napatingin kami sakanya. Arte talaga niya. "Paano niya itatanong kung anong gusto mo ehh hindi ka naman agad nagigising. Alangan namang hintayin kapa niyang magising bago siya mag luto" sabat ni Arah. "Sabi ko nga hehehe" saad ni Lexy sabay kamot ng batok "Sige labas muna ako, babalik din agad ako" pagpapa alam niya at lumabas na ng dorm. "Kahit ano nalang iluto mo" saad ni Zach, tumango naman si Charles. "Oo, kahit ano nalang. Sige sundan ko lang si Lexy, bye" saad niya sabay labas din ng dorm at sinundan si Lexy. "Ohh kayo, iiwan niyo din ako?" Tanong ko kina Arah at Zach. "Huh? Hinde. Dito lang kami maglalaro pa kami ehh" sagot ni Arah at umupo sa sofa, sumunod naman si Zach at umupo din sa tabi niya. Naglakad nalang ako papunta sa kusina. Magluluto nalang ako ng menudo at barbecue. Kumuha nako ng mga sangkap sa iluluto ko at nagsimula ng manghiwa ng mga sangkap. Hayss seriously, walang tutulong sakin? Parang magkaka love life na yung dalawa ahh napag iiwanan ako, joke lang. Pero hindi imposibleng ma inlove ka sa isang tao kahit sa sandaling panahon palang kayo nagkakilala. Tumawag na rin si tito sakin, yung nakuha namin sa binti ni Candy ay hindi lang simpleng karayom, meron itong Ricin. Ricin is extremely toxic plant poison. It is obtained from the beans of the castor oil plant, which is cultivated to extract the oil. It is a glycoprotein that infferes with protein synthesis in the cell, causing cell death. It has LD50 of 1-20 milligrams per kg if orally ingested, but far less is required to kill if inhaled or injected. Ibig sabihin delikado ang buhay ni Candy, ang tanong saan nanggaling yung karayom na tumusok sa binti niya. Ang mahirap pa nito ay maaari kaming mapagbintangan na gumawa nun sa kanya. Pag uusapan namin to bukas. Alexy Tan PoV Naka upo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng puno. Naka upo sa tabi ko si Charles. "Feeling ko I betrayed Arah. She trusted me but I betrayed her ng hindi niya nalalaman. I wonder kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya yung tinatago ko sakanya. Gusto ko ng sabihin sakanya yung nalalaman ko kasi nagi-guilty ako" saad ko. "Bakit hindi mo sabihin sakanya? Deserve niyang malaman yun" saad niya. "Sasabihin ko rin sakanya, pero hindi ngayon yung tamang panahon" sagot ko. Oo, deserve niyan malaman yung nalalaman ko pero hindi pa ngayon yung tamang panahon. Kailangan ko pa ng sapat na impormasyon tungkol sakanila bago ko sabihin kay Arah tsaka para din naman kay Arah ang ginagawa ko. Dahil sa oras na malaman niya kung saan ang lungga ng mga pumatay sa mama niya ay hindi siya magdadalawang isip na lumusob doon. "Nasa sayo yan, balik na tayo sa dorm" saad ni Cr, tumango naman ako at naglakad na kami pabalik sa dorm. Rhian Dela Cruz PoV Tapos na yung party nina Charles kaya nasa bahay na nila kami. Wala yung mga parents niya dahil nag bakasyon daw sa Italy. Sinasama daw siya kaso ayaw niya. At dahil adik na sila sa party, nagyaya sila na mag pajama party kami sa bahay nina Charles. Kaya pala pinagdala ako nina Arah at Lexy ng damit na pantulog. Ako yung nahihiya dahil sa ginagawa nina Lexy at Arah, ewan parang naka tama na sila. Umiinom kasi kami ngayon pero juice lang iniinom ko. Nakaka mga sampong baso na ata sina Lexy at Arah ehh. Sabi pa nila kanina hindi daw agad sila nalalaseng, kaya pinayagan ko. Ngayon nagsisisi nako, nagsasalita sila ng walang kabuluhan tapos tatawa. Nasa sala kami ngayon, may naka latag na mattress sa lapag at mga unan, doon kami naka upo. Nag kukwentuhan lang kami ng kahit ano. "May sikreto kami ni Cr sainyo," biglang sabi ni Lexy, kaya nabaling yung tingin namin sakanya pati si Cr tumingin sakanya at parang kinabahan. Sikreto? Silang dalawa ni Cr? Hindi kaya- wag naman sana. Sh*t bakit masama naiisip ko??! Hindi namab sila nag ano 'di ba? Kase bad 'yun lalo na't bata pa sila. Wahh wala na hindi na'ko inosente!! "Pero hin-di ko sasabihin hahaha" dagdag pa ni Lexy at tumawa. Ayy baliw. "Sa-bihin mo na Lexy" saad ni Arah na nakasandal na ang ulo sa balikat ni Zach. "Pa-ti pala si Zach ka-sama sa sikreto namin" saad ni Lexy at tumawa nanaman. Hindi naman lasing sina Zach at Charles. Pati si Zach, anong sikreto ang sinasabi ni Lexy. Meron kaya silang tinatago samin ni Arah? "Anong sikreto niyo Lexy?" Mahinahon kong tanong. "Y-ung pumatay sa mama ni Arah, ki-" hindi ko na mariinig ng maayos ang sinabi ni Lexy dahil may naramdaman akong parang kumagat na langgam sa braso. Biglang ring nanlabo ang paningin at bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa makatulog ako. ----- Feel free to comment and vote. Follow niyo rin po kami and check our account for more stories. Mga silent readers po paramdam kayo! -CURIOSES 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD