Chapter 15

3630 Words
Alexy Tan PoV Nagising ako na wala na sa higaan sina Yan-yan at Arah. Mabuti na lang nagigising ako kahit hindi ako gisingin ni Yan-yan. Tumayo na'ko sa kama para kumuha ng school uniform. Pag ka kuha ko ng damit ay pumasok na'ko sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan kong naka upo na sina Yan-yan at Arah sa harap ng hapag kainan at hinihintay nalang siguro ako. Nag lakad nako palapit sakanila at umupo sa bakanteng upuan. "Good morning Yan. Good morning Arah" saad ko. "Good morning" saad nilang dalawa. "Kain na tayo" saad ni Arah at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas ng pinagkainan namin. Nang matapos ako ay lumabas na kami ng dorm. Habang naglalakad kami ay nagsalita si Yan-yan. "Lexy yan ba yung nakita mong kwintas kahapon?" Tanong niya. "Oo, sinuot ko ang cool kase" sagot ko. Napansin ko namang tumingin si Arah sa kwintas na suot ko at napa tigil na parang may iniisip. "Uyy Arah halika na baka ma late pa tayo" saad ni Yan-yan. Hinawakan niya ito sa kamay at hinila. Nang maka rating kami sa classroom ay nagkaka gulo ata sila. Nakalagay sa side lahat ng upuan at naka paligid ang mga classmate namin sa gitna ng room, may mga hawak silang cellphone na parang nag vi-video. "Napano sila?" Takang tanong ko kina Yan-yan at Arah. "Ewan, dito lapit tayo para makita natin" saad ni Yan-yan. Wala ata sa huwisyo si Arah at parang may iniisip, sampalin ko kaya? Ayy wag na baka gantihan pa niya ko. Nang makalapit kami ay nakita namin na pinagtutulungan ng apat naming kaklaseng babae ang isang babae. Bakit hindi ko alam pangalan nila aishhh. Tinulak pa nila ito at sinampal, akmang sasampalin ulit siya nung isa sa mga babae kaya mabilis akong lumapit sakanila at hinawakan ang kamay nung akmang mananampal sakanya. Nakita ko naman si Yan-yan na tinulungan yung babae na tumayo, binitiwan ko na ang kamay nung babae at lumapit kina Yan-yan at dun sa babae. "Anong nangyayari dito?" Tanong ng kakadating lang na teacher namin. Bigla namang tumigil sa pag video ang mga classmate namin at tinago ang mga cellphone. Walang sumagot sakanila kaya nag salita ulit ang teacher namin. "Class go back to your proper place except Miss Icelle, Marj, Jamie, Carmela and Jarrie follow me!" ma awtoridad na saad ng teacher namin at nag lakad na palabas. Sumunod naman silang lima palabas. Ahh kilala ko na sila si Icelle yung inaaway nina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie. Napano kaya sila? It's obvious na nag aaway sila. Rhian Dela Cruz PoV Pagka alis nina Icelle, Marj, Jamie, Carmela and Jarrie ay nagsimula ng mag ingay ang mga kaklase ko dahil sa bulungan. Umupo na'ko sa pwesto ko at kinuha ang libro ko para hindi masayang ang oras dahil baka hindi na pumasok ang first subject teacher namin. Habang nag babasa ako ay hindi ko mapigilang isipin kung bakit sila nag away, napapansin ko naman nitong mga naka raang araw na mag kakasama silang lima sa cafeteria masayang nag kukwentuhan. Tatanong ko nalang kay little A mamaya. Si Arah naman ayun naka upo sa pwesto niya pero malalim pa rin ang iniisip, kailan ba nagsimula yon? Hmm nagsimula ata yon nung naglalakad kami sa corridor bigla nalang siyang natulala. Dahil sa pag iisip ko ay hindi kona napansin ang oras at dumating na ang next teacher namin. Rineview niya lang kami tungkol sa exam namin next week at baka daw hindi na maka pasok ang mga teachers namin sa mga susunod na araw dahil busy sila sa mga test papers. Maganda din naman yun para maka pag review kami ng maayos, excited nakong mag exam. Pagkatapos naman daw ng exam ay baka magka roon ng aquintance party pero hindi pa daw sure sabi ng principal. Naglalakad na kami ngayon papuntang cafeteria kasama namin si little A. Hindi namin nakita si Zach kaya hindi namin siya kasama ngayon. Pagkadating namin sa cafeteria ay sina little A nalang at Lexy ang nag order ng pagkain namin. Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang cellphone ko para tignan ang f*******: page ng school namin. Doon mo makikita ang mga announcement, mga pinapasikat nila halimbawa ng pinapasikat nila ang mga nerd na binubully. Doon mo rin makikita ang mga pictures namin na nag iimbestiga, nakakapag taka lang ay kung sino ang kumukuha ng mga pictures namin habang nag iimbestiga. Nag scroll down lang ako ng konte dahil nakita ko agad yung hinahanap ko, mga isang oras palang siyang na popost pero ang dami ng shares at comments. Tumingin ako sa mga comments at ang daming hate comments tungkol kay Icelle, bakit si Icelle ang bina bash nila? Habang nakatutok ako sa cellphone ay biglang may umupo sa bakanteng upuan na kaharap namin ni Arah. Katabi ko si Arah ayon malalim pa rin iniisip kakausapin ko nalang siya mamaya. Tumingin ako sa umupo at nakita ko si Zach na may dalang tray na may lamang pagkain, kasunod naman niyang umupo si Lexy at little A. "Hello Rhian. Hello Sarah" saad ni Zach. "Hello" sabay namin bati ni Arah. Tinago ko na ang cellphone ko at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay naisipan kong tanungin na si little A. "Little A ano palang nangyari kanina? Bakit nag aaway sina Icelle, Marj, Jamie, Carmela at Jarrie?" Tanong ko, tumingin naman siya sakin at uminom muna bago mag salita. Bigla namang naagaw ang atensyon nina Lexy, Arah at Zach. Buti nasa hwisyo na ata si Arah. "Bigla kasing nagalit si Icelle kina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie. Pinagbibintangan niyang sila ang kumuha ng binigay sakanya ng hindi niya totoong ina bago ito pumanaw" sagot niya. "Anong binigay ng hindi niya totoong ina?" Tanong ko. "Litrato daw yun ng totoo niyang mga magulang, kaya napaka halaga daw nun sakanya" sagot niya. "Meron ba siyang ebidensya na sina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie ang kumuha?" Tanong ni Lexy. "Ewan ko" sagot naman ni little A at pinagpatuloy ang pag kain. ---------- Friday na ngayon at malapit na ang exam. Pero magmula ng mag away sina Icelle, Marj, Jamie, Carmela at Jarrie ay hindi pa pumapasok si Icelle, sina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie naman umaaktong parang walang nangyari. Hindi na pumapasok ang teacher namin dahil nga busy na sila sa nalalapit na exam. Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama namin si Zach, wala si little A dahil nagrereview na siya. Habang kumakain kami ay nag salita si Arah. "Yan-yan, Lexy imbestigahan kaya natin yung nangyari kina Icelle?" tanong niya. Mabuti nalang okay na si Arah kinausap kona siya sabi niya may naalala lang daw siya. "Pwede rin, nakaka boring ehh." sagot ni Lexy. "Hoy Lexy kung magreview ka kaya para sa exam noh?" sibat ko sakanya. "Pero pwede ren meron pa namang sabado at linggo para mag review" dagdag ko kaya sumama ang tingin sakin ni Lexy at nagsimulang bumulong. "Dito na" saad ni Arah sabay tayo. "Huh? As in ngayon na?" Tanong ko. "Oo, baka gabihin tayo ehh" sagot niya. Wait paano kami lalabas? Hindi sila nagpalabas ng school para daw mag review ang mga estudyante. Kailangan naming lumabas dahil umuwi daw si Icelle sa bahay nila sabi nung mga dorm mate niya. "Hindi tayo makaka labas ng school naka sara ang gate, remember hindi sila nagpalabas para daw mag review ang mga estudyante" saad ko. "Oo nga pala aishhh" naiinis na saad niya at napakamot pa sa ulo. "May alam akong daan palabas kaso sama niyo muna ako" saad ni Zach na malawak ang ngiti. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago sumang ayon. "Oo na" saad ko at mas lumawak ang ngiti niya. Parang iba ang ngiti niya ahh. Sarah Lopez PoV 'Aray sakit na ng paa ko' 'Ang kati' 's**t sugatan na mga paa ko' "Isang reklamo nalang Lexy sasamaan ka sakin sige" pagbabanta ko. Kanina pa kasi siya nag rereklamo sa dinadaanan namin. "Mas sasamaan yang si Zach pag naka labas tayo dito" naiinis na saad niya. Kasi naman dumaan kami sa dark part hindi naman mainit dito dahil makapal ang mga dahon ng mga puno kaso masukal dito baka makagat pa kami ng ahas. "Bakit ako?" tanong niya hindi naman sumagot si Lexy. "Hoy Zach diba pinagbabawal nilang pumunta ang mga estudyante dito?" Tanong ko. "Oo" sagot niya. Wtf alam niya talagang bawal ang pumunta dito. "Kapag kami Zach napahamak dahil sayo nakikita moto?" sabay pakita ng kamao ko. "Tatama to sa mukha mo" pananakot ko. "Don't worry hindi kayo mapapahamak mama ko ang principal dito" saad niya. Mabuti naman kung ganon. "Malapit na tayo" saad niya. Pagka sabi niya non ay tumambad samin ang mataas na pader ng school. "Saan ang daan?" Tanong ko. "Doon" saad niya sabay turo nung punong mas mataas sa pader, naka dikit yung puno malapit sa pader "Aakyat tayo diyan" masaya niyang saad. Ang saya niya ata. "Okay" saad naming tatlo at nag simula ng umakyat sa puno, sumunod naman si Zach. Nang magka pantay na kami ng pader ay tinignan namin si Zach naiintindihan naman niya yun kaya nagsalita siya. "Nakikita niyo ba yung rooftop diyan?" Tanong niya. Tumingin naman kami sa kabila ng pader at nakita namin yung rooftop na sinasabi niya. "Baba kayo diyan" pagtukoy niya sa rooftop. Bumaba naman kami at sumunod siya. "Dito" saad niya at sumunod kami sakanya. Naglakad kami sa rooftop papunta sa pinto. Nang makalabas kami ay dun ko lang nalaman na rooftop pala ng apartment ang dinaanan namin at dahil naka labas na kami ay nagsimula ng tumingin ng masama si Lexy kay Zach. Tinignan ko ang paa ni Lexy na may sugat na maliliit. Sumusunod lang kami kay Zach na naglalakad. Tumigil siya sa tabi ng kotse at binuksan ang pinto nun. Pinapasok niya kami sa loob ng kotse siya ang nasa drivers seat nasa tabi naman niya si Lexy at kaming dalawa ni Yan-yan ang nasa likod. Pinaandar niya ang makina non at tumingin samin "Address?" Tanong niya. Binigay ko naman sakanya yung papel, naka sulat don ang address ni Icelle. Pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi naman dapat kami lalabas ng school ehh kaso wala si Icelle sa dorm niya sabi naman ng mga kasama niya sa dorm ay umuwi siya, sakanila din namin nakuha yung address niya. Mga ilang minuto lang ay huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Lumabas kami ng sasakyan at nag doorbell. Kapag kuwan ay lumabas ang isang katulong at binuksan ang gate. "Anong kailangan niyo?" tanong niya. "Hello po, nandyan po ba si Icelle?" Tanong ko. "Oo, classmates niya ba kayo?" Tanong niya. "Opo, pwede po ba namin siyang puntahan?" Tanong ko. "Sige" sagot niya at pinapasok kami. Iginaya niya kami sa sala at pina upo. "Maupo muna kayo, tatawagin ko lang siya" saad niya. "Sige po" saad namin at umalis na siya. Mga ilang minuto lang ay dumating na si Icelle. Tumingin ako sa mukha niya may mga band aid yon. Umupo siya sa katapat naming sofa. "Anong kailangan niyo?" Tanong niya. "Gusto naming maka tulong sayo" saad ko. May dumating naman na kasambahay at may dalang tray na may lamang juice inilapag niya ang mga yon at umalis. "Paano niyo naman ako matutulungan?" Tanong niya. "Simple lang, ikwento mo samin kung bakit sina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie ang pinagbibintangan mong kumuha ng litrato ng totoo mong parents gayong wala ka namang ebidensya" saad ko. Nagbuntong hininga muna siya bago nag salita. "Isang araw bago kami nag away, kakatapos lang ng last subject. Na iihi nun ako kaya nagpatulong ako kay Jamie kaso sumama din sina Marj, Carmela at Jarrie samin. Nung nasa cr nako ay pinahawak ko sakanila yung bag ko at pumasok nako sa isang cubicle. Pagkatapos kong umihe ay lumabas ako ng cubicle pero hindi ko sila makita. Tinignan ko sila sa classroom pero hindi ko sila makita, naisip kong hindi naman gaanong mahalaga yung laman nung bag ko dahil ang laman lang nun ay mga libro, notebook at at susi sa locker ko. Gabi na nun nasa dorm nako ng kumatok sila sa pinto ng dorm namin at binigay yung bag ko bago sila umalis ay sinabi nilang pinaprank daw nila ako, nagtago daw sila kaso hindi daw ako naghanap. Kinabukasan maaga akong pumasok para mag review, ako palang mag isa nun sa classroom. Pagkatapos kong mag review ay napagpasyahan kong ilagay sa locker ko yung mga libro ko pagka bukas ko sa locker ko ay magulo ang laman nun kaya kinabahan ako na baka may nawala sa gamit ko. Inayos ko isa isa ang mga nagulo kong gamit kaso nawawala yung litrato na pinaka iingatan ko, yun yung litrato ng mga totoo kong parents binigay yun ni mama, ang umampon at tumayong magulang ko magmula ng bata palang ako. Binigay niya yun bago siya bawian ng buhay dahil sa sakit na cancer sabi niya sakin ingatan ko daw yung litrato na yon at hanapin ko daw ang tunay kong mga magulang. Kaso nawala na yung litrato" saad niya at nag simula ng umiyak. Lumapit naman kami sakanya upang patahanin siya "Naisip ko na baka sina Marj, Jamie, Carmela at Jarrie ang kumuha non dahil sila lang ang humawak ng bag ko maliban sakin hindi ko napigilan yung galit ko kaya pumunta ulit ako sa classroom lumapit ako sakanila at tinanong sila kung sila ba yung kumuha ng litrato sabi nila hindi daw, sabi ni Jamie pinagbibintangan ko daw sila tsaka litrato lang daw yun, hindi ko napigilan ang inis ko nasampal ko si Jamie. Nagulat nun ako sa ginawa ko kaya nag sorry ako pero nagalit silang apat at dun na nila ako inaway" pag tutuloy niya. "Please tulungan niyo kong malaman kung sino ang kumuha ng litrato please" pagmamaka awa niya. "Tutulungan ka namin pangako" saad ko at ngumiti. "Salamat" saad niya samin at ngumiti. Nag kwento pa siya samin at sinabi namin sakanya na pumasok siya sa Monday dahil exam na namin. "Mauuna na kami" saad ni Yan-yan "Hindi na muna ba kayo kakain?" tanong niya. "Hindi na" saad naming apat "Sige, mag ingat kayo" saad niya. Hinatid niya kami hanggang sa gate nila at pumasok na sa kotse. "Bakit hindi natin napansin yung oras?" naiinis na tanong ni Lexy. Napasarap ata ang kwentuhan namin kaya inabot kami ng 7:00 ng gabi. "Bukas na tayo umuwe madilim na mapanganib na niyan sa dark part" saad ni Zach. "Saan tayo tutuloy?" tanong ko. "Sa bahay nalang namin, mag movie marathon tayo" masayang saad ni Zach. "Sige" pagsang ayon naming tatlo. Umalis na kami at dumiretso sa bahay nila