Sarah Lopez PoV
Kung alam niyo lang. Ayaw na ayaw kong nagde- dress. Kaya lang no choice ako dahil party 'yon. Hindi naman ako pwedeng mag pants and t-shirt. Baka ano pa isipin ng ibang tao, tsaka siguradong hindi papayag si Yan-yan.
Kahit ayaw ko, sadyang pinipilit lang nila ako at sinasabi nila saken na hindi nila ako papansin kahit kelan. Ako naman si uto uto.
Wala e. Mahal ko mga kaibigan ko at handa akong gawin yung lahat para sakanila kahit buhay ko pa 'yung kapalit. Wait, bakit napunta sa buhay ko? Pero seryoso kayang kong gawin 'yun.
Nang makarating kami sa dorm namin ay kaagad kaming nag si ligo at natulog. Hindi na kami kumain dahil busog pa kami.
(Wednesday)
"Arah, gising na. Maligo kana para makakain na tayo" pag gising sakin ni Yan-yan.
Nagmulat ako ng mata. "Oo" saad ko. Lumabas na siya ng kwarto.
Bago kami umuwi kahapon tinext ako ni Zach na may pasok pa ngayon. Pero half day lang. Tss sabi nila wala ng pasok ngayon, aishhh. Kaya eto kami ngayon.
Bumangon naman ako at nag unat ng konti, tsaka kumuha ng damit at dumiretso sa banyo. Ayoko ng pakatagal baka magalit na naman sakin 'yung dalawa.
Nang matapos ako ay dumiretso ako sa upuan at sinindi 'yung hair blower para patuyuin ang buhok ko.
Wala pa rin si Lexy, siguro nahirapan na naman si Yan-yan na gisingin yung isang yon.
Ilang sandali pa ay dumating na si Yan-yan na mukhang naiinis kasunod si Lexy na naglalakad ng nakayuko, hayy na'ko.
"Hayss, Lexy maligo kana." Sabi ko, mukhang wala na sa mood Yan-yan.
"Oo" sabi niya sa mahinang boses at nagsimula ng bumalik sa kwarto at kumuha ng mga damit para maligo.
"Natapos ka ng maligo Arah, ngayon ko palang nagising yung si Lexy" sabi ni Yan-yan "Puro siya five minutes. Five minutes pa Yan. Mamaya na Yan inaantok pa'ko" pang gagaya ni Yan-yan kay Lexy. "Anong gusto niyang gawin? 'Yung oras 'yung mag aadjust para sakanya?" Dagdag pa niya kaya bahagya akong natawa.
"Kahit kelan talaga, napaka tamad gumising ni Lexy" naiiling na sabi ko.
Ilang sandali pa, dumating na din si Lexy at nagsimula na kaming kumain.
Nang matapos kaming kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan namin at nag ayos na kami.
Naglalakad na kami ngayon papuntang room, pero may nararamdaman akong naka masid sa likod.
Lumingon ako pero, wala akong nakita. Kaya nag dire diretso ulit ako. Nauuna sakin si Lexy at Yan-yan kaya 'di nila napapansin na humihinto ako.
Ilang saglit pa, nararamdaman ko na namang may naka tingin samin kaya lumingon ulit ako. Paglingon ko may napansin akong anino sa may likod ng pader. Pero kaagad din 'yung nawala.
Naisipan kong habulin 'yon. Dahil matagal ko ng gustong malaman kung sino yung madalas na nagmamanman samin nila Lexy.
"Ah, Lexy, Yan. Wait lang nakalimutan ko yung wallet ko sa dorm. Hintayin niyo nalang ako sa room. Saglit lang ako" paalam ko sakanila.
"Bilisan mo ah? Oras na baka malate ka" paalala sakin ni Yan-yan.
"Oo sige" Saad ko at umalis na'ko. Pumunta ako kung saan nagtatago kanina yung aninong nakita ko, kaya lang wala na ito.
Inilibot ko yung paningin ko at may napansin akong tatlong lalaking tumatakbo palayo sa direksyon ko. Tumakbo ako at hinabol yon kaya lang masyado silang mabilis.
