Alexy Tan PoV
Linggo ngayon at mag aalas dose na ng gabi pero di pa rin ako makatulog, hayss magkaka eyebags niyan ako.
Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko pero ilang minuto lang ay 'di parin ako makatulog kaya napag desisyonan kong mag pahangin muna sa labas.
Tumayo ako sa kama at dahan dahan na naglakad papunta sa pinto para hindi magising sina Yan-yan at Arah.
Nang makalabas ako ng dorm ay tinignan ko muna kung may nag babantay, nasabi kasi sakin ni Yan-yan na may mga naglilibot na guard dito pag gabi, may curfew kasi dito pag 10:00 pm na kailangan nasa loob na ng dorm lahat ng estudyante.
Pumunta ako sa bandang likod ng school dahil maraming puno doon at sigurado akong mahangin din. Lumapit ako sa isa sa mga puno at umakyat, umupo ako sa isang sanga at sinigurado ko munang matibay 'yun baka mahulog pa'ko ng 'di oras. Sinandal ko naman ang ulo ko sa isa pang sanga at pumikit.
Habang naka pikit ako ay may narinig akong boses ng lalaking kumakanta, naknang tinapa gabi na kumakanta pa.
Tumingin ako sa baba at nakita yung lalaki na umupo sa baba at sinandal ang likod sa sanga ng puno, hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim.
Scrolling through my cellphone for the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway
It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
'Cause it's 12: 51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
Oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh...
Lalaki pero kinakanta pang babae, wow ahhh. Maganda naman boses niya kaya pinakinggan ko at pinikit uli ang mga mata. Parang pamilyar yung boses niya? Sabagay marami namang magkakapareho ng boses. Hindi niya siguro ako napapansin kaya nagpatuloy siya sa pag kanta.
And I saw you with her
Didn't think you'd find another
And my world just seemed to crash
Shouldn't have thought that this would last
And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night
'Cause it's 12: 51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer
As the sky outside gets brighter
And my eyes begin to tire
I'm slowly drowning in memories of him
And I know it shouldn't matter
As my heart begins to shatter
I'm left to wonder
Just how it should have been yeah
12: 51 and I thought my feelings were gone
But I'm lying on my bed
I'm not thinking of you again
And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight
Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on
Cause I'll prove you wrong that I can move on through this song
So much stronger
Oh oh oh oh...
Natapos na siyang kumanta at tahimik na ang paligid ng marinig ko siyang bumuntong hininga.
"Sawakas nakita na kita, gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako" malungkot niyang saad at umalis na. Mga ilang minuto lang ay bumaba na rin ako at bumalik sa dorm, humiga nako sa kama at nakatulog.
Nagising ako sa malakas na yugyog sakin ni Yan-yan
"Lexy gising niya" saad niya sabay yugyog ulit sakin. Aishh gusto ko pang matulog pero sure akong hindi ako titigilan ni Yan-yan kapag hindi ako bumangon.
"Oo na" saad ko sabay tayo.
"Oh Lexy bakit ang laki ng eyebags mo?" Tanong niya.
"Hindi ako maka tulog kagabi" simple kong sagot hindi ko na sasabihin na lumabas ako ng dorm baka pagalitan pa niya ako.
"Ahh okay, maligo kana para makakain na tayo" saad niya at lumabas na ng kwarto. Kumuha nako ng school uniform at naligo.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta nako sa kusina, nadatnan kong naka upo sina Yan-yan at Arah. Lumapit ako sakanila at umupo sa upuan. Napansin naman nila ako kaya tumingin sila sakin.
"Lexy nagpuyat kaba kagabi?" Tanong ni Arah.
"Hmm, napuyat ako pero 'di ko naman ginusto yun, hindi kasi ako makatulog kagabi ehh" sagot ko.
"Ahh okay, kain na tayo" saad ni Arah.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami ng dorm as usual pinagtitinginan nila kami habang naglalakad lalo na si Yan-yan dahil gumanda siya. Naka rating na kami sa classroom at nagsimula na ang klase.
Ang unang subject namin ngayon ay science, si Mrs. Lesley Rivero, maliit siya pero ang ganda niya. Maputi din siya. Tsaka maayos siyang mag discuss.
Habang nag didiscuss siya, di mawala sa isip ko yung lalaking nakita ko kagabi sa may puno. Sino kaya sya? Tsaka anong ginagawa niya don, bat siya kumakanta? Yan yung tanong sa isip ko.
Sumunod na subject namin ay MAPEH. Sinabi samin ni Sir na mag aarchery kami kaya daw pag katapos nyang mag discuss tungkol sa kung paano mag archery, lalabas kami at mag lalaro. Pagkatapos daw naming mag archery ay pwedeng hindi na kami pumasok sa mga susunod na subject.
Napatingin ako kay Arah, mukhang ginanahan sya.
Oo nga pala nabanggit ni CR na magaling sya sa mga pana. Kaya siguro natutuwa sya.
Ng matapos mag discuss ni Sir kagad nya kaming pinagpalit ng damit na pang P. E.
"Tara sabay sabay na tayong mag palit." Saad ni Arah.
"Tara, Angel sabay kana samin." saad ni Rhian
"Sige" tugon ni Angel.
Palagi na naming kasama ngayon si little A, mabait naman sya kaya okay lang saamin.
Ng maka-rating kami sa room ng mga archery kagad sumalang yung mga babae. Alphabetically kasi yung pag lalaro.
Kailngan matamaan yung pinaka gitna, kapag natamaan mo yon.. Grades mo 100.
Pero kapag sa pangalawang black lang 95 so pababa ng pababa yung grade kapag malayo sa gitna yung natamaan mo.
Malapit lang naman, pero mahirap para sakin to. Urghh i hate archery, mula bata ay hindi ko na ginusto ang archery, dahil..uhmmm basta mahabang kwento. Mas gusto ko pa ang espada.
Ng matapos yung mga letter A, B, and C na apelido, si Rhian naman yung sumunod, since Dela Cruz yung Surname niya.
Marunong din si Rhian pero di nya natamaan yung pinaka gitna. Sa pangatlong itim lang tumama yung tira nya. Tatlong beses kang pwedeng tumira. Unang tira nya napunta lang sa may kulay blue, pero yung talagang pinaka grades mo don, yung pinaka huling pana na titirahin mo.
So yung pangatlong tira niya nasa pangatlong black lang. Bale yung grades nya 90. Di na masama.
"Marunong din pala si Rhian." saad ni Arah.
"Oo nga, galing niya." sabi naman ni little A.
"Hayss, buti pa sya. Dko alam kung anong grades ko dyan, di ako marunong dyan e." Saad ko.
"Pareho tayo Alexy, di rin ako marunong." Nakangusong saad naman ni little A.
"Gayahin niyo lang yung ginagawa nila, focus lang sa gitna, then bitawan niyo yung pana, kaya yan laban lang." Nakangiting explain saamin ni Arah.
Tama! Kaya namin 'to, fight lang.
"Nice, play Yan." Saad ni Arah sa kadarating lang na si Yan-yan.
"Thanks" saad naman ni Rhian. Luh wala yata sa mood??
Ng matapos si Rhian sumunod naman yung mga naguumpisa sa letter E, yung apelyido. Dahil walang letter F sa mga classmates namin sumunod na yung G, Guevara yung apelyido ni Little A sya na yung sumunod, susme naman Lexy.
Malamang siya na yung susunod wala ngang letter F na apelido diba. Haysss.
Napapano ako?
Katulad nga ng sabi ni little A, di sya marunong.
Unang tira niya sablay. Imbis na tumama sa bilog. Lumagpas pa ito. Kaya naman pinagtawanan sya ng mga classmate namin. Hayss kawawang little A.
'Huwag ka mag salita ng ganyan Lexy, baka kawawain ka rin nila, lagot ka'
"Booo, nerd. Zero na grades mo dyan." pang bubully nila Mich kay little A
"Boooo" saad ng mga classmates namin habang tumatawa.
