Rhian Dela Cruz PoV
"Sige magsi ligo na tayo para makalibot pa tayo sa mall" saad ko at kumilos na kami.
Pumunta sa cr si Arah dala ang gamit niya. Habang si Lexy eh pumunta sa kwarto para siguro kumuha ng damit, ako naman ay nag handa na rin ng isusuot ko para kapag natapos yung dalawa ako naman ang maliligo.
Iniwan ko yung damit ko at saka ang tuwalya sa kama.
"Lexy?" Tawag ko kay Lexy, tumingin naman siya saakin "Lalabas muna ako ah?"
"Sige matagal naman maligo yun si Arah, mga 8:30 bumalik ka na ah?" Saad niya at tumango naman ako.
Lumabas ako at nag libot libot hanggang sa makaramdam ako ng uhaw kaya dumeretso na muna ako sa cafeteria.
"Ate pabili nga po ng mineral water." Saad ko sabay abot ng bayad. Pagkabigay niya saakin nung mineral water tsaka nung sukli ay tumalikod na ako at naglakad palabas ng cafeteria.
Habang naglalagkad ay kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung anong oras na.
'8:20 na pala'
Pagkalabas ay ininom ko na ang tubig na binili ko at tinago ko na yung cellphone ko.
Dahil mag e-8:30 na rin naman eh nag madali na akong mag lakad habang hawak ang bote ng mineral water na binili ko, may laman pa kasi yun kaya 'di ko muna tinatapon.
Pagkarating sa dorm ay nadatnan kong nagsusuklay ng basang buhok si Arah.
"Hindi pa ba tapos maligo si Lexy?" Tanong ko, napatingin naman siya saakin at umiling.
"Hindi pa eh. Kakatapos ko lang maligo." Saad nya sabay pout. Tss.
"Isshh, kahit talaga kailan matagal kang maligo." Saad ko sabay pisil ng pisngi niya.
"Ouch! Masakit." daing niya na tinawanan ko naman.
Nakaka pang gigil siya ang cute niya. Binitawan ko ang pisngi niya at hinimas himas niya yun habang ako ay tinawanan lang siya.
Mayamaya lang din ay natapos ng maligo si Lexy.
"Yan ikaw na maligo, bilisan mo ah? Si Arah ang tagal maligo eh tss." Nakasimangot na saad ni Lexy at nakita ko naman ang pag pout ni Arah..
"Oh sige 'wag na kayo mag talo dyan bibilisan ko na maligo" natatawang sabi ko tapos ay kinuha ko na ang damit at tuwalya ko na nakapatong sa kama at dumiretso na ako sa cr para maligo.
Sarah Lopez PoV
Ng matapos maligo si Yanyan ay lumabas na kami ng dorm.
Grabe ang sakit mangurot ni Yan yan, pinang gigilan ako. *pout*
Naisipan kong tawagan si Rave, para sumama samin, pero tinanong ko muna sila Yanyan yung pwede.
"Lexy, Yan? Pwede ba nating isama si Rave sa mall?" Tanong ko sakanila.
"Oo naman, para rin maka bonding mo yung bestfriend mo." Sagot naman ni Lexy na para bang kinikilig.
'Mga malisyosa talaga haha'
"Oo sige." Sangayon naman ni Yan yan
"Sige, wait lang ha?" Saad ko sakanila sabay hanap ng pangalan ni Raven sa phonebook ko.
Ng makita ko na yun kagad ko naman siyang tinawagan. Nung isang araw kasi tinext nyako kaya sinave kona yung number niya.
*Ringing*
Ilang saglit lang at sinagot niya na ito.
"Hi, Rave" pagbati ko.
"Hello Sadi, napatawag ka?" Tanong niya.
"Free ka ba ngayon? Mall sana tayo ngayon, para makapagbonding tayo ulit kasama sina Yan at Lexy, kung okay lang sa'yo?" Tanong ko.
"Oo naman, naiinip nga ako dito sa dorm e. Na mimiss na din kita maka bonding, bat kasi nilabanan mo pa yun e, yan tuloy na kickout ka. Di na kita nakakasama palagi, wala na tuloy detective duo, magisa nalang akong lumulutas ng kaso." Saad niya gamit ang malungkot na boses.
Napangiti naman ako.
Hahah, naiimagine ko siya ngayon na naka pout lagi kasi syang nakanguso. Ang cute.
"Sorry, miss na kita, bawi nalang ako sayo ngayon. Makakasama mo pa naman ako sa pag lutas, I promise." nakangiting sabi ko kahit na di nya ako nakikita ngayon.
"Hindi mo lang alam Sadi, tsk, miss na miss na kita. Kainis ka." Saad niya, nag papaawa nanaman hahaha.
