Chapter 16

3465 Words
Alexy Tan PoV Nandito kaming tatlo sa guest room, tulog na silang dalawa samantalang ako ay nakatulala lang dahil hindi ako makatulog sa kalikutan ng katabi kong si Arah. Marami naman silang guest room pero ayaw talaga naming magkahiwalay tatlo. I mean sila lang pala. Tabi tabi kami sa iisang kama. Nasa gitna si Arah, sa may left side ako tapos sa right side naman si Yan. Naka yakap saakin si Arah tapos nakadantay pa kaya naka steady lang ako baka magising pa siya. Hayss. Ako pa talaga nag a-adjust. Buti pa nga si Yanyan mahimbing na siyang nakakatulog. Isama mo pa dahil namamahay ako, hindi talaga ako sanay na may katabing matulog at makitulog, maarte na kung maarte. Duh. Wahhh, oras na maaga pa kaming gigising bukas. Hindi pwedeng wala akong tulog kasi hindi ako makakapag isip ng maayos, magiging parang lutang ako ganun. Gumalaw si Arah at nawala ang pagkakayakap at dantay niya saakin pero nasipa niya pa ako. Hays, ngayon naman yung unan na yung yakap niya. I'm getting annoyed at her. Takpan ko kaya ang mukha niya ng unan? Tumingin ako sa lamesa kung saan naka lagay ang cellphone ko at inabot 'yun, baka sakaling antukin ako at makatulog ako. 12:00 am na pala. Nag f*******: muna ako. Scroll up at scroll down lang ako, 'nung nag sawa ako pumunta naman ako sa messages ko. Biglang nag lag ang phone ko at dahil naiinis ako ay nagpipindot pa rin ako. But I froze ng maalis ang lag at may mapindot na akong isang message. 'Bakit sa lahat lahat ito pa? Bakit kailangan 'kong masaktan ng ganito sa isang ala alang 'to? Bakit hanggang ngayon hindi pa ako nakaka move on? Ang daming iba Lexy bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit siya lang? Bakit siya pa rin? Bakit? Bakit? Ganun ba ako ka loyal para hindi siya makalimutan?' 'For pete's sake Alexy, it's been 1 year, ako yung talo, ako yung nasaktan, ako yung linoko, bakit saakin lahat ng sakit? Bakit sa lahat ng mapipindot ko 'yung message niya pa? Bakit 'yung kay Nathan pa? Bakit 'yung sa first love ko pa, and first heartbreak?' And why am I even crying? He's not worth it. Pinower off ko yung cellphone ko at pinatong ito sa lamesa. Bumaba muna ako pa punta sa kitchen para uminom ng tubig. Hindi na ako nag abalang buksan 'yung ilaw dahil nakikita ko pa rin naman 'yung daan dahil sa ilaw na nag mumula sa bintana, binuksan ko 'yung pinto ng refrigerator nila Zach at kumuha ng malamig na tubig sabay salin sa isang baso. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon. Umupo muna ako sa kitchen stool. Yumuko ako at nag patuloy sa pag iyak. Sigurado akong mamamaga niyan mata ko. Tumingala ako at tumingin sa wall clock. 1:30 am na pala. Bakit ba ang bilis ng oras??? "Sinong--" nagulat ako ng biglang bumukas 'yung ilaw "Lexy? Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka umiiyak?" May pag aalalang tanong ni Zach. "H-Ha?? Wala 'to." Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. "Bakit gising ka pa?" Tanong ko pero tumitig lang siya sakin. "Tell me, may nangyari ba, Lexy?" Seryosong tanong niya. "Wala nga, may naalala lang ako." Pumeke ako ng ngiti at ilinibot ang paningin sa kitchen nila. "May stock ka bang alak dito?" Tanong ko. "Ha?! Anong gagawin mo sa alak?" Gulat na tanong niya. "Iinumin syempre, tss" "I mean, bakit ka iinom?" Tanong niya ulit. "B-Baka sakaling mawala lahat ng sakit." Nagsimula nanamang manginig ang boses ko at mamuo ang luha sa mga mata ko. "Baka sakaling makalimutan ko na siya, baka sakaling---" napahinto ako ng niyakap niya ako. "Sige, umiyak ka lang ilabas mo lahat 'yan, pasensya ka na pero wala akong stock na alak dito, kung gusto mo may bar na malapit dito?" Suhestyon niya, oo gusto ko. "Sige, gusto ko pero kung isasama natin sina Arah ay baka hindi tayo pa-papasukin kasi minor palang sila." Sabi ko sabay punas ng luha ko. "Akong bahala sa inyo, tito ko naman may ari ng bar na 'yun." Sagot niya at ngumiti. "Sige salamat, gigisingin ko lang sila." Saad ko. Pumunta ako sa kwarto at nilapitan si Yan. "Yan gising" sabi ko habang niyuyugyog siya. "Hmm." Inggil niya sabay bukas ng mata niya "Anong nangyari? Bakit para kang umiyak?" "Basta, mamaya ko na sasabihin. Pwedeng samahan niyo akong uminom sa bar?" Tanong ko. "Bar?! Minor palang kami Lexy, tsaka ano ba yang iniisip mong yan?! Ha?! Itulog mo nalang yan." As expected ganyan talaga ang magiging reaction niya. "Sige na please, makakapasok naman tayo doon kasi tito raw ni Zach yung may ari nun" pamimilit ko sa kanya. "Ano ba ang ingay niyo" sabi ni Arah sabay bangon. "Sige na please samahan niyo na ako sa bar" gaya ng reaction ni Yan at nagulat rin si Arah pero pinilit ko pa rin sila at sinabing tito nga ni Zach ang may ari nun. "Sige na, mukhang may problema ka eh" sagot ni Arah at bumuntong hininga pa. Wala ng nagawa si Yan kun'di ang pumayag. "Sige na nga, basta wag kang iinom ng madami ah?" Tumango lang ako bilang tugon. Naglakad lang kami papunta sa bar. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako maka move on sakanya, siguro dahil first boyfriend ko siya at minahal ko talaga siya. Minsan naiisip ko kung binigyan ko ba siya ng second chance kami pa rin ba hanggang ngayon? Nakarating na kami sa harap ng bar, pinapasok kami ng mga nagbabantay ng makita nila si Zach. Pagkapasok namin ay maririnig at makikita mo yung mga kumakanta at sumasayaw sa dance floor. Umupo kami sa bakanteng upuan at umorder ng maiinom. Lumapit sa amin yung waiter at kinuha ang order namin "Pineapple juice nalang ang iinumin naming dalawa ni Arah" saad ni Yan-yan. 'Aishhhh gusto ko rin uminom' bulong ni Arah. Umiinom pala siya. Pagkasabi ko ng order ko ay agad na nagsalita si Zach. "Are you sure Alexy baka malasing ka" kunot noong tanong niya. "Sanay akong uminom, don't worry" sagot ko. Umorder din si Zach ng sakanya at umalis na yung waiter. "Sorry nga pala sainyo, naistorbo ko pa ang tulog niyo" paghingi ko ng tawad. "Okay lang yun" sagot nilang tatlo. "Ano nga palang nangyari sayo bakit umiiyak ka kanina?" Tanong ni Yan-yan. Sasagot na sana ako ng dumating na 'yung order namin. Habang inilalapag yung order namin ay napatingin ako sa waiter, wait parang may kamukha niya si-- "Cr?" Tanong ko. Tumingin naman sakin 'yung waiter at ngumiti. "Ako nga" saad niya "Hello Sarah, hello Rhian, hello Zach, hello Lexy" saad ni Raven at hinug si Sarah. "Hello" masayang bati ni Arah. Binati din namin siya at umupo sa tabi ko. 'Diko na natuloy yung kwento ko because of Cr. "Anong ginagawa mo dito Charles at bakit naka pang waiter ka?" Tanong ni Yan-yan. "Mamaya ko nalang sasabihin, kayo anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya. Inabot ko yung inumin ko at ininom yun. Napamura ako ng gumuhit 'yon sa lalamunan ko. Napapikit ako dahil don at agad ding nagmulat. "Sinamahan lang namin si Lexy" sagot ni Yan-yan. Tinignan naman ako ni Cr at bumaling ulit kay Yan-yan. "Napano siya?" Tanong ni Cr. Tinignan naman ako ni Yan-yan na naghihintay na ako ang sumagot sa tanong, huminga muna ako ng malalim at nagsimulang mag kwento Kinwento ko sakanila yung nangyare. Aishh, nagbabadya nanaman 'yung luha ko na tumulo. I suddenly felt so weak. "Minsan gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap, gusto kong sabihin na nami-miss ko na siya pero pag natatandaan ko yung ginawa niya naiisip ko, kulang ba yung pagmamahal na binigay ko sakanya kaya nagawa niya kong pagtaksilan ng ganun ganun nalang" saad ko at tuluyan ng tumulo yung luhang pinipigilan ko. Naiinis ako feeling ako lang yung nasaktan, feeling ko ang hina ko. "Tahan na Lexy, hindi ka niya deserve" pagpapatahan ni Cr. Kinuha ko ulit yung inumin ko at inubos yung natitira dun sa baso, s**t ang pait. Malapit ko nang maubos yung isang bote kaya medyo nahihilo na'ko. "Ang kantang kakantahin ko ay para sa babaeng minahal ko na nagawa kong pagtaksilan. I know you're here and I'm so sorry, nadala ako sa tukso kaya ko nagawa 'yon sana bigyan mo'ko ng chance para makapag paliwanag sayo. I still love you Alex" bigla akong napatingin sa stage ng marinig ko yon, napatingin din sina Arah sa stage ng marinig yon. It's how you used to say I love you and I miss you It's how you pretend to love me then When you wandered off the things we've done before Now it's too late to turn back anymore I used to say I love you I used to say I miss you And now it's all gone Are we fading away Nagkatinginan kami, hindi ko maiwasang maiyak. Nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot at pagsisisi. Are you coming back into my arms To love me again I love you I miss you I need you now More than ever More than words can say I love you and I miss you I need you more today Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Kahit nahihilo na'ko alam kong siya yun at alam kong naka tingin siya sakin. 'Nathan' bulong ko. Ewan ko pero kusa nalang tumulo yung luha ko. Tapos na siyang kumanta at naglalakad siya palapit sakin. Bago pa siya makalapit sakin ay biglang namatay lahat ng ilaw, nag sigawan ang mga tao dahil sa gulat. Umalingawngaw yung putok ng baril sa loob ng bar. "s**t" pagmumura ni Cr. Nagsigawan ang mga tao sa loob. Zach Martin PoV Ano bang nangyayare? Wala akong makita dahil sa dilim. Oh speaking of dilim may dala akong night vision glasses, pag sinuot mo yon makaka kita ka sa dilim. Kaso apat lang dala ko, ipapasuot ko sana sa mga detectives to pag uuwi na kami dahil madilim sa daan. Meron pa akong dalang pang self defense na electric pen. Para lang siyang ballpen pero may koryente siya na kayang mag pa tulog ng tao. Sinuot ko yung isa tapos lumapit ako sa mga detectives at sinuot yon sakanila. "Nakikita niyo nako detectives" Tanong ko. "Oo" saad nilang tatlo, wow hindi man lang nagpa salamat. "Paano si Raven wala siya" saad ni Arah. "Apat lang nadala ko ehh, sorry Raven" saad ko. "Okay lang" saad niya. "Yung akin nalang yung gamitin mo Cr" saad ni Lexy. "Paano ka?" Tanong ni Raven sakanya. "Maiiwan nalang ako dito, alam kong mas kailangan mo yon tsaka nahihilo na din ako" saad niya. "Sige, salamat" saad niya at ngumiti. "Hintayin mo kami diyan