Sarah Lopez PoV
Habang kumakain kami ay may naisipan akong gawin pagkatapos.
"Mag mall kaya tayo mamaya? Tutal wala namang pasok?" Pag aaya ko sakanila.
"Sige, nakaka inip kasi dito eh," pag sangayon ni Yan. "sama ka Zach?"
"Sige, wala rin naman akong gagawin." Sagot ni Zach.
"Sama kaya natin si CR?" Suhestyon ni Lexy, oo nga noh? Miss ko na siya eh.
"Sige masaya yan, mas marami mas masaya." Saad ko. "Eh si little A ba?"
"Wait text ko" sagot ni Yan, na tinanguan ko lang saka na'ko nag patuloy sa pag kain.
"'Di daw sya makakasama, gumagawa daw siya ng project." Sagot ni Yan.
Pag ka tapos naming kumain ay lumabas na kami, habang nag lalakad ay bigla akong kinalbit ni Lexy. "Pwedeng samahan mo muna ako doon sa comfort room Arah? Naiihi na kasi ako"
"Sige, Yan hintayin niyo kami sa may upuan, samahan ko lang si Lexy" saad ko na tinanguan lang nina Yan at Zach.
Rhian Dela Cruz PoV
"Zach, marami ka na bang nagawang gadgets?" Tanong ko sakanya.
"Yup, minsan tinutulungan din ako nung kuya ko, kaso ngayon ako lang mag isa dahil nasa labas siya." Sagot naman niya. "Naka gawa na ako ng mga gamit na pang self defense kaso nga lang naiwan ko dun sa labas."
Nagulat ako ng may biglang humawak ng mahigpit sa braso ko mula sa likod, napatingin ako sa likod at doon ko nakita si Mich na masama ang tingin saakin.
'Ano nanaman kayang ginawa ko sakanya?'
"Natuto ka na rin palang lumandi ngayon, Nerdy Rhian?"
"Hanggang dito ba naman Mich? Pwede bang tigilan mo na'ko?" Biglang sabi ni Zach. Hala? Magka kilala sila?
"Bakit? Dahil dito sa Rhian na'to? Siya na ba pinalit mo saakin?" Tanong ni Mich sakanya, ano? Maka hablot ano ba sila? May past siguro sila?
'Tss. Issue nanaman'
"Teka nga?" Sabi ko sabay hatak ng braso ko sa pagkakahawak ni Mich. "Kung meron man kayong nakaraan, 'wag niyo akong idamay, at kung pwede ba Mich? 'Wag ka ngang malisyosa, napag hahalataan kang desperada eh."
Tiningnan ako ng masama ni Mich, "b***h" she mouthed bago tumalikod at tumakbo.
"Okay ka lang ba?" Tanong saakin ni Zach "sorry doon kay Mich, mag kakilala pala kayo?"
"Okay lang, oo mag ka kilala kami ni Mich, hindi ngalang kami mag kasundo. Mag ka ano ano ba kayo nun?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ex girlfriend ko siya, she's my first girlfriend mahal ko siya kahit may ugali siyang medyo selosa, kaso naging rebound lang ako eh. Mahal pa pala niya yung manlolokong ex niya, pinakawalan ko siya dahil mahal ko siya. Pinakawalan ko siya dahil doon siya masaya." Malungkot na sabi niya. "Tapos napag alaman niyang niloloko lang pala siya nung taong gusto niya, binabalikan niya 'ko pero ayaw ko na dahil sawang sawa na 'ko. Sawa na'ko na maging rebound, sawa na'kong mahalin siya, sawang sawa na'ko sakanya."
"Anong nangyari sa inyo? Ba't mukha kayong pinag sukluban ng langit at lupa?" biglang sulpot ni Arah.
"Mamaya ko nalang ikukwento, mag pahinga na kayo, kita kita nalang tayo mamayang 2:30 pm para sa mall, okay?" Sabi ni Zach.
"Sige call ko na rin mamaya si Raven para makasama, ipapakilala ka na rin namin sakanya Zach" sagot naman ni Arah.
Naglakad na si Zach paalis at ganun rin kami.
------
Nandito kami ngayon nina Lexy at Arah sa sala ng dorm. Nanonood kami ng tv, 2:30 pm palang naman kami aalis at 1:00 pm palang.
"Arah natawagan mo naba si Raven?" Tanong ko.
"Oo, sasama daw siya" sagot niya.
"Ahh sige" saad ko.
"Arah mauna kanang maligo ikaw pa naman ang pinaka matagal maligo sa ating tatlo" saad ni Lexy.
"Opo" sagot niya at pumunta na sa kwarto para siguro kumuha ng damit.
Mga 30 minutes bago natapos maligo si Arah.
'Bagal talaga' bulong ni Lexy at pumasok na sa loob ng cr. Hindi siguro narinig ni Arah yung bulong niya.
Nanuod nalang ulit ako ng tv, umupo naman si Arah sa tabi ko habang pinapatuyo niya yung buhok niya.
"Yan-yan napano pala kayo ni Zach kanina?" Biglang tanong ni Arah
"Ahh kanina kase habang wala kayo dumaan si Mich. Ex girlfriend pala siya ni Zach" saad ko.
"Buti nag break sila" saad niya.
"Nakipag break daw si Mich sakanya dahil mahal pa rin daw ni Mich yung ex niya kaya binalikan ni Mich yung ex niya. Tsaka sawa na din daw si Zach na maging rebound niya. Tapos ngayon bumabalik si Mich sakanya dahil napag alaman ni Mich na niloloko lang siya nung ex niya" saad ko.
"Landi talaga ahh tsaka talagang may pumatol kay Mich geezz" saad niya habang nakangiwi.
Mga ilang minuto lang ay dumating na si Lexy kaya kumuha na'ko ng damit sa kwarto at pumasok na'ko ng banyo.
Pagkatapos kong maligo ay naglagay lang ako ng konting lipstick sa labi ko. Sabi kasi nina Lexy at Arah ay dapat daw naglalagay ako ng lipstick kahit konti lang.
Pagka tapos kong mag ayos ay pumunta na'ko sa sala. Tapos ng mag ayos sina Lexy at Arah naka make up din sila pero light lang.
Bigla nalang may kumatok sa dorm namin, kaya napa tingin kaming tatlo sa pinto.
"Ako na mag bubukas." saad ni Lexy at naglakad na papunta sa pinto para buksan 'yon. Pumasok sina Zach at Raven sa loob ng dorm namin. Lumapit naman kami sakanila.
"Ven!" sigaw ni Arah sabay yakap kay Raven.
"I miss you" saad ni Arah.
"I miss you too" saad ni Raven.
"Ilang araw palang naman kayong hindi nag kita miss agad" saad ni Lexy. Umalis naman sa pagkaka yakap si Raven kay Arah.
"Inggit ka lang" saad ni Raven.
"Bakit naman ako maiinggit aber?" maarting saad ni Lexy saka nag ikot ng mata.
"Dahil wala kang bestfriend na lalaki" sagot naman ni Raven. Natigilan naman si Lexy sa sinabi ni Raven.
Kumunot ang noo ko ng bigla nalang naging malungkot yung mga mata niya at hindi nalang kumibo, napano siya?
"Raven eto nga pala si Zach Martin" pagpapakilala ko. "Zach siya naman si Charles Raven Torres"
"Nice to meet you" Saad ni Raven.
"Nice to meet you too" saad ni Zach at nagkamayan sila.
"Alis na tayo" saad ni Zach. At nauna nang lumabas si Lexy samin, sumunod naman kami sakanya.
Naka dating na kami sa parking lot ng school kung saan naroon ang kotse ni Lexy. May kotse din si Zach dahil 18 years old na rin siya.
Mag isa lang si Zach sa kotse niya dahil gusto naming sa kotse ni Lexy sumakay. Bubuksan na sana ni Lexy yung pinto ng drivers seat ng mag salita si Raven.
"Ako na mag da-drive" saad ni Charles kay Lexy pero hindi siya kumibo. Binigay niya yung susi ng kotse niya kay Raven.
"Arah, Yan-yan sa kotse nalang ni Zach ako sasakay" saad niya at lumapit na sa kotse ni Zach at pumasok sa loob. Tumingin naman samin si Raven.
"Napano yun?" Tanong niya.
"Don't know" sagot ni Arah at nagkibit balikat.
Pumasok na sa loob ng kotse ni Lexy, tumingin naman sakin si Charles pero hindi ako sumagot at pumasok na rin sa kotse. Hindi ko rin naman alam kung napano si Lexy.
Pumasok na rin si Charles sa loob ng kotse at pinaandar 'yon. Naka sunod naman sa amin sina Lexy at Zach.
Mag mula ng dumating kami sa mall ay hindi kina kausap ni Lexy si Charles kami lang ang kina kausap niya at palagi siyang naka lapit kay Zach.
Nasa fast food restaurant kami ngayon, nag aya kasi sila na kumain muna dahil ilang oras din kaming palibot libot sa mall. Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Zach.
"Pagkatapos nating kumain sa game station naman tayo" excited na saad niya.
"Sige" pag sang ayon namin. Hindi naman sumagot si Lexy na naka upo sa tabi ni Zach, tumingin si Zach sakanya.
"Ayaw mo ba Lexy?" Tanong niya.
"Baka hindi siya marunong maglaro" pang iinis ni Charles. Hindi siya pinansin ni Lexy.
"Sasama ako" sagot ni Lexy kay Zach, hindi pinansin ang sinabi ni Charles.
Pagkatapos naming kumain ay nag pahinga lang kami sandali at nag aya na silang pumunta sa game station. Naglalaro kami nina Arah at Zach sa basketball. Si Charles naman ay kaka usapin daw si Lexy.
Charles Raven Torres PoV
Hayys kanina kopa napapansin na iniiwasan ako ni Lexy, wala naman akong maisip na dahilan. Kaka usapin ko siya ngayon. Naglalakad ako ngayon palapit sakanya nang makalapit ako ay tinignan niya lang ako sandali at inalis na yung tingin niya sakin.
"Lexy galit ka ba sakin?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya. Naghintay ako na sumagot siya pero hindi man lang siya nag salita.
"Lexy naman kausapin mo naman ako" saad ko pero hindi pa rin siya nag salita. Ayaw niya talagang magsalita paano ko kaya malalaman yung dahilan kung ayaw naman niya akong kausapin. Ahh alam ko na.
"Alex" pagtawag ko naramdaman ko naman na natigilan siya pero hindi siya kumibo.
"Alex, galit ka ba sakin?" Tanong ko. Tumingin naman siya sakin na may naiinis na mukha.
"Stop calling me Alex!" sigaw niya.
"Bakit ba ayaw mo kong kausapin?" Tanong ko.
"Kasi galit ako sayo!" sagot niya. What? Galit siya sakin? Wala naman akong ginawang masama ahh bakit siya magagalit.
"Bakit ka naman magagalit sakin?! Wala nga akong alam na ginawa kong masama ahh" naiinis na saad ko. Iniinis talaga ako ng babaeng 'to. Pagkasabi ko non ay bigla nalang siya tumawa, baliw ata 'to.
"Anong tinatawa tawa mo diyan?" naiinis na tanong ko.
"HaHAHA ehh kasi hindi naman ako totoong galit sayo ehh HAHAHA" sagot niya habang tumatawa. What? Hindi ko maintindihan.
"What? I don't understand you Lexy" saad ko.
"Pina prank lang kita, hindi naman ako galit sayo duhh." saad niya sabay tawa ulit "One point for Lexy" dagdag niya pa sabay tayo at naglakad habang tumatawa papunta kina Arah at Rhian.
Kainis na isahan niya 'ko. Nakit kasi ang bait ko tapos gwapo pa. Ang hirap talagang maging mabait at gwapo. Sisiguraduhin kong hindi na madadagdagan pa ang points mo.
Zach Martin PoV
Napagdesisyonan naming umuwi na pagkatapos naming mag laro. Sobrang nag enjoy ako kasama sila, magaan ang loob ko sakanila tsaka mabait sila. Naglalakad kami ngayon papunta sa dorm nina Alexy, Rhian at Sarah.
Umuwi na si Raven dahil gabi na. Hinahatid ko nalang silang tatlo. Nang maka dating kami sa harap ng dorm nila ay nag pasalamat sila.
"Salamat sa paghatid" masaya nilang saad.
"Sige, next time ulit. Mauna na'ko" saad ko at naglakad na paalis.
"Ba-bye" saad nila tatlo at pumasok na sila sa loob ng dorm nila. Kanina ko pa napapansin na parang may nag mamanman samin. Magmula ng pumunta kami sa mall hanggang sa paghatid ko sakanila. Hindi naman sila marami pero hindi lang isa ang nararamdaman kong nagmamanman. Hindi ko alam kung nararamdaman din nina Alexy, Rhian at Sarah yon. Nararamdaman ko pa rin sila hanggang ngayon.
"Kung sino man kayo lumabas na kayo" saad ko at bigla nalang lumabas ang tatlong lalaki naka suot sila ng all black at naka face mask sila. Naglakad sila palapit sakin.
"Bakit niyo kami sinusundan?" Tanong ko, sana sumagot sila.
"Actually hindi ka kasama sa mga minamanmanan namin, ang tatlong babae lang ang minamanmanan namin at wag kang mag alala wala kaming gagawing masama sakanila ngayon, baka kapag sinenyasan na kami ni boss na umatake." saad nung naka gitna sakanila.
"Bakit niyo sila minamanmanan? Anong kailangan niyo sakanila?" Tanong ko.
"Wala ka na don. Pero paalala lang huwag kang makikialam, kung ayaw mong madamay" saad nung nasa kaliwa. Saktan niyoko kung gusto niyo, pero 'diko hahayaang masaktan yung mga bagong kaibigan ko.
"Kung masasaktan niyoko" saad ko sabay ngisi.
"Wag kang masyadong matapang, lahat tayo may kahinaan. May araw ka din samin. Hindi ka namin pwedeng saktan ngayon, dahil 'dika kasama sa inutos samin. Isa ka lang malaking sagabal pasalamat ka wala kaming dalang baril ngayon, kundi isa kanang malamig na bangkay ngayon" saad nung nasa gitna. Tss, duwag pala sila. Lalakas lang kapag may dalang baril.
"Do what you want, i dont care. Pero sinasabi kona sainyo, wag na wag niyo silang sasaktan kung hindi makaka laban niyo ako" saad ko.
"Bilang na ang mga araw ng mga kabigan mo Zach, pero sige idadamay kana namin pati si Raven, malapit na kaming magsimula" saad nung nasa kanan at umalis na sila. s**t sino ba sila? Sino ang sinasabi nilang boss? Sasabihin ko nalang kina Rhian, Alexy at Sarah bukas.
Naglakad nalang ulit ako papunta sa dorm ko. Mag isa lang ako sa dorm ko dahil nagrequest ako kay mommy na principal ng school na ito na ako lang mag isa sa dorm para walang istorbo kapag gumagawa ako ng mga gadgets. Pumasok na'ko sa dorm ko. Nagpalit lang ako ng damit at humiga na sa kama, dala na rin siguro ng kapa guran ay naka tulog nako.
#