"Hahaha. Sige, magbihis kana, hintayin ka nalang namin sa labas ng school. Ingat ka." Saad ko.
"Sige, mag iingat ako ayoko pang mamatay ehh hahaha." Saad nya sabay patay ng tawag.
'Hayyss, I really miss solving cases with him'
Ng matapos yung paguusap namin ni Rave tumingin namn ako kila Lexy, eh? Bat ganyan sila makatingin.
"What's with those look girls?" Tanong ko sakanila, para kasi silang ewan na nakangiti sakin at parang kilig na kilig.
"Aishh, tara na, hintayin nalang natin si Raven sa labas." Aya ko sakanila
"Gamitin nalang natin yung kotse ko" saad ni Lexy
"Sige, sabihin ko nalang kay Rave na magcomute nalang, papunta dito." Sang ayon ko at inilabas kaagad ang cell phone ko.
To: Rave
Rave? Mag commute ka nalang noh? Car nalang ni Lexy yung sasakyan natin, Ok??Ingat.
✔️Sent
From:Rave
Ok Sadi, Hintayin nyo nalang ako.
Hindi na ako nag reply dahil mapapahaba ang usapan namin at baka hindi na sya kaagad makapunta hahaha.
Pumunta naman kami sa parking lot para gamitin yung kotse ni Lexy, ng malapit na kami sa kotse nya may nararamdaman akong nakatitig samin.
Napahinto din si Lexy, siguro naramdaman nya rin yung mga titig samin. Pero binaliwala nalang namin sila, 'di naman kasi nila kami sinasaktan.
Sumakay na kami at inistart na ni Lexy yung makina, 18 years old na kasi sya kaya may sarili na syang kotse hays, buti pa sya ako kasi hindi pa pwede kasi 17 palang ako, same with Rhian. Nang makalabas kami, bumaba muna kami para hintayin si Raven.
Ilang minuto lang dumating na sya
"Hi Cr!" pagbati ni Lexy kay Rave hahaha napasimangot naman si Ven. Hahaha ang lakas talaga mang asar ni Lexy.
"Hays, CR na naman." Saad ni Rave habang naka pout hayss ang cute talga netong bestfriend ko.
"Hi Charles!" saad ni Yanyan kay Rave, na ikinaliwalas ng mukha ng kaibigan ko, tss isip bata talaga haha.
"Hello Rhian, buti pa si Rhian, tawag sakin Charles di katulad ng isa dyan, hayss ang baho ng tawag saken." Saad ni Rave mukhang pinaparinggan si Lexy ah
Natawa nalang ako sa dalawa.
Bumaling naman sakin si Rave at niyakap ako
"I miss you Sadi." Saad nya sa akin
"Nung isang araw nagkita na tayo, miss mo na'ko agad? Hahaha" Tanong ko sakanya sabay tawa
"Oo naman, wala ng nanununtok sakin eh." Pabirong sabi nya sabay tawa.
"Ehemm!" nangaasar na sabi ni Lexy.
'Here we go again tss hahaha.'
Nakayakap pa din kasi sakin si Raven.
Nung narinig yun Rave bumitaw namn sya kagad, nahiya siguro ang loko wahaha.
"Pwedeng umalis na?" Tanong naman ni Yan-yan na natatawa, excited na sigurong mag pa make over hihi.
"Tara, ako na mag da drive." Saad ni Raven.
Pinagbuksan nya ng pinto si Yan-yan, sa likod habang si Lexy naman hinayaan lang nya tss hahaha. Ng makapasok si Rhian sa loob tinignan ni Rave si Lexy at dinilaan, hayss ang kukulit. Pero ang cute.
"Blehhh!" Pangaasar ni Raven kay Lexy, mga isip bata wahaha.
Natatawa namang lumapit sakin si Rave at pinagbuksan ako ng pinto, katabi ko sya sa harap.
"Let's go!!!" Masayang saad ko.
Tinignan ko naman si Lexy sa likod, naka pout sya at halatang naasar sa kaibigan ko.
Waaahhh! Nag pout sya ang cuteeee.
Nag makarating kami sa mall naghanap na ng parking si Raven, at kagaya kanina ay kami lang ni Yan ang pinagbuksan niya habang si Lexy ay padabog na bumaba at.....
"CR!!!" Malakas na sabi ni Lexy at hinabol si Rave na tumatakbong si Rave at nag habulan silang dalawa.
"Hayss ang kulit talaga nila." Sabi ni Yan habang umiiling pero naka ngiti sya haha.
"Tara na habulin na natin yung dalawang 'yun baka saan pa mapadpad yun wahaha." Sabi ko tsaka hinatak si Yan-yan.
Sarah Lopez PoV
Buti nalang nag aya si Yanyan na pumuntang Mall magagawa namin ni Lexy ang plano namin. Well kailangan ni Yan yan ng make over, maganda naman kasi siya ayaw niya lang nag aayos.