Lexy" saad ni Arah. Charles Raven Torres PoV Binigay na sa'kin ni Lexy 'yung salamin at sinuot ko na 'yon. Oo mas kailangan ko ito dahil may mission ako na gagawin dito sa bar. Inutusan ako ni Officer Enriquez, kaibigan ng daddy ko na may balak magnakaw sa bar ngayong araw. Nagpanggap akong waiter dahil siguradong magpapanggap ang mga magnanakaw bilang customer. Tumingin kami sa paligid para hanapin 'yung nagpa-putok. Tahimik ang mga tao dahil takot silang ma baril. "Ayun sila" saad ko. Sabay turo sa mga lalaking malapit sa counter, lima silang lahat at may dalang mga baril. Kumukuha na sila ng pera, good, walang nagbabantay sakanila. Akala siguro nila walang makiki alam sakanila dahil madilim. Wait, natigilan ako. Nakakakita rin sila sa dilim! Dahan dahan kaming naglakad palapit sa kanila, humiwalay si Arah at Rhian para hanapin yung switch ng ilaw. Kasama ko ngayon si Zach. Nagtago kami sa ilalim ng mga upuan malapit sa counter. Kailangan namin ng armas. "Zach may baril sila kailangan natin ng panlaban" bulong ko. May kinuha naman siya sa bulsa niya isang ballpen. Okay, anong magagawa ng ballpen? "Eto" saad niya sabay abot nung ballpen. May kabigatan yung ballpen kesa sa ibang ballpen. Pero kahit na, anong matutulong nito? "Anong magagawa niyan?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. "Isa yang electric pen o stun pen. From the word itself electric may kuryente 'yan na kayang mag patulog ng tao. Ang kailangan mo lang gawin ay itusok yan sa kalaban. Pag lumabas 'yung tip nung pen ibigsabihin may lumalabas na kuryente." pagpapa liwanag niya. Tumango naman ako at namangha. Naglakad 'yung dalawa sakanila ay paalis sa counter, papunta sila sa banyo. Good dadaanan nila 'yung panagtataguan namin. Nang makalapit sila ay tinignan ko si Zach, tumango naman siya kaya sumugod kami dun sa dalawa ng tahimik. Tinusok ko ng pen 'yung isa sakanila kaya natumba ito, 'yung isa naman ay sinuntok ni Zach sa mukha at kinuryente ko. Mabuti nalang at hindi sila gumawa ng ingay. Hinila namin ang dalawa papasok sa banyo at tinago doon. Naglakad kami papasok sa counter ng naka yuko kami. Nang nasa likod na nila kami ay kukuryetihin kona sana 'yung isa sakanila ng sumindi yung ilaw. Mahina akong napamura. Damn! Wrong timing yung dalawa. Napalingon yung mga lalaki sa paligid nila. Napansin ko naman na akmang lilingon yung isa sa sa amin ng kuryentihin ko ito sa binti kaya natumba ito. Napatingin naman yung dalawang lalaki sa kasama nila na tumumba kaya nakita nila kami. "Mga paki alamero!" sigaw nung isa sakanila. Akmang susuntukin nila kami ng kuryentihin ko 'yung susuntok sakin, kaso hindi siya tumumba kaya hindi ko nailagan at nasuntok ako. Wtf! 'Yung mukha ko baka masira! "Low bat na" saad ni Zach habang linalabanan yung isa. Habang nakahiga ako ay nagsimulang lumapit yung kanina at susuntukin sana ako ng may sumipa sakanya, si Lexy. Dumating din sina Arah at Rhian at tumulong sa kalaban ni Zach. Sinuntok ni Arah yung lalaki na sinipa naman ni Rhian, parang hindi sila mga babae. Natumba na yung dalawang lalaki, tumingin ako sa mga tao na nakatingin na pala samin. Nagpalak pakan pa ang mga ito na para bang manghang mangha sa nakita nila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Officer Enriquez para papuntahin dito. "Hello Officer, tapos na po ang mission mo sakin. Pumunta nalang po