Sarah Lopez PoV
Pag ka hatid samin ni Zach ay dumiretso ako sa upuan at umupo. Si Lexy naman, dumiretso sa kwarto para siguro maligo.
"Guys, ligo lang ako." Paalam ni Lexy.
"Sige" saad ni Yan-yan, habang ako nag thumbs up lang sakanya bilang tugon.
"Nakakapagod" saad ni Yan-yan pagka upo sa tabi ko.
"Oo nga, pero masaya." saad ko. Pareho lang kaming tahimik habang naka upo.
"Ligo muna ako" saad ni Yan-yan, na tinanguan ko lang, kakalabas lang kasi ni Lexy sa cr.
Tumayo na'ko at nag puntang kwarto. Kumuha na'ko ng damit at lumabas saka muling umupo sa sofa.
Ilang minuti lang ay lumabas na si Yanyan sa banyo kaya sumunod na ako.
"Ligo nako" paalam ko sakanila.
"Sige, magluluto na din ako" saad ni Yan-yan. Tumango naman ako bilang tugon.
Alexy Tan PoV
Nang nakapasok na si Arah sa banyo kagad namang nagluto si Yan-yan.
Minutes later, Yanyan finished cooking our food which is fried chicken. Tinulungan ko siyang mag ayos sa lamesa and waited for Arah.
An hour had passed before she finished taling her bath. Bakit ba ang tagal niya palaging naliligo? It's actually annoying lalo na ngayon. Sa sobrang tagal niya ay lumamig na ang pagkain namin.
Yanyan doesn't want eat without Arah. Sinabi kong mauuna na akong kumain but she shut me up.
"Natapos kapa, tss." naiinis na sabi ko. Pano ba naman kase gutom na'ko, tas lumamig na yung manok sa sobrang tagal niya maligo.
"Sorry." Paumanhin niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Bakit ba katagal mong maligo? Lumamig na yung pag kain kakahintay namin sayo." I said annoyingly.
"Dalawang beses kasi akong nag shashampoo at nag sasabon, sorry. Kain na tayo." saad niya.
If that's the case, hinihiling ko na makalbo siya.
Ng matapos kaming kumain, kagad kaming nagligpit ng pinagkainan namin dahil gusto na naming matulog. Inaantok nako. Si Arah yung naghugas ng plato, habang ako nag punas ng lamesa.
Ng matapos kami ay sabay sabay kaming pumunta sa kwarto at humiga sa kanya kanya naming higaan.
"Goodnight Lexy" saad ni Arah. "Goodnight Yan" dagdag niya pa.
"Walang good sa goodnight, Arah kung palagi mong gagawin 'yang katagalan mo sa pagligo." I said sarcastically bago nagtalukbong ng kumot.
"Goodnight" saad ni Yan-yan at wala ng nagsalita. Dahil na rin sa kapaguran ay naka tulog agad ako.
May himala maaga akong nagising pero kahit maaga akong nagising ay wala na sa higaan sina Yan-yan at Arah.
Maagang nagigising si Yan-yan para mag luto ng almusal at para makaligo siya agad. Habang si Arah naman para maligo alam niyo naman ang dahilan.
Bumangon na'ko kaagad dahil ayokong kulitin ulit ako ni Yan-yan sa pag gising. Syempre maghihintay na naman ako ng mga isang oras dahil nga matagal maligo si Arah, dalawang beses daw syang nag sasabon at nagshashampoo kaya matagal syang maligo, tss, akala mo naman may mag babago sa mukha niya.
Napag isipan kong tulungan nalang si Yanyan na magluto ng almusal namin.
5:04 palang ng umaga. Pumunta na akong kusina, para tulungan si Yan-yan na naabutan kong nag hihiwa ng sibuyas at kamatis.
"Good morning Yan, tulungan na kita" saad ko kay Yan-yan ng makalapit ako sakanya.
"Himala nagising ka ng maaga. Sige ikaw na mang basag ng itlog tsaka mo lagyan ng konting asin tapos ay haluin mo. Magluluto nalang ako ng scrambled egg na hinaluan ng sibuyas at kamatis, at pritong hotdog" saad niya habang patuloy pa din sa pag hiwa ng mga sibuyas at kamatis.
"Sige" saad ko sabay kuha ng mangkok, kutsara at itlog. Sinimulan ko ng basagin yung mga itlog at nilagyan ng konting asin. Iniisip ko na ulo ni Arah 'yung itlog.
Ng matapos ako ay binigay ko na ito kagad kay Yan-yan na kakatapos lang din mag hiwa.
"Yan, oh" saad ko sabay bigay sakanya nung itlog na nilagyan ko ng konting asin.
"Salamat Lexy" Saad niya.
"Nasan yung mga hotdog? Para mahiwa kona?" Tanong ko sakanya.
"Nasa ref, kuha ka nalang ng anim" saad ni Yan-yan habang niluluto na yung yung itlog na hinaluan niya ng sibuyas at kamatis
Nag punta nako sa ref at kumuha ng anim na hotdog. Pag kakuha ko ng hotdog sunod ko namang kinuha yung kutsilyo para mahiwa nato
"Oh, eto tapos na tong itlog" saad ni Yan-yan habang nilalagay na yung itlog sa lamesa. "Dipa ba tapos si Arah?" Tanong niya
"Hindi pa, parang di kana nasanay don" saad ko sabay bigay kay Yan-yan nung hotdog dahil kakatapos ko lang alisin yung plastic at nahiwa kona din.
"Oh, eto na yung hotdog" saad ko sabay bigay kay Yan-yan ng hotdog at sinimulan na nyang prinitohin yon.
Ng matapos kami at nahain nadin namin yung mga kanin, ulam at plato sa lamesa. Saktong tapos na ding maligo si Arah na ngayon ay naka bihis na din kagaya namin.
"Woah, sarap niyan ah" saad ni Arah sabay upo.
"Arah? Wag mo namang pakatagal maligo, mabango ka naman kahit isang beses kalang mag sabon at mag shampoo ayaw mo naman sigurong makalbo noh?" saad ko at umupo. Sabi kasi ng lola ko nakakakalbo daw ang sobrang pag lagay ng shampoo sa buhok.
"Hehehe, 'di ako sanay e" saad niya at naglagay na ng kanin sa plato at ulam.
"'Di sanay? Okay then, masanay ka nang maglagas 'yang buhok mo at makita ang sarili mong makalbo." I rolled my eyes. "Tatawanan kita kapag nangyari 'yon." I added.
"Kain na tayo" saad niya, hindi pinansin ang sinabi ko.
Ng matapos kaming kumain, si Arah na yung naghugas ng plato at nag punas ng lamesa dahil kami na ni Yan-yan yung nagluto at naghain kanina. It should be fair and square.
Ng matapos na ni Arah yung ginagawa niya, umalis na kami at naglakad na papuntang classroom. As usual pinagtitinginan kami ng mga estudyante, nabalitaan na rin nila yung nangyari nung isang araw yung dalawang lalaking nag bebentahan ng drugs.
May nararamdaman akong naka masid samin habang naglalakad kami, pero 'diko pinapahalata. Sino na naman ba to? 'Diko alam kung nararamdaman 'to nila Arah at Yanyan.
Ng makarating kami sa room wala pa ang teacher namin kaya dumiretso na kami sa upuan namin.
Ilang minuto lang dumating na ang teacher namin at nag start na ng lesson. Science ang first subject namin.
Ng matapos ang first subject namin ay nagpa alala muna siya bago lumabas ng classroom.
"Class magsimula na kayong mag review dahil next week na ang exam" pagpapa alala niya at lumabas na ng classroom. Sunod naming subject ay english.
Dumating na ang next teacher namin at nagsimula ng mag turo. Maayos mag turo ang mga teacher sa school namin kaya naiintindihan namin. Ilang minuto lang tumunog na yung bell. Means recess na.
"Good day class" saad ni Ma'am.
"Good day Ma'am." saad naman namin at nag silabasan na.
Sabay sabay kaming pumunta nila little A sa cafeteria. Napansin naman ni Arah si Zach na naglalakad din papuntang cafeteria kaya tinawag niya ito.
"Zach!" Pag tawag ni Arah kay Zach. Nakita ko naman na tumingin sa dako namin si Zach at naglakad palapit samin.
Napansin kong nagtataka si little A kung sino ang tinatawag ni Arah.
"Oh, kayo pala detectives." saad ni Zach sabay tawa. Seriously? Anong nakakatawa don.
"Tara, sabay kana samin" pag aya sakanya ni Arah.
"Wait lang papakilala ka muna namin kay little A." saad ko "Zach eto nga pala si Angel. Angel siya naman si Zach" pagpapakilala ko.
"Zach you can call her little A if you want" saad ni Arah.
"Okay, Nice to meet you little A" saad ni Zach.
"Nice to meet you too" saad naman ni little A at nakita ko pang bahagyang namula ang pisngi niya kaya napanguso ako.
When Tantan and I broke up, pakiramdam ko ay naging bitter ako. I mean naiirita ako sa mga couple na naghaharutan sa hallway ng school.
It hurts pa rin. I always ask myself kung ano ang pagkukulang ako. Am I not worth it? May mali ba sakin? Those sleepless nights are painful.
"Punta na tayong cafeteria" saad niya at nag simula na ulit kaming maglakad. Nakalapit ako kay Zach, hindi ko alam pero magaan ang loob ko sakanya.
Ng makarating kami sa cafeteria, si Zach at Arah nalang daw yung mag oorder at maghanap na daw kami ng mauupuan namin. Sinabi nadin namin yung gusto naming pagkain kaya umalis na silang dalawa para umorder.
"He's very nice" saad ni Yan-yan. She's referring to Zach. Yes he's nice.
"Oo, tama ka" saad ko. Mga ilang minuto lang ay dumating na sina Zach at Arah dala ang mga pagkain namin. Inilapag nila ang mga yon sa lamesa, umupo si Zach sa tabi ko.
"Kain na tayo" saad ni Zach. At nagsimula na kaming kumain.
"Detectives, can i get your number?" tanong samin ni Zach habang kumakain.
"Yeah" sagot ko habang puno ang bibig ko.
"Sige" saad ni Yan-yan "Lexy wag ka ngang mag salita kung puno yung bibig mo" pag saway ni Yan-yan sakin. Ayan nanaman siya geezz para siyang ate namin ni Arah... or mama, pfft, pinapagalitan niya kami pag may ginawa kaming kalokohan.
"Oo naman, pero wag mong ipamimigay kahit kanino. Oh eto, nandyan din cellphone number nina Lexy at Yan-yan, hanapin mo nalang" saad ni Arah sabay bigay kay Zach ng kanyang cellphone. Tinanggap naman ni Zach yon at kinopya ang mga cellphone number namin.
"Thanks, nalagay ko na din dyan number ko kopyahin niyo na lang Rhian and Alexy, kung sakaling kailangan niyo ng tulong ko" saad ni Zach sabay balik ng phone ni Arah.
*Ringggg* tunog ng bell. Means tapos na yung recess
"Tara na guys" saad ko, nagsitayuan na kami at naglakad palabas ng cafeteria.
"Bye detectives" saad ni Zach
"Bye Zach" paalam ko sabay kaway at ngumiti.
"Bye Zach" saad nila Arah at naglakad na paalis si Zach.
Ng makarating kami sa room ay kasunod lang pala namin yung teacher namin kaya nagmadali na kaming pumasok at umupo. Terror teacher pa naman to.
Araling Panlipunan o History ang subject namin ngayon. Yeah the bored subject.
Ayaw na ayaw ko sa APan dahil nakaka antok ito.
Nagsimula ng mag turo si Sir. Kaya pinipilit kong makinig kahit bored na bored nako.
Napapansin ko ding bored sila Arah, dahil salo niya yung baba niya.
Ilang sandali pa, natapos din ang time ng APan namin. Sumunod naman yung Math, our last subject this day.