Pagka pasok namin ay tinignan ko si Lexy.
"Game?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot.
Hinila namin si Yan yan papunta sa mga damit.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya
"Malamang bibili ng damit, anong gusto mong gawin dito matulog? Aishhhh" pamimilosopo naman ni Lexy sakanya hahaha, tinignan naman siya ng masama ni Yanyan at tumingin sakin
"Bibili ba kayo ng damit?" tanong niya sakin
"Pamimili ka namin ng damit." sagot ko
"Huh? Marami naman akong damit ah?" Nagtatakang sabi niya.
"Anong damit? Yung malalaki na pang manang? Yanyan naman palitan muna yung mga yun." Pamimilit ko sakanya at pinamili siya ng mga damit.
Pagkatapos naming bumili ng mga damit ay pumunta kami ng salon. Kailangan ding pa rebond yung buhok ni Yanyan kasi buhaghag, hindi na namin kailangang bumili ng contact lense dahil naka bili na kami last time na pumunta kami dito sa mall, hihihihi excited nako.
Halos tatlong oras na siya sa loob ng salon, ang tagal naman.
Ilang minuto lang ay lumabas na siya. Maayos yung damit, straight yung buhok at walang makapal na salamin, wahhhhh ang ganda niya.
Lumabas syang nakabusangot, pero kitang kita parin ang pinagbago sa mukha nya hihi.
"Oh? Bat ganyan mukha mo?" Tanong ni Lexy, siguro dahil mukhang inis na inis yung itsura ni Yan haha.
"Ang ganda mo Rhian, hindi katulad ng isa diyan." Saad ni Raven.
"Thanks Charles." Saad naman ni Rhian tsaka namula yung pisngi nya, cute cute nyaaaa!
"Pinariringgan mo bako CR?!" Naiinis na saad ni Lexy
"May sinabi bakong pangalan? Pero pwede rin naman na ikaw yun" Nang iinis na saad niya at halatang naman na nainis si Lexy sakanya kaya inirapan nalang niya ito
"Kainis kayo, anong ginawa nyo sa'kin, di ako sanay." Nakapout na sabi nya hahaha.
"Hahahahah, ang ganda mo kaya Rhian. Diba Lexy?" Tanong ko sabay baling sa naka simangot na si Lexy .
"Yah, sobrang ganda, hindi kalang kase marunong mag ayos." Sang-ayon naman ni Lexy.
"Tara, kain na tayo nagugutom nako hehe." Aya ko
"Katagal naman kasi ni Rhian" Saad ni Lexy
"Tss. Tara na nga haha." Saad naman ni Rhian.
"Piwitttt" sipol ko kay Rhian
"Hahaha." Tawa naman ni Lexy ay bipolar lang kanina naiinis siya ngayon tumatawa
"Hays" anggil ni Rhian ng nakanguso. Ang cutee talagaaa.
"Rhian wag kang mag pout, sarap mong batukan." Natatawang pang aasar ko haha.
"Nainip na tuloy si CR wahaha." Natatawang sabi ni Lexy
Napakamot naman sa ulo si Rave.
"Tara kain nalang muna tayo." Saad ni Rave.
Habang naglalakad kami may naririnig kaming ingay.
"Anong ingay yun?" Tanong ni Raven.
"Dun yata sa may jewelry shop." Sagot ko
"Tara puntahan natin."saad namn ni Lexy
Ng makarating na kami sa may jewelry shop. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko---
"May hostage.." mahinang saad ni Rhian.
"Tulungan natin." saad ko.
"Tara." Sabay sabay na sabi nilang tatlo at kumilos na kami.
Pumasok kami sa jewelry shop ng palihim.
Kaming dalawa ni Raven ang pupunta sa may hostage. Habang sila Rhian at Lexy naman ay papalabasin yung mga tao para wala ng ibang madamay pa sa gulong ito.
"Kami ng bahala ni Raven dun sa hostage tsaka kidnapper. Kayo naman bahala sa mga tao." saad ko tumango naman sila.
Lumapit kami ni Raven dun sa lalaki.
"Ah, kuya. Ano po bang kailangan nyo?" Tanong ko. Sa totoo lang kaya ko tong suntukin ngayon lang, kaso may hostage sya baka masaksak pa niya ng 'di oras.
"Wag kayong lalapit!" May pag babantang sabi nya samin habang nakatutok yung kutsilyong hawak nya sa babae.
"Hello, kuya nakalapit na kami sayo, anong wag lalapit." Naiinis na sabi ko.
"T-tulungan nyo po ako" saad ni girl
"Sadi" tawag sakin ni Raven. Alam ko na kung anong ibig sabihin non. Tumango naman ako bilang tugon.