Zach, isang oras din yung binyahe namin papunta sakanila. Ng makarating kami, pinaupo muna niya kami at maghahanda muna daw siya ng makakain namin. Malaki din yung bahay nila Zach at maganda ang sa labas. Maganda rin ang interior design ng bahay nila. Ilang saglit lang dumating na siya na may dalang juice, maraming chichirya at popcorn. "Oh ayan, para may makain tayo habang nanonood." saad ni Zach sabay tawa. Nagtataka na talaga ako sa lalaking to. Tumatawa ng walang nakakatawa, baliw kaya to? "Seriously Zach, baliw kaba?" Seryosong tanong ko. "Oo hahaha" sagot niya. Hay na'ko. "Hahahaha" tawa ni Lexy. "Umamin na siya Arah, wag ka ng magtaka hahaha" natatawang sabi ni Yan-yan. 'Ako nalang ba natitirang matino dito?' "Hahaha, sige ihahanda kona to, anong gusto nyong panoorin" Tanong samin ni Zach. "p*****n" ani ni Lexy. "Lovestory!" sabi ni Yan-yan 'Yakk' narinig kong bulong ni Lexy, okay bitter alert. "Horror!" saad ko "Botohan tayo. Sinong gusto sa p*****n?" tanong ni Zach. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Lexy. "Me!" Sabi ni Lexy "Ako den, mahilig ako sa p*****n hahaha" sabi ni Zach at tinaas din ang dalawang kamay. "Apat na kamay para sa p*****n hahaha" sabi ni Zach "Sino namang gusto sa love story?" Tanong ni Zach. Nagtaas naman ng kamay si Yan-yan. "Ako!" Saad ni Yan-yan habang naka taas yung dalawang kamay. "Dalawang kamay para sa love story hahaha" ani ni Zach. "Sino naman sa horror?" Tanong ni Zach. "Ako syempre" sabi ko sabay taas ng dalawang kamay at dalawang paa. Tinaas din ni Zach yung dalawa niyang paa. Bale anim yung may gusto sa p*****n hahaha. "Grabe ka Arah, ikaw na sige" Sarcastikang sabi ni Lexy at inikot ang mata sakin. "Well, gusto ko ng p*****n pero mas gusto ko ng horror HAHAHA" saad ni Zach. "Ok, ang papanoorin natin ay horror movie! Since marami ang boto sa horror" masayang sabi ni Zach, habang piniplay na yung movie. "Kadaya mo Zach, bumoto kana nga sa p*****n ko, bumoto kapa sa horror" naka ngusong sabi ni Lexy. "Wala eh hahaha, kung saan si Sarah, dun ako" saad niya. "Pati paa talaga ah?" Sarcastikang saad ni Lexy na tinawanan ko. "Syempre! Hahaha" masayang sabi ko. Ng maiayos na ni Zach yung tv. Umupo na kami ng maayos at nanood. Katabi ko sa kaliwa si Zach, katabi ko naman sa kanan si Lexy, habang katabi niya sa kanan si Yan-yan Pinapanood namin ngayon ay The nun. Di naman masyadong nakakatakot pero minsan nakakagulat lang. Natatawa ako kila Yan-yan at Lexy hahaha. May yakap na unan si Yan-yan habang si Lexy nakatakip yung mata gamit yung kamay niya, pero may butas pa den. Mapag tripan nga. "Yan, tingin ka sa kanan mo. May multo" pananakot ko sakanya. Tumingin naman sya, at kinuha ko yung pagkakataon na yun para gulatin sya naka upo kasi kami sa sahig at naka sandal sa sofa nila Zach. Nag quiet sign ako kay Zach na tinanguan ako. Tumayo ako dahan dahan at pumunta sa likod ng sofa inilugay ko yung buhok ko since naka tali yon tsaka ako yumuko at inayos yung buhok ko. "Urgh Arah! Wala naman eh" dinig kong sabi ni Yan-yan. "Teka, nasan si Arah?" Tanong niya. Dahan dahan naman akong lumakad papunta sa kanan niya at sinenyasan ko si Zach na sabihin kay Yan-yan na nasa kanan ako. "Ayan sa kanan mo" sabi ni Zach. Dahan dahang humarap si Yan-yan sakin kaya ginulat ko sya. "Booo!" Pananakot ko. "Waaaahhhhhh!" Sigaw niya na napatayo pa. "Hahaha" tawa ko at inayos na yung buhok ko. "Loko ka Arah!" Sabi sakin ni Yan-yan na pinagpapalo ako ng unan. "Nice one Arah" saad ni Zach at nakipag apir saken. Kumuha