Naglesson kami sandali at katapos non pinag quiz kame. Madali lang naman 'yon kaya kagad kaming natapos at kagad naka uwi.
"Ok class, dismiss. Good day." saad ni ma'am.
"Good day ma'am" saad namin at sabay sabay kami nila Arah na lumabas. Habang naglalakad kami papuntang dorm, nararamdaman ko na naman yung mga naka masid samin. Mag kamukha kami ni Arah na madaling makaramdam. Ng makarating na kami sa dorm namin kagad kaming pumasok. Dumiretso si Yan-yan sa kwarto at paglabas niya may dala siyang damit.
"Ligo lang ako" saad niya at pumasok na sa banyo.
"Sige" saad ni Arah.
Ako naman umupo muna sa sofa, ako nalang yung huling maliligo.
Ng matapos maligo si Yan-yan sunod namang naligo si Arah. Si Yan-yan naman nagpunta ng kusina para magluto ng ulam namin.
Habang naghihintay ako kay Arah. May naririnig akong nag uusap sa may pinto.
"Sino yan?" Saad ko habang papalapit sa pinto.
Naramdaman kong nagsitakbo sila at para bang nagmamadali.
Pag bukas ko ng pinto wala na sila, sasara ko na sana ang pinto pero may napansin ako sa tabi ng pinto, may kwintas don kaya kinuha ko. Luminga ako sa paligid at may nakita akong tumatakbo, honestly hindi ko alam kung lalaki ba siya or babae dahil naka hoodie siya.
Sinundan ko siya hanggang sa makarating na kami sa likuran ng dorm, mapuno dito at malapit dito yung parte sa school na tinatawag nilang "dark part" mapuno doon at mapanganib daw kaya pinagbabawalan kaming pumunta don.
Nawala yung sinusundan ko kaya bumalik na ko sa dorm. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad saakin si Yan-yan at Arah na nag hahanda na ng pag kain.
"Oh? Ayan na pala si Lexy, saan ka ba nanggaling Lexy?" Tanong ni Arah habang nag lalakad papalapit saakin. Pagkalapit nilang dalawa ay pinakita ko sakanila ang kwintas na napulot ko.
Ngayon ko lang ito nakita sa maliwanag, yung desenyo niya ay isang ibong Agila, silver yung kwintas at mukhang mamahalin.
"Kanino naman yan?" Tanong saakin ni Yan-yan.
"Ewan nga eh, napulot ko lang to dyan sa tapat ng pinto, may narinig kasi akong kaluskos kaya binuksan ko yung pinto, pagkabukas ko nakita ko yan" Paliwanag ko sakanila.
"Wala ka bang nakitang tao sa labas na maaaring naka iwan dyan?" Tanong ni Arah.
"Yun na nga, may nakita ako kaso hindi ako sigurado kung kanya nga yan" Sagot ko naman.
Parang may ginawa tuloy akong krimen tapos iniimbestigahan ako ng mga reporter. Oo mukha silang reporter, mic at camera nalang ang kulang, tss.
"Babae ba o lalaki?" Tanong ni Arah, "May nakita kasi akong tao sa likod ng dorm kanina nung hinahanap kita."
"Hindi ko alam eh, naka hoodie kasi siya kaya hindi ko naaninag" Sagot ko sakanya.
"Ah, hindi yun iyong nakita ko. Babae kasi yung nakita ko, kasing haba lang ng buhok mo Lexy yung buhok niya, tapos palinga linga siya na para bang may hinahanap siya." Sabi ni Arah, "Naka yellow na t-shirt siya tsaka short na hanggang tuhod." Dagdag pa niya.
'Ish, ibang klase' Kilala ko na yung babaeng nakita niya at mukhang kilala rin ni Yan-yan.
Tumingin saakin si Yan at nagtanguan kami, binatukan ni Yan-yan si Arah tapos nun ay ako naman ang bumatok.
"Aww, ang sadista niyong dalawa ah? Bakit ba?" Tanong niya pa saamin habang nakatingin ng masama, tss.
"Kilala ko na kung sinong tinutukoy mo" Sabi ni Yan-yan.
"Hala? Paano mong nalaman? Andoon ka rin ba nun?" Tanong ni Arah.
"Wala sya doon Arah, kahit ako kilala ko kung sino 'yang tinutukoy mo" Ako na ang sumagot, nag tatakang tumingin naman samin si Arah.
"Sino?" Tanong nya ulit. "Sagot na kasi."
"Si Lexy!"
"Ako! Boba!"
Sarah Lopez PoV
"Ha? Paanong nangyaring ikaw yun?" Baling ko kay Lexy, tiningnan naman nya 'ko ng masama habang si Yan-yan naman ay umismid lang "Sagutin niyo na kasi."
"Naka yellow na t-shirt--check, Naka short na hanggang tuhod--check" sabi ni Yan-yan at napatingin naman ako kay Lexy dahil nag salita ito bigla.
"Kasing haba ng buhok ko--check, palinga-linga--check, kasi nga diba? May hinahanap ako?" Paliwanag rin ni Lexy. at ngayun ko palang na realize na siya nga yun hehe kakahiya.
'Talagang nakakahiya ka Arah huhu'
"Oo nga noh? Pasensya na kayo guys hehe" sabi ko nalang.
"Tara na nga kumain na tayo" Anyaya na ni Yan-yan, "Gutom lang yan Arah"
"Ayy, tara na nga gutom na rin naman ako" Sagot ko nalang.
Tumayo na kami at nag umpisa ng kumain, nag dasal muna kami pagkatapos ay nag sikain na kami, mabilisan lang kaming kumain, nag prisinta na akong mag hugas ng platong pinag kainan, si Lexy naman ay nag punas ng lamesa habang si Yan-yan ay mag hihilamos na muna raw.
Pumayag naman kami ni Lexy na mag hilamos na si Yan-yan dahil sya naman ang nag luto. Habang nag huhugas ng plato ay nag kakanta kanta ako.
"Arah, ang ganda naman ng boses mo." Sarkastikong sabi ni Lexy na tapos na yatang mag punas ng lamesa. Tinignan ko siya ng masama. Halata namang insulto 'yon eh.
"Wahaha 'wag kang mag alala may kaboses ka naman."
"Sino naman?" Naka pout na tanong ko.
"Ay palaka!" Napa tingin kami sa nag salita at doon ko nakita si Yan-yan na pinupulot ang nalaglag na tuwalya niya. Tumawa naman ng malakas si Lexy habang ako ay napasimangot lang.
"Anong pinag uusapan niyo?" Tanong saamin ni Yan-yan, napaka harsh nila saakin ah? Pinag tutulungan nila ako *pout*.
"Wahaha--kumakanta-wahahahahahahaha" Sabi ni Lexy habang tumatawa ako naman at naka pout parin dito.
"Ayy, ang galing may naintindihan ako ah?" Sarkastikong sabi ni Yan-yan, sabay batok kay Lexy. "Ikaw na nga mag kwento Arah."
"Eh kasi nag kakanta ako tapos sabi niya maganda daw yung boses ko tsaka may kapareha daw ako ng boses, tinanong ko kung sino tapos bigla ka nalang sumigaw ng 'ay palaka!" Sabi ko sabay simangot ulit ng tumawa si Yan-yan.
'Ay ang sama talaga huhu'
"Totoo naman ah?" Sabi ni Yan-yan, "Ikaw pala yung naririnig kong kumakanta hahaha"
"Ang sama niyo saakin ah?" *pout*
"Joke lang uy" sabi ni Lexy na tumatawa tawa pa rin. "Dipa ba kayo matutulog *ehem*?"
"Bakit inaantok na ba kayo?" Tanong ko naman.
"Oo, napuyat ako kagabi eh" sagot ni Rhian.
"Tara na nga, mag si tulog na tayo" saad ni Lexy.
"Good night" sabay na sabi namin ni Lexy.
"Night" sabi naman ni Yan-yan.
Dumiretso na ako sa higaan, nag dasal muna ako. Pag katapos ay dinatnan na rin ako ng antok.
'Good night'
#