Namiss ko tong ganto nakasama ko na naman si Raven sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Mabilis akong pumunta dun sa likod ng lalaki, at sinuntok sa likod, habang si Raven naman kinuha yung pagkakataon na yun para kunin yung babae
Lumapit ako dun sa babae, at sinabing tumawag sya ng pulis. Tumango naman sya.
"Kuya, wala kabang pera? Mas mabuti sana kung nagtrabaho ka nalang kesa magnakaw ka." Pangungumbinsi ni Raven.
"Wala kayong paki alam!" Saad nya samin
"Kuya wala ka ng magagawa, parating na yung mga pulis. See? Tayo nalang yung nandito, kasama yung cashier, mga kaibigan ko tsaka yung hinostage mo.. Wala ka ng magagawa. Hindi mo ba alam na sa ginawa mo ay makaka sakit ka ng ibang tao?" Saad ko sa naiinis na tono. Sa gutom kong to, hayss.
Tatakbo sana sya pero naunahan na sya ni Raven, mabilis nakuha ni Raven yung kutsilyo at ibinato sakin.
Napangisi naman ako.
Kinuha ni Raven yung dalawang kamay nya at inilagay sa likod, tsaka sya sinipa ni Raven sa likod kaya napadapa sya
Sakto namang dumating yung mga pulis at, kasama yung tito ni Yan-yan.
"Tito Sammy" pag tawag ni Rhian sa tito nya.
"Sino ka?" Tanong sakanya ni inspector, di siguro sya nakilala. Natawa naman kami nila Lexy. Habang si Rhian, ayun nakanguso.
"Hi inspector." pagbati ko
"Oh, hi Sarah." saad ni inspector sakin
"Hello po." saad naman nila Lexy
"Hi!!" saad naman ni inspector
"Di nyo ba kasama si Rhi--"
"Tito naman." pagputol ni Rhian sa sasabihin ni tito hahaha.
"Ikaw ba yan Rhi?" Tanong sakanya ni inspector
"Opo tito, sila Arah kasi, anong ginawa sakin" saad nya habang nakanguso.
"Ang ganda mo Rhi haha, di kita nakilala." saad ni inspector
"Hmmp, hindi naman po eh, pero thanks po tito haha." Pasasalamat naman ni Rhian
"Inspector Sammy, nadala napo sa police car yung suspect, tara na po." Saad nung kasama ni inspector
"Osige, susunod ako" saad naman ni inspector
"Oh, mauuna nako sainyo mga bata" paalam samin ni inspector.
"Sige po tito, ingat kayo" saad ni Rhian
"Ingat po" saad namin nila Lexy. Tumango naman si inspector samin at kumaway.
"S-salamat po sa pagtulong nyo saakin." Sabi noong hinostage kung tatanstahin ay parang mas bata sya sa amin.
"Ako nga po pala si Jherose." pagpapakilala niya
"Hi Jherose, ako si Rhian" pagpapakilala naman ni Yan.
"Yow Jherose, I'm Alexy." Pa cool na bati naman ni Lexy hahaha.
"Hello Jherose ako naman si Sarah at ito si Raven." Tumingin naman saamin si Jherose at ngumiti.
"Jherose!" Napalingon kami sa likod at nakita namin ang isang babaeng hingal na hingal, lumapit siya kay Jherose at yinakap ito.
"A-ate Val bitaw, nahihirapan po ako huminga-a" sabi nya kaya binitawan sya kaagad nung Val, at napatingin siya saamin.
"Ate Val sila po pala yung tumulong saakin." saad ni Jherose
"Hi I'm Valerie, older sister of Jherose, thank you for helping my sister." Nakangiting sabi nya saamin at kagaya kanina ay nag pakilala rin kami sa kanya.
"Mauna na kami sainyo ah? May lakad pa kasi kami eh." Sabi ni Valerie "Thank you very much"
"Wala yun, you're welcome" sabi naman ni Yan, bago sila umalis ay nag kawayan pa kami.
"Arah? Di kaba natakot dun sa suspect? Biglang tanong sakin ni Rhian.
"Hindi, may mas malala pa dun na nakasalamuha namin ni Raven. Sanay na kami sa ganun, diba Rave?" Saad ko
"Oo, hindi ko tinawag na Sadi yan dahil lang sa wala, sobrang sadista nyan kung alam nyo lang. Magaling yan sa pana tsaka spada at mabilis kumilos" saad ni Raven.
"At magaling naman si Raven sa baril" saad ko "gutom na kaya ako kaya kagad ko ng tinapos" kamot ulong sabi ko
"Tara kain na tayo, gutom na talaga ako hahaha." aya samin ni Lexy sabay himas ng tyan na na ikinatawa namin.
"Tara" saad namin at nag lakad na kami papuntang Food Court.
#