"Nerd!" Saad ni Mich kay Angel. Tss. Tignan lang natin kung marunong ka... b***h.
Pangalawang tira niya, sablay na-naman. Kaya pinagtawanan na naman sya.
Tatayo na sana si Rhian, pero nagulat kami ng sa pangatlong tira, biglang natamaan ni little A yung pinaka gitna, kaya naman 100 yung grades niya.
Napangisi naman ako, ano kayo ngayon.
"Zero ba grades niya?" Tanong ko sa mga classmates ko. Tumahimik naman sila, tss.
"Galing mo little A" saad ni Rhian. Ng makalapit na sa pwesto namin si Angel.
"Salamat, ginawa ko lang yung sinabi ni Sarah. Nag focus lang ako sa bilog kaya ayun nakuha ko" nakangiting saad nya. Siguro sanay na sya sa mga pambubully sakanya kaya hinayaan niya nalang.
Sunod namang sumabak si Mich, let's see kung ilan yung grades mo b***h.
Unang tira niya tumama lang sa gilid. Tss kung makapam bully kay Angel wagas. Sya din pala di marunong.
She's so pathetic.
Pangalawang tira niya, lumapit lang ng konti sa tinira niya kanina, walang tumatawa sa mga tira niya. Pero kay little A kulang nalang mamatay sila kakatawa.
Hindi ko pinigilan ang tawa ko habang nakatingin sakanya. Bakit ako matatakot? Sila dapat ang matakot sakin.
Pangatlong tira niya. Walang tinamaan, lumagpas sa may bilog. Kaya naman biglang natawa si Sarah.
"Kung makapag salita kanina wagas, ikaw din pala." natatawang sabi ni Arah kay Mich.
"You, b***h!" sigaw ni Mich kay Arah. As if naman papatalo si Arah hayss.
"Talking to your self, eh? Ikaw ang b***h. Tss" saad naman ni Arah.
"Enough girls!" awat sakanila ni Sir.
Tinignan lang ng masama ni Mich si Arah, pero nginisian lang sya nito.
Natawa nalang ako. Sunod namang sumabak si Arah. Unang tira nya palang sakto na kagad sa bilog.
"Waahhhh, ang galing ni Arah" saad ko.
"Oo nga!! Galing galinggggg!!!" saad naman nila Rhian.
Pangalawang tira niya tumama na naman sa gitna, so may 200 grades na siya, joke lang. Hanggang 100 lang yung mataas napapano ka Lexy? hayss. Kausapin ba naman yung sarili. Na adik yata ako sa kanta nung lalaki na yun.
"Sure ako yung pangatlong tira niya, sa gitna na naman tatama" saad ni little A.
"Oo nga, ang galing eh." Sabi naman ni Rhian.
Di nga sila nag kamali dahil yung pangatlong tira ni Arah sa gitna nga tumama, ganyan pala kagaling si Arah, no doubt kung mas magaling pa yan sa malayuan.
Huli naman akong sumabak dahil Tan yung apelyido ko.
Unang tira ko tumama lang sa gilid, hayss. Pangalawang tira ko nasa pangatlong blue lang. Tss focus Lexy focus kaya mo yan.
Itinaas ko yun kamay ko at inasinta sa gitna, hinila ko yung pana ng dahan dahan at pabigla ko itong binitawan. Napapikit pako don.. Shitt sana lang tumama.
"Woooo, nice shot Lexy!" sigaw ni Arah. Teka? Nice shot. Dahan dahan kong minulat yung mata ko, at nanlaki yung mga mata ko waahhh tumama sa gitna.
Masaya akong bumalik sa kanila.
"Kala ko 0 na grades ko" natatawang saad ko sakanila.
Ng matapos yung P.E. namin kagad naman kaming nag palit ng damit at pumunta ng cafeteria nagutom kami dun ah.
Bale kami ni Arah, little A nakakuha ng 100 habang si Rhian naman 90.
Rhian Dela Cruz PoV
Naaasar ako, bakit ba kasi hindi sya maalis sa isipan ko? Ano bang nang yayari saakin? Hayss..
Ngayon lang ako nagka ganito sa isang lalaki, ano bang nangyayari saakin? Hmm.
Mag isa ako ngayon dito sa dorm, nag libot yung dalawa kasama si Angel, sinasama nila ako kaso tumanggi ako sabi ko inaantok ako at masakit yung ulo ko kaya sila nalang, pero ang totoo nyan naaalala ko lang yung lalaking nag text saakin kagabi.
(Flashback)
Nag liligpit ako ng mga gamit dito sa dining room, tulog na siguro yung dalawa kaya nakapatay na yung ilaw sa room. (A/N: asa labas na si Lexy nyan, lol)
Napatingin ako sa phone ko kasi biglang umilaw yun..
From: 09********1
Baby, bumalik ka na sa akin,
I miss you.
'Ha? Na wrong sent lang siguro, hayaan ko na nga.'
From: 09********1
Babe naman, mag reply ka naman, please
'Eh? Hala'
From: 09********1
Ang tanga ko naman, nag palit nga pala ako ng sim tapos hindi ako nag pakilala. Ako 'to babe, si Harry.
'Harry? Wala naman akong kilalang Harry, well maliban sa alagang aso ng kapit-bahay namin dati haha'
Eh kung replyan ko kaya? Sabihin ko babalik na ako sakanya?hmm?
(IMAGINE:)
To: 09********1
Sorry babe, babalik na ako sa iyo.. i love you and i miss you so much❤
From: 09********1
Talaga babe? I love you too, i miss you too.. tara mag kita tayo ngayon?
(END OF IMAGINATION)
Eh? Wala akong mukhang ihaharap dito.. tapos... baka sindikato pala 'to or adik or gangster?.. hmm, 'wag na nga baka kidnapin pa ako kasama yung mga gangmates nya patay ako dun, marunong ako lumaban pero babae pa rin ako noh?
Eh kung hindi ko na kaya replyan? Eh? Baka mag suicide naman 'to.
Hayss.. final decision, re-replyan ko nalang.
To: 09********1
Ahmm, kuya na wrong sent ka po yata?
From: 09********1
Ha? Excuces mo babe, ayaw mo lang ako kausapin eh. Kung ayaw mo okay lang, alam ko naman na panakip butas lang ako, kung may kailangan ka nandito lagi ako pero alam ko naman na hindi mo ako mahal eh? Hindi ba? Kasi kung mahal mo ako hindi mo na hihintayin na bumalik siya. Tama na nga ang gago ko na masyado, masyado na akong nagiging tanga sa isang manhid na katulad mo, umaasa ako sa iyo kahit alam ko na hindi mo masusuklian ang pagmamahal na alay ko sa'yo. Tama na masakit na masyado, paalam babe hanggang dito nalang.. i love you... so much❤.
'Eh? Wala pa naman ako naging ex ah? NBSB 'to uy! Nerd kasi hihi'
To: 09********1
Ayy, wrong sent po talaga. Ano po bang pangalan ng babe nyo?
From: 09********1
Babe naman? Cindy alam ko naman na ikaw 'yan huwag mo naman akong pahirapan. Sige kung hindi ikaw yan Cindy, sino ka?
Hindi ko maaaring sabihin ang pangalan ko, baka isa ito sa nakalaban namin a long time ago. Eh? Anong pangalan yung sasabihin ko? Hmm? Alam ko na.
To: 09********1
Ako si Ry. Kuya? Paki check po yung number na nilagay niyo baka po nag kamali kayo.
(End of Flashback)
Pagkatapos nun ay hindi na siya nag reply, sobrang kinabahan ako sa kung anong nangyari sakanya. 'Yan ang dahilan kung bakit hindi ako naka focus sa Archery kanina at kung bakit tahimik ako.
#