"Teka!!! Sandali!!!!" Sigaw ko. Pero mas binilisan pa nila ang takbo nila kaya mas lalong hindi kona sila naabutan. Malapit na sila sa dark part kaya nagpagpasyahan kong bumalik na. Tinignan ko naman yung relo ko.
"Ohh shittt! Latee nakoooo!!!!" Sabi ko sabay takbo pabalik Damn! I'm five minutes late! Patay ako neto sa first subject namin. Terror pa naman yon.
Tss takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating kona yung room. Ng makapasok ako, nakahinga ako ng maluwag ng wala akong madatnang teacher.
'Hay salamat' bulong ko.
Umupo muna ako sa tabi nila Yan-yan at hinanda ko na yung tenga ko para sa sasabihin nila.
"Bakit ang tagal mo Arah? Kinuha mo lang yung wallet mo ah? Tsaka bakit parang hingal na hingal ka?" Tanong ni Lexy
"Oo nga, ano pa bang ginawa mo? Nakuha mo ba yung wallet mo?" Dagdag naman ni Yan-yan
"A-hhh o-oo, nakuha kona yung wallet ko, eto oh" sabi ko sabay pakita ng wallet ko sakanila.
"A-hh nakita ko kasi sila Miya kanina kaya nakipag kwentuhan ako, diko na napansin yung oras kaya ngayon lang ako, tumakbo ako kaya hingal na hingal ako" pagsisinungaling ko "Nasan daw yung teacher natin? Bat wala pa?" Tanong ko sakanila.
"May sakit daw, kaya vacant natin ngayon" sabi ni Yan-yan
'Buti nalang... Pero sino kaya yung tatlong lalaki na yon at bakit nila kami sinusundan at minamanmanan? Anong kailangan nila samin. Tang*na ang tagal na nila kaming minamanmanan pero wala man kaming ginagawa'
Ilang sandali pa, dumating na yung next teacher namin kaya. Umayos nako ng upo at nakinig sa dinidiscuss niya.
Pagkatapos niyang mag discuss, binigyan niya kami ng activity.
"Ok, class iiwan ko na kayo. Ibigay niyo nalang yang mga papers niyo sa President niyo, kung tapos na kayo." Sabi samin ni Ma'am "Pres. Ilagay mo nalang yung mga papers niyo sa table ko." Sabi ni Ma'am sa president namin.
"Yes, Ma'am" Ng matapos naming sagutan yung activity namin, pinass na namin yun sa Pres. namin at saktong tumunog na yung bell means recess na kaya nag silabasan na kami.
"Little A tara, sama kana samin" sabi ni Yan-yan kay little A na tinanguan niya lang.
Ng makalabas na kami ay pumunta na kaming cafeteria.
"Lexy!, Yan!, Little A!, DS!!!" Dinig kong tawag samin ng pamilyar na boses.
'Teka? Ds? sino yon?'
"Oh Zach, hi" pagbati ni Lexy.
"Teka, sinong DS, Zach?" Tanong ni Yan-yan kay Zach. Oo nga sino yon?
"Ahh, si Sarah yon" Sagot niya.
"Ha? Ako? Bakit naman DS tawag mo saken?" Takang tanong ko
"D-means Detective and S-means Sarah. DS, Detective Sarah. Yan yung itatawag ko sayo simula ngayon" Nakangiting sabi niya.
"So kay Lexy and Yan-yan DL and DY? Kase Detective Lexy and Detective Yan-yan" sabi ko
"Pwede ren. Pero ako lang tatawag sayo ng DS. Ok lang ba?" Tanong niya.
"Hmmm. Ok lang naman" pag sang ayon ko. Kung siya may sariling tawag sakin dapat ako den. Kung IZ kaya? Inventor. Zach Hmmm. Parang panget kung Zach the Inventor kaya? Pangett iba nalang. Ahh! Alam kona. Zachy... Zachy yung itatawag ko sakanya.