kayo dito para kuhanin yung mga magnanakaw" saad ko habang naka pamewang. "Sige, salamat" saad niya at pinatay na yung tawag. Kami nalang nina Arah, Rhian, Lexy at Zach ang nandito dahil pina labas namin yung mga tao. Sumunod naman sila samin at lumabas na ng bar. Naka upo kami sa bakanteng upuan sa bar hinihintay namin sina officer na dumating. "Salamat pala Lexy" pagpapasalamat ko at ngumiti. Natigilan ako sa mukha niya. "You're welcome" saad niya at pumilit ng ngiti. Namumugto ang mga mata niya. Ano kayang nangyari matapos namin siyang iwan kanina, bago kasi mamatay yung ilaw kanina ay palapit sakanya si Nathan daw, 'yung ex boyfriend ni Lexy. Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang mga pulis. "Another job well done Charles" saad ni Officer Enriquez at nag thumbs up pa sakin. "Thank you officer, may tumulong din sakin" saad ko at tumingin kina Arah, Rhian, Zach at Lexy. "Hello Officer, I'm Zach nice to meet you" pagpapakilala ni Zach. "Hello Sir, I'm Rhian and this is Alexy" pagpapakilala ni Rhian saka nakipag kamay. "Hello Officer, it's nice to see you again" saad ni Arah. Kakilala niya si Officer Enriquez dahil minsan ko na siyang sinama sa mission ko kaya nakilala niya si Officer. "Hello Sarah" saad ni Officer Enriquez at ngumiti. Tumingin naman sakin si Officer. "Kami na ang bahala dito maaari na kayong umuwi" saad niya kaya pare pareho kaming tumango. Naglalakad kami ngayon pa uwi sa bahay nina Zach. Sumama na'ko sakanila para daw magamot yung black eye ko, aishhh. Kawawa yung mukha ko. Binalik kona kay Zach 'yung pen niya. Nang maka dating kami sa bahay nina Zach ay umupo kaming lahat sa sofa. Tulala lang si Lexy, hindi kaya may nangyari nung iniwan namin siya? First time ko ring nakita siyang umiyak naaawa nga ako sakanya. Kapag okay na siya mabubusit ko rin siya, ang ganda niya kasing tignan pag naiinis siya. I mean she looks cute. Unlike now, I don't want to her like this. "Hoy Charles, anong nginingiti ngiti mo diyan?" Tanong ni Rhian at tinaasan ako ng kilay. "Huh? Ah wala." saad ko at nag iwas ng tingin. "Eto Raven lagay mo sa black eye mo" saad ni Zach. Binigay naman niya yung ice bag at linagay ko sa mata ko. "Nasan, ako na" saad ni Lexy at kinuha yung ice bag sakin. Siya 'yung nanggamot ng black eye ko. Namamaga pa yung mata niya, dapat pati siya lagyan ko ng ice bag sa mata eh. Para it's a tie. "Ahm Lexy, may nangyari ba when we left you?" Tanong ko. Huminto naman siya saglit at umiwas ng tingin pero nagpa tuloy ulit siya sa paggagamot ng hindi nakatingin sakin. "Mamaya ko nalang i-kukwento ayokong marinig nina Yan-yan at Arah" saad niya at tumingin kay Yan-yan na nanonood ng tv at kina Arah at Zach na nag kukulitan. Natapos na niyang gamutin 'yung black eye ko. Hihintayin niya muna daw matulog sina Yan-yan at Arah. Sabi niya hintayin ko daw siya sa likod ng bahay nina Zach na may pool. Hinihintay ko siya ngayon habang naka upo ako sa bench na malapit sa pool. Alas tres na ng madaling araw. Hindi na rin ako uuwi matutulog nalang daw ako sa isa pang guest room nina Zach. Dumating na siya at umupo sa tabi ko. Hindi siya kumibo kaya ako nalang ang nag salita. "Anong nangyari sayo kanina? Bakit ayaw mong marinig nina Yan-yan at Arah?" Tanong ko. I found it weird, bakit ayaw niyang marinig nina Yan-yan at Arah yung sasabihin niya? May tiwala ba siya sakin kaya sakin niya lang sasabihin? O baka may iba pa siyang sasabihin. Huminga muna siya ng malalim bago nag salita. "Nung umalis kayo dun lang lumapit si Nathan sakin. Nag sorry siya at pinaliwanag 'yung nangyari. Nanghihingi siya ng second chance, habang sinasabi niya yun umiiyak siya at alam kong nagsisisi siya. Sabi ko pag iisipan ko muna. Sabi niya rin na lumipat daw siya sa school namin. Bago siya umalis ay yinakap niya muna ako, sabi niya maghanda daw tayong lima dahil malapit na daw sila. Tinanong ko kung sino ang tinutukoy niyang 'sila' pero ang sagot niya ay malalaman din daw natin. Wag din daw tayong mag titiwala sa mga taong naka paligid satin. 'Mag ingat ka' yun yung huli niyang sinabi bago siya umalis. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi niyang sila pero masama yung kutob ko don. Tapos itong kwintas na suot ko" inalis niya yung kwintas at pinakita sakin "Nakita ko yan malapit sa pinto ng dorm namin, may narinig akong nag uusap non kaya binuksan ko yung pinto pero ng buksan kona yon ay biglang tumakbo yung mga narinig ko. Pero naiwan nila yang kwintas. Alam nina Yan-yan at Arah na nakita ko yan sa tapat ng pinto pero hindi ko sinabi sakanila na nag research ako tungkol diyan. May nakuha akong impormasyon." Napabuntong hininga siya. "Ang nag mamay ari niyan ay kasama sa grupo ng mga binabayaran para pumatay. Makikita mo sila sa underground city at malalaman mong sila yon dahil meron silang tattoo na dragon. Yung tattoong dragon na yon, yun yung sinabi ni Arah na nakita niya sa mga pumatay sa mama niya. Yan palang ang nakukuha kong impormasyon. Hindi ko alam kung anong balak ng mga taong nag uusap sa harap ng dorm namin, baka pati si Arah ay patayin nila at hindi ko hahayaang mangyari yon. Hindi ko rin alam kung sinong tinutukoy ni Nathan na sila" mahabang kwento niya. "Bakit sakin mo sinabi ang lahat ng yan?" Tanong ko habang kunot ang noo dahil sa mga narinig ko. "Dahil may tiwala ako sayo" sagot niya na nakapag patigil sakin. "Kung ganon tutulungan kita" sagot ko. "Salamat, sana wag mong sabihin yan kina Yan-yan at Arah." saad niya na bigla kong ikinalingon sakanya. Nagtatanong ko siyang tinignan pero mariin lang siyang umiling. Bumuntong hininga ako. "Makaka asa ka na hindi ko sasabihin sakanila" saad ko. Tumahimik na kaming dalawa kaya nagsalita ako, iinisin ko nalang siya. "Ang pangit mo pala pag umiiyak" pang iinis ko. Napatingin naman siya sakin at kumunot ang noo. "Paki alam mo ba!" Mataray na sagot niya at inirapan ako. "Basta Lexy kung bibigyan mo ng second chance yung Nathan nayun. Sabihin mo muna sakin, baka saktan ka ulit non ayokong nakikita kang umiiyak" sinserong ani ko. "Sige, salamat" saad niya at ngumiti. Napagdesisyonan na namin na pumasok na sa loob para matulog. Pumasok ako sa isang guest room na katabi lang ng kwarto nina Lexy, Arah at Yan-yan. Hindi ko alam kung anong plano ni Lexy. Pero gagawin ko ang sinabi niya kahit ayokong maglihim kay Arah. Matagal ko ng kilala si Arah, at siguradong gagawa siya ng hakbang ng hindi nag iisip ng maayos kapag nalaman niya ang mga sinabi ni Lexy sakin. Humiga na'ko sa kama at napag desisyonang matulog. _____ Feel free to comment and vote. Follow niyo rin po kami and check our account for more stories. Hi mga silent readers Paramdam naman kayo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD