Sarah Lopez PoV
Naglalakad na kami papauntang cafeteria. Kami nina little A lang at Lexy dahil ayaw sumama ni Yan-yan masama daw pakiramdam, pero pwede ring dahil sa nakuha niyang grade kanina siguradong mahalaga sakanya ang makakuha ng mataas na marka.
Nang makarating kami sa cafeteria ay naghanap agad kami ng bakanteng upuan. Nang makakita kami ay umupo akong mag isa dahil mag oorder muna sina little A at Lexy.
"Arah anong gusto mong kainin?" Tanong ni Lexy
"Burger, fries tsaka pineapple juice nalang" saad ko. Inabot kona yung pera at umalis na sila.
Mga ilang minuto pa ay dumating na sila dala dala ang mga pagkain namin, inilapag nila ang mga ito sa lamesa. Umupo na silang dalawa at nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sandali. Pupuntahan namin si Yan-yan sa dorm para kamustahin kung okay na siya. Since pwede na rin namang hindi pumasok sa mga next subjects.
Naglakad na kami palabas ng cafeteria para pumunta sa dorm namin.
"Little A sasama ka sa dorm namin?" Tanong ko
"Ahm hindi ehh pupunta kasi ako sa library, next time nalang siguro ako pupunta sa dorm niyo. Sige mauna nako" saad niya
"Sige babye" saad ni Lexy sabay kaway
"Bye" saad ko at naglakad na ulit kami.
Nang maka rating kami sa dorm ay wala sa sala si Yan-yan.
"Baka nasa kwarto siya or kusina" saad ko
Tinignan namin siya sa kwarto pero wala siya, aishhh dapat nagpapahinga siya. Tinignan naman namin siya sa kusina at wala din siya don pero may naka dikit na note sa pinto ng ref.
Lexy, Arah kung hinahanap niyo ko nasa likod ako ng school doon sa maraming puno.
-Yan-yan
"Pupuntahan ba natin siya?" Tanong ni Lexy
"Sige" sagot ko Lumabas na kami ng dorm at naglakad papunta sa likod ng school.
Nang makarating kami ay naabutan namin si Yan-yan na nakaupo sa ilalim ng malaking puno at nagbabasa ng libro.
"Yan-yan!" Sigaw ko. Mukhang narinig naman niya yung sigaw ko kaya tumingin siya sa pinanggalingan ng boses, nakita naman niya kami at kumaway siya.
Naglakad kami palapit sakanya, umupo ako sa tabi niya samantalang si Lexy naman ay umakyat.
"Anong ginagawa mo Yan-yan kala kobang masama pakiramdam mo?" Tanong ko
"Wala kasi akong magawa sa dorm kaya pumunta ako dito" sagot niya
"uminom ka naba ng gamot?" tanong ko
"Oo" sagot niya
"Ahh okay sige maiwan muna kita diyan, aakyat lang din ako sa puno" saad ko
"Sige" saad niya at mahina siyang natawa 'mga lahing unggoy talaga' bulong niya
"Hoy Yan-yan narinig ko yon" saad ko habang paakyat sa puno. 'Ginawa pakong unggoy pwede namang si Lexy nalang' bulong ko
"Hoy Arah narinig ko yon!" Sigaw ni Lexy. Natawa naman ako ng mahina
"Hayss buti pa kayo may lahi na nga kayong unggoy malakas pa pandinig niyo" saad ni Yan-yan at tumawa ng malakas
"Shut up" sabay naming saad ni Lexy.
"Okay hahaha, makabasa nalang nga" saad ni Yan-yan
Nang maka akyat ako ay naabutan ko si Lexy na naka upo sa sanga ng puno
"Uyy Lexy akyat tayo sa pinaka taas ng puno" masaya kong anyaya
"Sige" excited na sagot niya at nagsimula na kaming umakyat pataas.
Naka rating kami sa pinaka tuktok ng puno
"Wow ganda ng view" saad ni Lexy
"Yah" saad ko. Mula dito makikita mo yung gate ng school at yung school ground. Inilibot ko ang paningin ko hanggang mapatingala ako sa rooftop ng school. May dalawang lalaki don na parang nag uusap at may hawak na box yung isa. Ano kaya laman nun?. Hayyss Arah tandaan mo curiosity kills
"Lexy bababa nako" saad ko
"Sige" saad niya at bumaba nako.
Nang makababa ako sa puno ay nagpaalam muna ako kay Yan-yan pero syempre hindi ko sasabihin na pupunta ako sa rooftop
"Yan-yan iihi lang ako sandali" saad ko at tumango naman siya.
Tumakbo ako sa may hagdanan papuntang rooftop. Nang makarating ako sa may pinto ay dahan dahan ko yong binuksan. Lumapit ako ng konti sakanila at nagtago sa pader para marinig ko ang pinag uusapan nila. Pero pagkalapit ko ay bigla nalang silang natumba, s**t napano sila?
Yung nakita ko kaninang dalawang lalaki na nakatayo, ngayon nakahiga na. Sa pag kaka alam ko dalawa lang sila kanina nung nakita ko bat ngayon naging tatlo. Pero yung isa nakatalikod sakin kaya siguro di nyako napapansin.
"Woahh, gumana. Ayos!" Saad nya
"Ahmm. Excuse me? Sino ka? At anong ginawa mo dito sa dalawa? Pinatay mo ba sila?" Tanong ko
"Easy, isa isa lang.. Im Zach Martin. Your Sarah Lee Lopez right?" saad nya
"Nice to meet you at tungkol sakanila. Pinatulog ko sila, kasi narinig ko silang naguusap tungkol sa drugs gamit tong bago kong imbensyon. Di ako pumapatay no" saad nya. Aba't talagang kilala pako.
"Oo ako si Sarah, Nice to meet you din. pano moko nakilala?" Tanong ko
"Sino ba namang hindi makakakilala sa sikat na mga detective dito sa campus?" Saad nya. Ehh? Ganon na ba talaga kami kasikat para makilala ng lahat?
"Anong laman nung box?" tanong ko sabay turo dun sa box
"I think drugs" saad nya. Lumapit naman ako don sa box at hinawakan to gamit yung panyo ko. Tinignan ko kung tama nga yung sinasabi netong si Zach. At di nga sya nag kamali drugs nga yung laman. Pero panong magkaka drugs dito? At panong nakalagpas yung mga drugs sa mga guard. Satingin ko ay nag aaral sila dito dahil sa suot nilang uniform
"Pano naman kaya nila napasok ang mga drugs dito sa campus?" Saad ko
"Hindi ko din alam. Pero sa ngayon tumawag ka muna ng pulis, habang di pa nauubos yung gamot na nilagay ko sakanila" saad nya. s**t. wrong timing wala pa naman akong dalang phone ngayon. Iniwan ko sa kwarto kase low bat.
"Wala akong dalang phone ngayon. Naiwan ko sa kwarto" Saad ko.
"Pano yan? Wala din akong dala" Saad nya
"Arah!" sigaw ni Lexy sa pangalan ko nakakadating lang. Nice timing Lexy. Makakatawag na kami ng pulis .
"Oh? Hayss, bat mo sinipa yung pinto? Pano kung nasira mo yan? Magbabayad pa tayo" inis na sabi ko. Pano ba naman kasee hayss. Papasok nalang sisipain pa yung pinto pwede namang buksan nalang
"Ano ba naman kaseng ginagawa mo dito? Tapos may kasama kapa. Kala moba hindi ko nakita na nakatingin ka sa rooftop kanina, alam kong curiosity mo lang yan" Saad nya
"Anong nangyare dito sa dalawa?" Tanong ni Yan-Yan. Nandito din pala si Yan-yan
"Pinatulog ko sila, narinig ko kasi yung usapan nila kanina e. At droga yung laman nung box nayan" Saad ni Zach.
"Kala ko bang iihi ka Arah? Bat ka napunta dito?" Tanong sakin ni Yan-yan
"Ahh eh. Ano kasi nakita ko tong dalawang to mula sa taas ng puno kaya pinuntahan ko" saad ko. Lumapit naman si Yan-yan dun sa box at hinawakan den gamit yung panyo na dala nya.
"Tama sya. Droga nga yung laman neto Lexy" saad nya.
"Sino ka?" Tanong ni Lexy kay Zach
"I'm Zach Martin. I'm a hacker at gumagawa din ako ng mga gadgets. Nice to meet you detectives" saad nya
"I'm Alexy Tan, nice to meet you too" pagpapakilala ni Lexy
"Ako naman si Rhian, nice to meet you" Saad naman ni Yan-yan
"Sya yung nakahuli dyan sa dalawa. Yan? Dala mo ba phone mo? Tawagin mo si Inspector Sammy para makulong na tong dalawa na to. Baka mawalan pa ng bisa yung gamot na tinurok ni Zach. Dko kasi dala phone ko" saad ko
"Sige" Saad ni Yan-yan at sinimulan ng tawagan si inspector
"Hello tito? Punta ka dito sa school. May nahuli yung kaibigan namin na nagbebenta ng droga" Sabi ni Yan-yan
"Opo tito. Nandito po kami ngayon sa rooftop" saad ni Yan-yan
"Sige po. Ingat po kayo" narinig kong sabi ni Yan-yan.
"Papunta na daw sila" Saad nya samin.
"Salamat Zach and sorry pala napagkamalan ka naming mamamatay tao" Saad ko
"My pleasure to help. It's ok. Pero para pambawi have a lunch with me" saad niya
"Ngayon?" Tanong ko
"Oo ngayon. Gutom na kasi ako hahaha" saad nya
"Game ako" saad ni Lexy, seriously? kakakain lang namin kanina nina Lexy ahh takaw talaga
"Hinatayin na muna nating dumating sila tito tas mag lunch na tayo" Saad ni Yan-yan.
Ilang minuto lang dumating na sila inspector.
"Tito" saad ni Rhian.
"Oh Rhi. Eto ba yung sinasabi mo sakin na nagbebentahan ng droga?" Tanong ni inspector kay Yan-yan sabay turo dun sa dalawang lalaking mahimbing na natutulog.
"Opo tito. Tapos po ayun yung box. Na may laman na drugs" saad ni Yan-yan. Sinenyasan naman ni inspector yung mga kasama nya na kunin na yung dalawa pati na rin yung box.
"Salamat girls" Masayang sabi samin ni inspector.
"Inspector kay Zach po kayo dapat magpasalamat" Saad ko
"Oh, ikaw pala kid. Im inspector Sammy. Nice to meet you, and salamat sa paghuli dito sa dalawa" Saad ni inspector.
"My pleasure inspector. Ako po si Zach Martin" saad ni Zach sabay yuko.
"Sige Rhi. Mauuna nako. Salamat ulit sa tulong nyo. Sarah, Alexy and Zach. Call me tito Sammy since kaibigan kayo ng pamangkin ko" Saad ni tito Sammy
"Sige po inspe----, hhehehe. Tito" saad ko
"Ingat po" saad ni Lexy
"Bye tito, ingat" saad ni Yan-yan
"Bye po!" Saad ni Zach. Kumaway naman si tito at umalis na.
"Tara na nagugutom na ako hahaha" natatawang sabi ni Yan-yan
"Tara" Saad ko at sabay sabay kaming bumaba. Nang makarating kami sa cafeteria kagad kaming naghanap ng upuan at nang makahanap na kami. Umupo na kami.
"Anong gusto nyo? My treat" saad ni Zach
"Fries and strawberry shake saken" saad ko
"Burger and tea" saad ni Lexy
"Spaghetti and tea" saad naman ni Yan-yan
"Alright, hintayin nyo nalang ako dyan" saad ni Zach na tinguan namin.
Pagka alis niya ay nag salita si Lexy
"Mabait naman siya" saad niya
"Oo nga hahaha" pag sang ayon ko. Pag katapos kong mag salita ay tahimik nanaman kami.
Mga ilang minuto pa ay dumating na si Zach dala ang mga pagkain namin. Inilapag niya ang mga pagkain sa lamesa. Umupo siya sa tabi Yan-yan dahil kaming dalawa ni Lexy ang magkatabi at nag simula na kaming kumain.
#
-----------