"Zachy, tara na sabay kana samin" pag aya ko Kay Zach at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ilang saglit lang naka dating na kami sa cafeteria. Nagprisintang mag order sila Little A at Yan-yan ng makakain namin
"Eh? Ano yan? May tawagan kayo? Parang iba na yan ah?" Pang aasar ni Lexy, pagkatapos naming sabihin kila Yan-yan yung order namin.
"Diba, tawag niya saken DS, so ako den dapat merong itawag sakanya hahaha" sabi ko sabay tawa.
"Ano sa palagay mo Zach? Okay na ba yung Zachy yung itawag ko sayo?" Tanong ko.
"Oo, pero gusto ko ikaw lang tumawag sakin niyan" Sagot niya sabay ngiti saken.
"A--hhhhh sige. T-a-tawagin kita simula ngayon ng Zac-hy" utal na sabi ko. Geez, Zachy wag kang ngumiti ng ganyan sakin.
"Ehem! Nilalanggam ako dito Yan, ang sweet kase e" pang aasar ni Lexy samin ni Zachy.
"Ah? Langgam? Asan?" Takang tanong ng kadarating lang na sina Yan-yan.
"Hahaha" tawa ko.
"Haysss, anu ba naman yan, Yan-yan dimo sinakyan yung biro ko" dismayadong sabi ni Lexy.
"Ah, eh? Diko naman alam e. Sorry" ani ni Yan-yan.
"Hay nako, mag si kain na tayo" sabi ni Zachy. At nagsimula na kaming kumain.
Ilang sandali pa natapos na kaming kumain.
"Bukas ah? Itetext ka ni Arah kung saan tayo magkikita kita Zach" sabi ni Lexy kay Zachy.
"Oo sige. Isasama natin si Raven diba?" Tanong niya.
"Oo, itetext ko siya mamaya" Sagot ko.
"Sama ka little A ah?" Sabi ko
"Oo sige, wala pa din naman akong damit eh" saad niya.
"Text ka nalang namin kung saan meeting place." Sabi ko na tinanguan niya lang.
Tumunog na yung bell kaya. Nagpaalam na kami kay Zachy.
"Bye Zach" paalam ni Yan-yan.
"Bye" sabi naman ni Lexy.
"Bye" tugon ni Zachy.
"Bye Zachy" paalam ko.
"Bye DS." saad niya at bumalik na kami papuntang room.
Ng makarating kami sa room, nag si upo na kami at hinihintay nalang namin yung teacher namin.
"Goodmorning class" bati samin ni Ma'am.
"Goodmorning Ma'am" bati naming lahat.
"Bibigyan ko kayo ng quiz, madali lang naman. Get your books and open it on page 37" sabi ni ma'am."Answer activity 2 and activity 3" Dag dag ni ma'am.
"Iiwan ko kayo, kase kailangan pa naming mag ayos para sa darating na acquaintance party niyo"
"Yes Ma'am" Sagot namin at umalis na siya.
Rhian Dela Cruz PoV
Ng maka alis si Ma'am. Nag umpisa na kagad kaming sumagot. Kagaya nga ng sinabi niya madali lang ito. At may choices pa, Esp subject kasi s'ya.
Ng matapos kami, binigay na namin ito sa president namin. At bumalik na sa kanya kanyang upuan.
Ilang saglit pa. May dumating na dalawang istudyante at sinabing umuwi na kami at wala daw pasok bukas dahil busy daw yung mga teacher.
''Alam na namin, sinabi na samin ni Zach'' bulong ni Lexy. Pero kami lang nila Arah yung nakarinig.
Nag sitayuan naman kami at sabay sabay na pumuntang dorm.
Inihatid muna namin si Little A tsaka na kami dumiretso sa dorm.
Dumiretso naman akong kwarto para kumuha ng damit pantulog at ng makaligo na. Para maka luto na din ako ng makakain namin.
Ng matapos akong maligo sunod namang naligo si Lexy. Si Arah naman, hinanda na yung damit niya.
Dumiretso naman akong kusina para makapagluto ng hapunan namin. Magluluto nalang ako ng hotdog at pritong manok.
Pinainit ko muna yung mantika, tsaka kona hiniwa yung hotdog. Nang matapos kong hiwain yung mga hotdog, niluto kona ito.
Nang matapos naluto yung hotdog sunod ko namang pinirito yung manok. Habang hinihintay kong maluto yung manok. Inayos ko na yung lamesa namin at nilagyan kona ng mga plato at kanin.
Nang matapos akong mag luto.
Tapos na ding maligo si Arah, kaya nagsimula na kaming kumain.
"Anong oras tayo bukas? Tsaka saan meeting place?" Tanong ko
"Mga 9:30 siguro, sa harap ng school tayo mag hintayan." saad ni Arah.
"Na text mona ba si Cr?" Tanong ni Lexy.
"Hindi pa. Katapos nalang nating kumain. Itetext kona din si Zachy" sagot nya
"Text mo na din si Little A, mamaya Yan" sabi ni Lexy. Tumango naman ako bilang tugon.
Ng matapos kaming kumain, nagligpit na kami at naghugas ng platong pinagkainan namin.
Nasa sala kami ngayon nanonood ng tv.
"Na text mona ba si Little A, Yan?" Tanong samin ni Lexy
"Hindi pa, itetext ko palang sya. Wait lang kunin ko lang phone ko sa kwarto." Sabi ko sabay tayo at pumuntang kwarto.
Ng makabalik ako sa sala, kagad ko namang tinext si Little A.
To: Little A
Little A. 9:30 daw tayo bukas aalis, sa harap ng school yung meeting place.
√send
Ilang minuto lang nagreply na s'ya.
From:Little A
Sige Yan. Salamat.
Pagkatapos kong mabasa yung text niya, 'diko na s'ya nireplyan.
"Na text kona" saad ko.
"Text mo na sila Cr. Arah" sabi ni Lexy kay Arah. Tumango naman si Arah.
Sarah Lopez PoV
To:Rave❤
Ven, punta ka sa acquaintance party namin sa friday. Mamimili na kami bukas ng damit. Sama ka ha? Missyou❤
√Send
From:Rave❤
Sige sadi, walang problema, anong oras ba?
Buti nag text ka, may acquaintance party din kami sa sabado. Punta kayo nila Lexy, sama mo si Zach. Mascared yung theme nung party namin. Bili na din tyo don. Imissyoumore my sadi❤:
To:Rave❤
Osige ven, 9:30 bukas. Susunduin ka nalang namin. Basta tetext nalang kita kapag malapit na kami dyan.
√Send
From:Rave❤
Kitakits bukas Sadi. Goodnight❤
To:Rave❤
Goodnight Ven❤
√Send
Ng matapos kong itext si Rave. Si Zachy naman yung itetext ko.
To: Zachy
Zachy, 9:30 daw tayo aalis bukas. Sa harap daw ng school yung hintayan. Pinapasabi nga pala ni Rave. Na pumunta daw tayo sa school nila sa sabado. Acquaintance party din daw nila. Pero mascara naman yung theme ng sakanila. Kita kits. Goodnight:>
√Send
Ilang sandali pa. Nagreply agad sya. Bilis ah
From:Zachy
Noted DS. kita kits din bukas. Goodnight❤
"Ok na, natext ko na sila. Sabi nga pala ni Rave. Punta tayo sa school nila sa sabado. Acquaintance party din daw nila." Sabi ko.
"Mmmm.. Magkasunod lang pala tayo." Sabi ni Lexy.
"Anong theme ng party nila Arah?" Tanong ni Yan-yan.
"Mascara daw e. Mas ok yon. Di nila ako makikilala" sagot ko.
"Tulog na tayo." Saad ko "Goodnight detectives"
"Goodnight" sabi nila at pumasok na kami sa kwarto.
Alexy Tan PoV
Nagising ako sa pagtawag saken ni Arah mula sa gilid ko.
"Lexy, gising na. 8:00 na, mag mo-mall pa tayo." Dinig kong sabi ni Arah. Gising nako, pero nakapikit parin yung mga mata ko.
"Mmmm" ungot ko at nagtakip ako ng kumot sa mukha ko
"3 minutes pa Arah, inaantok pako." Dagdag ko.
"A.L.E.X.Y. T.A.N!" sigaw ni Arah. "Bangon na! Sipagin ka naman sanang bumangon kahit minsan haysss." Inis na sabi nya.
"Bago mo sabihin 'yan sakin! Sabihin mo muna sa sarili mo na kahit minsan lang ay bilisan niyang maligo!" I shouted back. Ang aga aga, abah.
"ALEXY TAN!" Sigaw niya ulet.
Lagot na, binuo na niya yung pangalan ko. Baka pag 'di pako bumangon, mabugbog pako ng sadista na to.
"Oo eto na nga! Bwisit na buhay 'to. Babangon na diba?" Sabi ko sabay alis ng kumot sa mukha ko, at bumangon na.
"Good, bilisan mo. Maligo kana. Nakahanda na yung pagkain. Ikaw nalang hinihintay namin ni Yanyan" sabi niya.
"Opo Ms. SADISTA" sabi ko at bumulong bulong pa. So annoying!
Tumango naman s'ya at lumabas na ng kwarto. Kumuha naman ako ng damit na pang alis. Naisipan kong mag denim skirt nalang at pink na shirt.
Pagkatapos kong kumuha ng damit. Pumunta naman akong banyo at naligo. Nakaligo na din si Arah. Paniguradong pati si Yan-yan nakaligo na din. Ako nalang hinihintay nila.
Naka ripped jeans si Arah na kulay black at black shirt. Yeah, she love black at nakalugay yung straight niyang buhok, kaporma niyang tignan. Bagay na bagay sakanya yung black.
Ayaw niya daw sa pink dahil pang girly daw masyado. Kung alam niyo lang gumalaw si Arah. Siga yung sadista na yun. More on dark color yung gusto ni Arah Love ko din naman yung black, kaya nga lang, hindi ako love ng black, de jk. I love black, gusto ko din ng pink. But not red, oh enough na.
Nang matapos akong maligo, bumaba nako at dumiretso na sa dining area. Naabutan ko namang nakaupo na sila Arah at Yanyan don. Kaya umupo na din ako.
"Let's eat" pag aya ko sakanila. At nagsimula na nga kaming kumain.
"Anong kulay ng dress bibilhin nyo?" Tanong ni Yan-yan.
"Pink ako" sabi ko.
"Violet, black or dark blue." sagot ni Arah.
"Ikaw ba Yan?" Tanong ko.
"Yellow nalang siguro" Sabi niya. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa isusuot namin para bukas.
Ilang sandali pa natapos na kaming kumain. Nakapag ayos na din kami at nakapagligpit na kami ng pinagkainan namin. Naka dress si Yan-yan, ang cute niyang tignan.
Nang makapag ayos na kami ay umalis na kami ng dorm. 9:00 palang, kaya may 30 minutes pa kami para hintayin yung iba. Pumunta na kami sa parking lot, para kunin yung kotse ko. Sumakay na kami at pumunta na sa gate.
Natanaw ko si Little A na nakatayo sa may gilid kaya tinawag ko ito nung nakababa na kami.
"Goodmorning Little A, ang aga mo? Kanina kapa ba dyan?" Tanong ko.
"Goodmorning din Lexy. Ah, hindi naman, halos mag ka sunod lang tayo" sagot niya.
"Goodmorning Little A" sabay na sabi ni Arah at Yan-yan
"Hintayin nalang natin si Zach, na text ko na siya kanina nung umalis tayo sa dorm, sabi niya papunta na daw siya." sabi ni Arah.
"Hi detectives, Goodmorning" speaking of. Pagbati ng kadarating lang na si Zach.
"Goodmorning din Zach" bati namin ni Yan-yan. Napansin ko kay Yan-yan, nagbago na yung ugali niya. Dati nung unang pagkikita namin napaka mahiyain niya at tahimik niya.
"Goodmorning" bati ni Little A.
"Goodmorning din Zachy." pag bati ni Arah. Tadhana nga naman oh. Pareho silang naka black na damit at pants.
"Pinagusapan niyo ba yung kulay na susuotin niyo?" Tanong ko.
"Ah, hindi. Baka pareho lang kami ng paboritong kulay ni DS" nakangiting sabi ni Zach.
"Siguro nga" saad ni Arah.
"Tara na? Sunduin nalang natin si Rave" sabi ni Arah. "Natext ko na din siya na papunta natayo" dagdag niya.
"Ako na mag dadrive papunta sa school ni Raven" prisinta ni Zach.
"Sakay na" aya niya samin at pinagbuksan niya kami isa isa ng pinto.
Nasa harapan si Arah katabi ni Zach. Habang kami ni Yanyan at Little A ay nasa likod. Kasya pa naman kami.
Umalis na kami at tinahak na namin yung daan papunta sa dating school ni Arah. Ilang minuto pa yung nakalipas, nakadating na din kami. Tanaw na namin si Cr na nakatayo sa gilid. Kaya binaba ni Arah yung bintana niya tsaka tinawag si Cr.
"Ven" pag tawag niya.
"Oh, nandyan na pala kayo." Ayy wala pa kame. "Goodmorning guys" bati niya. I rolled my eyes at hindi siya pinansin.
"Goodmorning din" Sabay sabay na bati nila pwera lang sakin. Duh, bakit ko naman babatiin ang Isang 'to? Tsk.
"Yan, dito kana sa tabi ko" Saad ni Arah kay Yanyan. "Ven tabi kayo ni Lexy at Little A sa likod" dagdag niya, na tinanguan naman ni Cr.
Lumipat naman si Yanyan sa tabi ni Arah. Bale ako yung gitna. Nasa left side ko si Little A habang nasa right side ko naman si Cr
"Goodmorning Lexy" bati sakin ni Cr sabay ngiti.
"Walang good sa morning lalo na kapag ikaw ang bumati." Sagot ko at inirapan siya. Napanguso lang siya sa ginawa ko.
"Okay, let's go Zachy" Masayang sabi ni Arah.
"Aye aye my DS" Sabi ni Zach.
Nakita ko namang namula yung pisngi ni Arah, mula sa salamin. Dahil sa sinabi ni Zach na MY DS. Well, kung tutuusin. Bagay naman si Arah at Zach. Ang cute nilang tignan.
Umalis na nga kami at tinahak na yung daan papuntang mall.
Ilang oras din yung binyahe namin papunta mall walang nag salita samin ni isa, wala din naman akong alam sabihin e. Ilang saglit pa. Nakarating na din kami. Haysss sakit ng pwet ko kakaupo.
Pinark muna ni Zach yung kotse, tsaka na kami bumaba.
"Katapos nating mamili ng susuotin para bukas, game zone tayo" aya ni Arah.
"Sige! Masaya yan!" Pag sang ayon ni Zach.
"Oo nga Sadi, 'diba Lexy? Masaya yon?" Sabi saken ni Cr. Bakit feeling close siya ngayon, ha?
"Yeah yeah, whatever." Sagot ko. Naiilang ako sa suot ko, dapat pala nag pantalon nalang ako.
"Tara na, mamili na tayo ng damit!" Masayang sabi ni Arah.
"Let's go!" Saad ni Zach, kaya nag simula na nga kaming mag lakad papasok sa mall.
Kagad kaming pumunta sa bilihan ng mga dress and suit. Naghiwa hiwalay kami sa loob, dahil pipili kami ng sarili naming damit. Naglakad lakad lang ako, hanggang sa makuha ng atensyon ko yung kulay pink na dress. Simple lang yung design niya pero ang ganda. Kinuha ko ito at tinignan.
Nang makuha kona 'yon ay lumapit naman ako kila Yanyan.
"Girls? Maganda ba?" Tanong ko sabay lagay sa harap ko 'yung dress.
"Woahh, nice dress Lexy. Babagay yan sayo. Ang ganda" puri ni Arah.
"Sukat mo Lexy" sabi naman ni Yanyan.
"Sige, tignan niyo kung bagay ah" sabi ko na tinanguan naman nila. Pumasok nako sa dressing room at sinukat ito.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin, well bagay nga sakin. Lumabas ako at pinakita to kila Yanyan.
"Ano girls? Bagay ba? "Tanong ko
"Wow Lexy! Ang ganda mo!!!"Sabi ni Arah na tumatalon sa harapan ko.
"Thanks hahaha" pagpapasalamat ko
"Sexy mo yiie" saad ni Yanyan
"May napili na ba kayo?" Tanong ko
"Meron, eto oh" sabi ni Arah sabay pakita sakin ng isang navy blue na off shoulder na dress.
"Ang ganda" puri ko "Nasukat mona ba?" Tanong ko
"Hindi pa, hinihintay ka kasi namin, gusto namin makita itsura mo hahaha" sagot niya.
"Ikaw Yan? Nasan yung napili mo?" Tanong ko.
"Eto, kulay yellow." sagot niya at pinakita din sakin. Ang gaganda ng taste nila ah.
"Wag mong sabihing dimo parin yan nasusukat Yan?" Saad ko
"Oo, hinihintay ka nga kase namin. Hinatayin mo kame ni Arah. Magbibihis lang kami" saad ni Yanyan.
"Sige" saad ko. At pumasok na nga sila sa fitting room. Umupo muna ko habang hinihintay sila. Ng biglang dumating si Little A.
"Wow, ang ganda mo Lexy." Sabi ni Little A.
"Salamat, oh? Naka pili kana ba?" Tanong ko
"Oo. Kulay red napili kong gown. Nasukat kona din" saad niya.
"Mmmm.. Sige" saad ko.
"Woah, Lexy ikaw ba yan?" Sabi ng kakadating lang na si Cr, kasama si Zach.
"Hindi Cr litrato lang 'to" I answered sarcastically.
"Ang ganda mo" seryosong sabi niya na nakapag patikom ng bibig ko. Tang ina mo, Cr!
"A---hhhh sa-lam-at Cr" saad ko sabay lunok. Yahh, bakit ako nauutal. Busit na bibig to.
"Yeah, I agree. Ang ganda mo Lexy." Saad ni Zach ng naka ngiti.
"Nasan sila Ds?" Dagdag niya.
"Here" saad ni Arah nakaka labas lang ng fitting room, kasunod si Yanyan.
"You're so beautiful Ds. Bagay na bagay sayo yang napili mong gown" saad ni Zach habang nakatitig kay Arah.
"Ah, thanks Zachy" sagot niya.
"Ang ganda mo nga Sadi, kaya bespren kita eh hahaha" sabi ni Cr. Anong connect non, sa pagiging mag bespren nila? Hays.
"Salamat Rave." saad niya.
"You're so gorgeous, Yan" papuri ni Little A kay Yanyan.
"Yeah, ang gaganda niyo, bagay na bagay sainyong dalawa yan" saad ko.
"Salamat Lexy" saad nilang dalawa.
"Asan yung nabili niyo boys?" Tanong ko.
"Here, nabayaran na din namin. Tsaka naka bili na din kami ng mascara" Saad ni Zach at pinakita samin yung paper bag na dala nila. Oo nga pala may acquaintance party din sila Cr.
"Sige. Hintayin niyo kami. Magbibihis lang kami saglit para mabayaran na at makakain na tayo bago mag laro." Saad ni Arah.
"Sige, hintayin namin kayo dito DS" sabi ni Zach. Na tinanguan ni Arah.
Pumasok na kami sa fitting room. Lima naman yung fitting room, kaya 'di na namin kelangang mag hintayan.
Nang matapos akong magbihis naabutan ko si Yanyan na nag hihintay sa labas. Bilis naman niyang mag bihis.
"Dipa ba tapos si Arah?" Tanong ko.
"Hind--"
"Tapos na" pagputol ni Arah sa sasabihin ni Yanyan.
"Tara na bibili pa tayo ng mascara" pag aya ko sakanila, sabay sabay na kaming pumunta kila Zach. Ng makabalik kami, naabutan namin silang nakaupo sa gilid.
"Bayaran lang namin saglit to. Tas bibili kami ng mascara para makakain na tayo" sabi ni Arah. Tumango naman sila bilang tugon.
Pumunta na kaming counter at pumila. May nauuna lang saking isang babae kaya mabilis lang to. Kinuha kona yung damit nila Arah at yung bayad nila. Para isahan nalang. Ng matapos yung nauna saken. Kagad kong binigay yung damit.
Ng matapos ito. Kagad kong kinuha at binigay kina Arah yung mga damit nila na naka paper bag.
"Tara na, bili na tayo ng mascara na gagamitin natin para sa party sa school nina Cr" saad ko. Tumango naman sila at pumili na rin ng mga mascara.
Nandito kami ngayon sa isang fast food. Kumakain na kami, ala-una na ng hapon kaya nagutom kami.
Pagkatapos naming kumain ay nag pahinga muna kami sandali tsaka pumuntang game zone. Naglalaro ako sa may mga sasakyan, racing game siya.
Sina Arah naman at Zach ay nasa may basketball, tapos sina Yanyan, little A at Cr ay nasa may bowling. Bali ako lang mag isa dito. Habang naglalaro ako ay iiikot kona sana yung manibela ng may humawak sa kamay ko kaya bahagya akong nagulat.
"Miss, kailangan mo ba ng tulong?" tanong nung lalaking humawak sa kamay ko. Agad ko namang inalis yung kamay ko sa manibela. Dalawa sila, nasa mag kabilang gilid ko sila ngayon.
"Excuse me? Mukha ba akong nanghihingi ng tulong?" tanong ko.
Tumawa naman sila, anong nakakatawa don? Tinakpan ko naman ng panyo yung hita ko ng mapansing kong naka tingin sila don. Wtf gusto ba nilang mabugbog. Aalis na sana ako ng abatin ako nung isa.
"Teka lang miss, magtatanong lang kami. May boyfriend ka naba?" tanong nung umabat sakin. Sasagot na sana ako ng may umakbay sakin, si Cr.
"May problema ba kayo sa girlfriend ko?" tanong niya. s**t ang bilis ng t***k ng puso ko, sabrang lapit niya sakin. My gahd girlfriend daw.
"Ahh wala nagtatanong lang kami" saad nung isa at naglakad na palayo samin. Binalingan naman ako ng tingin Cr at nakakunot na ang noo niya.
"Bakit kasi nag suot kapa ng maikling skirt? Tapos humiwalay kapa samin, sa susunod wag kanang mag susuot ng maikli, aishh" naiinis na sabi niya.
"So-rry" saad ko at yumuko.
"Sorry, ayoko lang na may bumabastos sayo. Ayos ka lang ba?" Sinseronf tanong niya at bumuntong hininga.
"Ahh Oo, sa-lam-at" nauutal kong sabi.
-----
Nasa dorm na kami ngayon, kanina pa kami naka uwi. Natutulog na sina Arah at Yanyan. Nakakainis dahil pa ulit ulit pumapasok sa isip ko yung ginawa kanina ni Cr. Bakit nag sisimula nakong mahiya sakanya? Aishhh. Itutulog ko nalang to.
Someone's PoV
"Hindi paba tayo mag papakita sakanila?"
"Mag papakita tayo sakanila, bukas"
----------
Eto po yung mga damit nila

Alexy Tan

Rhian Yu Dela Cruz

Sarah Lee Lopez

Angel Guevara (little A)
----------
Feel free to comment and vote. Follow niyo rin po kami and check our account for more stories.
Mga silent readers po paramdam kayo