naman ako ng unan at gumanti kay Yan-yan Pinalo ko din si Zach at Lexy kaya kumuha din sila ng unan para gumanti. Nag pillow fight lang kami, at sobrang saya non. "Aray Arah, lakas non" saad ni Zach "Sorry hahaha" natatawang sabi ko. "Dito" sabi ko sabay takbo. "Humanda ka saken" saad ni Zach at hinabol ako. Ng makalapit ako kay Lexy pinalo ko din sya ng unan, pinalo din sya ni Yan-yan kaya si Yan-yan na yung hinabol niya since malayo layo ako sakanya. "Loko ka Arah, maaabutan din kita" sabi ni Zach habang patuloy padin sa pag habol saken. "Kung kaya mo" panghahamon ko kay Zach. Takbo lang ako ng takbo at sinusundan lang din ako ni Zach. "Uiyy may something hahaha" pang aasar ni Lexy. Napahinto ako at tinignan ng masama si Lexy, at diko na malayan na naabutan na pala ako ni Zach. Malaki kasi bahay nila lalo na yung sala kaya nakaka takbo kame. "Huli, humanda ka" saad ni Zach akmang papaluin nyako pero tinulak siya ni Lexy saken kaya napayakap sya saken. Loko tong si Lexy, "Lexyyyyyyyyy!" Sigaw ko "Hahaha, Yan tago moko. Patay ako kay Arah neto" natatawang sabi ni Lexy na nagtatago sa likod ni Yan-yan. "Zach? Pwedeng umalis kana sa pagkakayakap saken? Kase may papatayin lang ako saglet" sabi ko. "Ah, eh. Sorry sige lang" Saad ni Zach at inalis na ang pagkakayakap saken. "Humanda ka saken Lexy!" saad ko sabay takbo papunta sakanya. Hinila ni Lexy si Zach papunta kay Yan-yan at silang dalawa yung ginawa nyang panangga. "Huhuhu, sorry Arah hehehe" sabi ni Lexy na nagtatago pa din sa likod nila Zach. "Yan, Zach. Help me. Papatayin ako nyang sadista na yan" sabi ni Lexy. Papaluin ko na sana si Lexy ng pinigilan ako ng dalawa. Hayss. "Alis kayo dyan, gaganti ako dyan" sabi ko. "Okay na, tama na hahaha" natatawang sabi ni Yan-yan. Umupo ako ulit ng naka pout. "Pinagtutulungan nyoko, bad kayo" saad ko habang naka pout. "Oh yan, tapos na pala yung movie di man natin na panood. Nag enjoy tayo sa pillow fight" natatawang sabi ni Zach. "Hahaha, si Arah kase" sabi naman ni Lexy. "Ako na naman, ako na ngang walang kakampi dito eh" Saad ko. "Kakampi moko hahaha" sabi ni Zach. Naka upo kami ngayon sa sofa at hinihintay na maluto yung pagkain namin dahil hindi pa kami kumakain. Tinitignan ko ng masama si Lexy ng dumako yung mata ko sa paa niya na may maliliit na sugat, dumudugo pa yung isa na may kalakihan, nakalimutan naming gamutin hindi niya ata nararamdaman. Hayys "Zach may panggamot ba kayo ng sugat?" Tanong ko. "Oo, bakit?" Sagot niya. "Gagamutin ko lang yung mga sugat sa paa ni Lexy" saad ko. Tumingin naman siya sa paa ni Lexy. "Wait kunin ko" saad niya. Tumayo naman siya at naglakad paalis. Mga ilang minuto lang ay dumating na siya na may dalang box. Umupo siya sa tabi ko at binigay yon. "Salamat" saad ko at naglakad palapit kay Lexy. Tumingin naman siya sakin. "Higa" utos ko. Kumunot naman ang noo. "Bakit?" Tanong niya.  "Gagamutin ko mga sugat mo, pasalamat ka mabait ako" sagot ko. Tinignan naman niya yung paa niya. "May dugo" saad niya. "Oo dugo yan Lexy anong gusto mo laway?" Sarkastikong saad ni Yan-yan. Tumingin naman ng masama si Lexy kay Yan-yan. Humiga naman siya, lumapit ako sa paa niya at nagsimula ng gamutin yung sugat niya. Pagkatapos kong gamutin ay kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay natulog kami sa guess room nina Zach. Kasama lang namin ay mga kasambahay nila dahil nasa trabaho daw yung papa niya, yung mama naman niya ay busy sa school kaya hindi daw umuwe. # _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD