Chapter 17

3243 Words
Rhian Dela Cruz PoV "Mauna na kayo sa cafeteria, babalikan ko lang yung phone ko, naiwan kasi sa dorm." Paalam ko sakanila habang nag lalakad kami tungong cafeteria since break time na namin. Tinanguan lang nila ako at nag lakad na ako papuntang dorm. Well malapit lang naman dito ang dorm namin. Habang nag lalakad ay may nakita akong kumikinang sa gilid ng dinadaanan ko, nilapitan ko ito at hinawakan. Isa 'yong silver bracelet. Kung pag mamasdan mo ito ay parang pang lalaki siya. Ang nakaagaw pansin lang saakin ay ang pangalang naka lagay dito... CINDY? Parang pamilyar pero hindi ko lang alam kung saan ko nakita or narinig, pero basta pamilyar siya. Tumayo ako at ibinulsa na muna ang bracelet, mag lalakad na sana ako ng may tumawag sakin. "Excuse me miss" rinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Natigilan ako ng hawakan pa nito sa pulsuhan ko dahilan para mapalingon ako. "May kailangan po kayo?" Malumanay na tanong ko sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko. "May nakita ka bang--" Naputol ang pag sasalita niya ng mag ring ang phone niya. "Excuse miss, sagutin ko muna." Tinanguan ko lang siya at tinalikuran niya ako. Napahawak ako sa kamay ko na hinawakan niya. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko. "Hello" 'yan lang ang narinig ko mula sa kanya. Kung tutuusin ay nakita ko na siya. He's part of B3, and his name is Haarsha Velasco. Matangkad siya saakin pero just like me, siya rin ang pinakamaliit sa grupo nila. Messy yung hair niya na parang bagong gupit pa, hindi ko alam kung anong tawag sa hairstyle niya pero aaminin kong mas bumagay ito sakanya, lagi rin siyang naka poker face tuwing nakikita ko. I admit that he's cute, but he's not exactly my type. Binaba niya ang phone niya at nag lakad palapit saakin, "Sorry miss, mauna na ko emergency lang" kagaya kanina ay tinanguan ko lang siya at sabay na kaming tumalikod. Humigpit ang hawak ko sa bracelet na nasa bulsa ko. Tinahak ko na ang landas patungong dorm, nang makarating na ako sa tapat ng dorm ay kinuha ko yung susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto. Tinago ko na muna ang bracelet sa cabinet ko at kinuha ang phone ko. Kumuha na din ako ng biscuit dahil mukhang aabutan ako ng oras kapag nag order pa ako sa cafeteria. Pagka tapos nun ay nag lakad na ako habang kinakain yung biscuit. Angel Guevarra Umupo muna ako sa upuan para mag pahinga. Break time na pero eto ako, hindi pa kumakain dahil hinahanap ko si Miss Beverly na english teacher namin para i submit yung assignment ko, nawala kasi kanina. Tumayo na ulit ako at nag lakad papuntang conference room para tingnan kung nandoon si miss Beverly, at hindi nga ako nag kamali, sa hinaba haba ng nilakad ko ay nandito lang pala siya at naka upo. "Excuse po ma'am" sabi ko sabay lapit sa kanya, tumingin naman siya saakin "Ipa pass ko lang po sana itong assignment ko" "Sige ngayon tatanggapin ko 'yan, pero sa susunod na mangyari ito zero ka na kaagad. Iwasan niyo ang pagiging tamad, sige na makaka labas ka na." malumanay na sabi niya pero ramdam ang awtoridad sa bawat salita na binanggit niya. Tumango ako at bahagyang yumuko sabay talikod ko at bukas ng pinto. Napanguso nalang ako sa sinabi niya at nag lakad na patungong cafeteria. Mabait naman si miss Beverly, ayaw niya lang talaga sa mag tamad. Nang makarating ako sa cafeteria ay bumili ako ng pagkain, biscuit lang tsaka tubig para mabilis maubos. Oras na kasi baka hindi ko naman maubos kapag kanin 'yung inorder ko. Nakita ko sina Alexy kaya pumunta ako doon "Hello, asan si Rhian?" Paunang tanong ko. "Ewan nga dun eh, sabi kukunin lang daw phone niya tapos hindi na bumalik. Hindi pa naman siya nag recess." Sagot ni Arah tumango lang ako at umupo na sa upuan, katapat ko si Arah habang kumakain at si Lexy ay nasa tabi ko nakikinig yata ng music sa phone niya habang naka earphone, tapos na yata siyang kumain. Nag patuloy nalang ako sa pagkain at ng matapos ako ay tinago ko na muna ang pinag balatan sa bulsa ko dahil malayo layo ang basurahan. Tinatamad rin akong mag lakad. "Sorry guys, kung ngayon lang ako." Sabi ni Rhian mula sa likod kaya napalingon ako. I mean kami pala ni Arah, si Lexy naman ay nakikinig pa rin yata ng music dahil mukhang hindi niya narinig si Yan-yan "Oh, ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Arah sa kanya "Oras na oh. 5 minutes nalang paano ka pang kakain niyan?" "Kumain na ako ng biscuit habang nag lalakad. Kung bakit ngayon lang ako? Mahabang kwento." Sagot nalang ni Yan. "Tara na pasok na tayo?" "Tara oras na din naman." Pag payag ko at tumayo na kasabay ng pag tayo ni Arah palapit kay Lexy. "Lexy?" Sabi ni Arah sabay poke kay Lexy kaya napatingin si Lexy sakanya sabay tanggal ng earphones niya "Pasok na tayo sa room oras na" tumango lang si Lexy at tumayo. Pag katapos nun ay tahimik na naming tinahak ang daan papuntang room namin. Pag ka rating ay nandoon na ang teacher namin kaya nag sorry nalang kami at umupo na. "Okay class, go to your proper seats para makapag start na kayo sa periodical test niyo." panimula niya "Wala tayong magagawa dahil final na 'to. So, pag butihan niyo nalang" Pagkatapos niyang mag salita ay nag bigay na siya ng test paper samin. Alexy Tan PoV Last nalang na subject ang itetest namin ngayong araw. Patapos na'ko sa pag sasagot ko. Magaan lang naman ang mga tanong para sakin, syempre nag review kami nina Yan-yan at Arah. Pagkatapos kong ipass yung test paper ko ay pinalabas na'ko sa classroom. Nadatnan kong naghihintay sina Yan-yan at Arah sa may pinto. Tinaasan kopa sila ng kilay. Naglalakad kami ngayon papuntang dorm. Hayss, gusto ko ng magpahinga. Nang maka dating kami sa dorm ay dumiretso ako sa kwarto para humiga sa kama. Pinikit ko na ang mata ko para maka tulog agad kaso tumunog naman ang tiyan ko, aishhh. Tumayo ulit ako sa kama at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Arah sa sala nag re-review. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan si Yan-yan na umiinom ng tubig. "Yan-yan hindi ka paba mag luluto?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin "Hindi, review muna tayo sandali" sagot niya at inilapag 'yung baso sa lababo. "Sige" pag sang ayon ko. Sandali lang naman daw ehh. Naglakad na kami papuntang sala at nag simula ng mag review. Pumayag din siguro si Arah na mag review kami. Sarah Lopez PoV Nasa dorm na kami ngayon nakapag exam na kami kanina kaso hindi pa tapos kaya may exam pa kami bukas. Gabi na pero nag rereview pa kami para sa itetest namin bukas. Nakapag review na kami nung sunday, magmula nung dumating kami sa dorm hanggang linggo ng gabi ay pinapag review kami ni Yan-yan. Napupuno na nga kami ni Lexy pero hindi lang namin sinasabi kasi naman gusto niya bawat detalye ng mga na discuss at na lecture ng mga teacher ay gusto niya alam namin. Tapos ngayon nanaman nag rereview kami. "Yan-yan gutom nako, hindi paba tayo kakain?" Tanong ni Lexy habang nakanguso at hawak ang tiyan niya. "Kaya nga, sabi mo sandali lang tayo mag rereview. 9:30 PM na" pag sang ayon ko. "Last nalang 'tong mga tanong ko pag nasagot niyo kakain na tayo pero pag hindi, hindi muna tayo kakain" sagot niya. Kahit gusto na naming kumain ni Lexy ay hindi kami makakain dahil hindi kami marunong mag luto. "Arah, what is Prokaryotic Microorganism?" Tanong niya sakin. Tinignan ko muna siya ng masama bago nagsalita. "Prokaryotic arguably represent the earliest forms of life on Earth. They are broken up into two categories: bacteria and archaea. A prokaryotic cell lacks a nucleus to hold the cell's DNA and lacks any sort of organized packaging or housing to hold the rest of the cell's machinery. Because prokaryotic cells lack this extra material, they are almost always smaller than other cell types. All prokaryotes are microorganisms, and they are almost always single-celled" mahaba kong sagot. "Ikaw naman Lexy, what is Eukaryotic Microorganisms?" Tanong niya kay Lexy. Tinignan ko ng masama si Lexy. Kapag mali pa ang sinagot niya ay sasakalin ko talaga siya. "Eurkaryotic cells are larger and more complex than prokaryotic cells. The DNA of a eukaryotic cell is neatly packaged within its nucleus, and there are several different structures that house the cellular machinery that can make eukaryotic microorganisms self-sufficient. The structures located in eukaryotic cells may include the endoplasmic reticulum, golgi apparatus, mitochondria, and ribosomes, as well as chloroplasts in photosynthetic cells. Examples of eukaryotic microorganisms include fungi, algae, protozoa and various microscopic parasitic worms" mahaba niya ring sagot kaya pumalakpak si Yanyan. "See, alam niyo naman pala ehh" saad ni Yan-yan "Magluluto nako, iligpit niyo na yan pinag review-han natin" saad niya. Tumayo naman siya at naglakad papuntang kusina. Nang maka alis siya ay nagsimula na kaming mag ligpit. Naririnig ko pa ang inis na bulong ni Lexy. Rhian Dela Cruz PoV Nag usap na kami kagabi nina Arah at Lexy sa gagawin namin deduction show ngayon. Naka usap din namin si Icelle tungkol sa gagawin namin. Pinayagan kami ni Mrs. Ryzza Chamos na gamitin ang classroom para sa gagawin naming deduction show. Wala na rin namang itetest dahil tapos na kaming lahat sa mga subjects kanina. Umabot lang ng dalawang araw ang exam namin. Nandito lahat ng kaklase namin kasama sina sina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie. Naka upo sila sa mga desk, linock din namin yung mga pinto at nagbabantay dun si Arah. Nasa harapan kami ni Lexy. "Ano bang ginagawa niyo?!" Naiinis na tanong Marj. "Kaya nga, palabasin niyo na kami!" Naiinis na saad ni Carmela samin. "Magtatanong lang kami sainyo, yun lang" saad ni Arah sabay ngisi. "Bakit hindi pa kayo magtanong?" Mahinahon na saad ni Jamie, well mukhang wala siyang nararamdamang takot. Acting like an Angel huh, mawawala din yang mga pakpak mo mamaya at lalabas ang totoo mong ugali. "Let's start" saad ko. Bago pinindot yung start sa audio record sa cellphone ko. Naglakad papunta sa tabi namin si Arah matapos i lock ulit yung pinto "Icelle Fernando, a nice and a kind student. But, that student threw a chair ang begun to fight with her friends. No one helped her, ang alam lang ng iba ay masama ang ginawa niya. Bullies called her a psycho at sinubukan niya pang mag pakamatay because of depression" pag sisimula ni Lexy habang naglalakad sa harap. "Jamie, kayo ba ang kumuha ng litrato?" Mahinahong tanong ko. "Hinde" simple nilang sagot. "Of course hindi kayo aamin, but, there's a whistle blower among you" saad ni Arah at ngumisi. 'Ano daw? whistle blower?' naririnig kong bulong nila. Pinindot ko yung play sa cellphone ni Arah at nag play ang isang video. Naka upo yung estudyante sa upuan pero blurred yung mukha. "Inaamin ko na kasama ako sa mga kumuha nung litrato. Nung nalaman kong mahalaga yun para kay Icelle at galing yun sa magulang niya ay nagsisi ako" saad nung babaeng nasa video. Iniba rin yung boses niya para hindi siya makilala. Pinindot kona yung stop. Mukha naman silang nagulat at nag tinginan. "Sa totoo lang, okay nalang sana samin yung ginawa ni Icelle na panunugod dahil kaklase namin siya" saad ni Jamie. "Kaya nga, we didn't hate her for no reason" pag sang ayon ni Carmela. "Tsaka meron ba kayong ebidensya?" dagdag ni Jarrie. "Evidence? Detective Arah, don't we have something like that?" tanong ko kay Arah sabay tingin sakanya. Kumuha naman ng gloves si Arah at binigyan kami tig isa ni Lexy. Sinuot namin yung gloves at may kinuha sa envelope na hawak ni Lexy. "Para makita to, kailangan naming tiisin ang amoy ng basura" saad ni Arah habang hawak yung litrato. Kita ko ang gulat at takot sa bawat mukha nila. May kinuha naman sa bag si Lexy at inilabas ang isang bottle spray. "Ninhydrin a chemical that police officers often use for fingerprint identification" pag tutukoy ko sa hawak niya. Para magamit yun kailangan mong gumamit ng platsa at face towel. "Arah ang daming fingerprints ahh" pagtukoy ko dun sa litrato. "Paano niyo naman nalaman na saamin yang mga fingerprints nayan?" tanong ni Carmela. Ibinalik naman ni Lexy yung bote at may kinuhang envelope. Linabas niya yung papel na may copy ng fingerprints nila at binigay sakin. "These are your fingerprints which we took from the classroom early this morning" saad ko. "Paano kayo makaka sigurong samin yan kung sa classroom niyo lang kinuha?" naiinis na tanong Marj. Naglakad naman si Arah palapit dun sa bintana at hinawi yung kurtina. Naglakad palapit don ang mga kaklasi namin maliban kay Jamie. 's**t may pulis don' narinig kong sigaw nila. Totoong pulis yon na kumakaway doon at may hawak na posas. "Sasabihin ko sa pulis na imbestigahin ang mga fingerprints niyo at pag tumugma ang mga yon sa mga fingerprints na nasa litrato pwede kayong ma expel" saad ni Lexy sabay ngisi. Umupo na ulit ang mga kaklase namin at bumalik na sa tabi namin si Arah. "Ayokong ma expel" natatakot na saad nila. "Anong gagawin nating Jamie?" Nag aalalang tanong ni Marj kay Jamie. "Yahh!! Bakit hindi mo tignan ng mabuti yung litrato kung totoo 'yon!!Hindi 'yon totoo. Bakit? Kasi sinunog ko yung totoo!!" galit na galit na sigaw ni Jamie kay Marj habang nakatayo. Nagsimula namang kumuha ng video ang mga kaklase ko. 'Acting like innocent know, huh' saad ni Jamie kina Marj, Carmela at Jarrie ng matahimik ang mga ito. Bigla namang may kumatok sa pinto kaya binuksan 'yon ni Arah. Pumasok sa loob si Icelle habang naka yuko. Naglalakad siya palapit samin. "Ahm gusto ko lang sanang mag sorry sainyo sa ginawa ko" panimula ni Icelle. Biglang tumayo si Jarrie habang nakatingin kay Icelle. Huminga muna siya ng malalim bago nag salita. "Yung mga sapatos na hiniram mo na nawala. Kinuha ko 'yon sa locker mo ng hindi sinasabi sayo, para palabasing winala mo" pag amin niya. Tumayo din si Carmela. "Yung mp3 na pinahiram ko sayo. Kinuha ko rin yun para palabasin na winala mo yon" pag amin din niya. "May dahilan kami para gawin yun sayo" saad ni Jarrie. "Ginawa ko yon dahil naiinis ako sayo, nung nag sasagot ako sa board hindi ko masagot yung tanong tapos sabi mo sa teacher na ikaw nalang yung sumagot. Alam mo ba yung feeling na parang napahiya ako non dahil sa ginawa mo!" Saad niya, halata ang guilty sa mukha niya. "Si Christian, alam mong may gusto ako sakanya pero hindi mo siya linayuan. Tapos ngayon liniligawan ka niya, masakit yun para sakin pero hindi mo iniisip yung nararamdaman ko!" Naiiyak na sabi ni Carmela. Tumayo din si Marj. "Icelle alam mong humahabol ako as a president pero nag prisinta kapa para humabol din. Kahit kaibigan kita ayokong matalo sayo. Nakikita ko rin na palagi nalang ikaw ang paborito ng mga teachers natin" saad ni Marj. May pumatak naman na luha sa mga mata ni Icelle. "Nagprisinta akong sagutin yung sinasagutan mo dahil ayokong mapahiya ka, pero iba pala yung naramdaman mo. Si Christian naman kina usap ko siya na wag akong ligawan dahil alam kong may gusto ka sakanya pero ayaw niyang tumigil sa panliligaw sakin. Sa paghabol ko as a president naman, humabol ako dahil matagal ko ng gustong maging president at dun lang ako nagka lakas ng loob na humabol. I'm sorry" saad ni Icelle habang umiiyak. "I'm sorry kung nasaktan kayo dahil sakin. Hindi ko alam na ganon ang mararamdaman niyo." Naglakad naman sila papalapit kay Icelle. Si Carmela ay inabutan ng panyo si Icelle. "Sorry" saad niya. Nagsimula na ring lumapit sina Marj at Jarrie kay Icelle. Lahat sila ay humingi ng tawad maliban kay Jamie. Sarah Lopez PoV Kumakain kami ngayon sa cafeteria kasama namin si Zach. Nag aya kasi si Zach na kumain kami, kahit kakakain lang namin ay nagutom din kami sa ginawa namin kanina. Natapos yung nangyari kanina ng hindi nag sasalita si Jamie, ni hindi ko nga ata siya narinig mag sorry eh. Usap usapan na rin yung nangyari kanina at may post nanaman sa page ng school tungkol sa ginawa namin. "Detectives, paano niyo nagawa yung deduction show niyo? Tsaka nasunog na yung litrato ahh" kyuryosong tanong ni Zach. "Zach alam mo yung kasabihang eye for an eye, tooth for a tooth and a lie for a lie?" Balik tanong ni Lexy. Kumunot naman ang noo ni Zach. Flashback (Before the deduction show) "Okay cut!" sigaw ko. "As expected magaling kang umarte, Lexy" pag puri ko. "Thank you" saad niya. Ginagawa namin ngayon yung video para sa deduction show mamaya . 4:00 am palang gumising na kami "Sabagay, natural na sayo ang pag arte." Pang iinsulto ko at tumawa para asarin siya. Biglang sumama ang mukha niya. "Next, sa fingerprint naman nung litrato" saad ni Yan-yan. Kinuha ko naman yung copy ng pekeng litrato. "Sige na hawakan niyo na, dapat mag mukha yang marami yung humawak" saad ko. Saamin lang fingerprint yung mga nasa pekeng litrato. "Pwede na yan" saad ni Lexy. Binalik ko na yung litrato sa envelope. "Arah natawagan mo na ba si CR?" tanong ni Lexy. "Oo, kina usap na niya si Officer Enriquez. Dadating daw yung tito niya dito mamaya" sagot ko. Tinawagan ko kasi si Ven kanina, dahil kailangan namin ng pulis. Sabi niya papapuntahin nalang daw niya si Officer Enriquez. Na ikwento ko na kay Ven yung gagawin namin kaya pumayag siya. Pumayag din naman si Officer Enriquez kaso may kapalit yun na bagong mission ni Ven. End of Flashback "Aishh mga sinungaling kayo, pero good work. Sikat nanaman kayo. Kaso bakit hindi niyo ko sinali? Dapat kasali nako sa susunod" saad ni Zach habang naka pout. "Oo, sa susunod kasama kana" sagot ko. "Meron na ba kayong date sa acquaintance party sa school?" Tanong ni Zach. "Huh? Hindi pa naman sure yun. Kailangan muna daw i approve ng principal" sagot ni Yan-yan. "Na approve na ni mama" saad ni Zach at ngumiti. "Yeah, Principal pala ang mama mo" saad ni Lexy at nag ikot ng mata. Mataray talaga. "Wala pa kaming date, ikaw ba meron na?" tanong ko. "Wala rin ehh, pero pwede ring ikaw nalang" sagot niya habang naka ngiti sakin. "Okay lang naman. Wala pa'kong partner ehh" sagot ko at ngumiti rin. "I smell something fishy" biglang saad ni Lexy at kunwaring suminghot singhot. "Oo nga noh" pag sang ayon naman ni Yan-yan habang naka tingin saming dalawa ni Zach. Ngumiwi ako. "Lexy, Yan-yan sinong partner niyo niyan?" Pag iiba ko ang usapan. "Wala" simpleng sagot ni Lexy. "Wala rin" sagot din ni Yan-yan. "Don't worry Lexy, nag call ako kanina kay Raven. Sinabi ko na may acquaintance party tayo sa Friday. Pwedeng ikaw nalang yung date niya" saad ni Zach at ngumisi habang tumaas taas pa ang kilay kay Lexy. Ngumiwi lang si Lexy at hindi na sumagot. Sus! Kunwari ayaw, gusto naman. "Sa susunod na araw nalang natin isipin yan" saad ni Yan-yan at napakamot ng ulo. "Wala ng pasok bukas hanggang friday. Tsaka naka bukas din yung school para daw maka pag handa ang mga estudyante, tsaka aayusin pa nila yung school" ani Zach. "Pwedeng sa Thursday tayo pumuntang mall" opinyon ko "Pwede rin, isasama nun nating si Cr" pag sang ayong ni Lexy "Bukas nila i-aannounce yung mga dapat isuot" saad ni Zach Natapos na kaming kumain at umuwi na kami sa dorm. ——- Hi! Sa mga silent readers, paramdam naman kayo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD