If you're confused about their names and old schools, read this simple explanation that will enlighten you.
Sarah and Alexy are both transferee in Springfield University. Sarah is from Shine University while Alexy is from Seonam High School. Rhian is an old student of Springfield University.
Love lots, ❤
-CURIOSES
---------
Alexy Tan PoV
Pag ka uwi namin ni Rhian ay nag kwentuhan muna kami sa sofa at kumain. Si Rhian ang nag luto ng pagkain namin marunong daw kase siyang mag luto at siya na rin ang nag hugas ng pinag kainan namin. Tamad ako ehh.
Pumasok na'ko sa kwarto at nag palit na ng damit at natulog.
Nagising ako sa malakas na pag yugyog sakin ni Rhian.
"Alexy gising na, baka malate pa tayo." Umupo naman ako at nag kusot ng mata.
Come on, my sleep is not enough.
"Mauna kana baka ma huli kapa sa klase dahil sakin." sabi ko kay Rhian,
"Sige, kumain kana may naka luto na dun sa kusina." pag ka sabi niya nun ay umalis na siya.
Kumuha naman ako ng damit at dumiretso sa banyo, pag katapos kong maligo ay pumunta na'ko sa kusina at kumain. Hinugasan ko na ang pinag kainan ko at umalis.
Halos takbuhin kona ang hallway para lang hindi ako ma huli sa klase mag-se 7:30 na at hindi ako pwedeng mahuli sa klase first subject panaman namin ay si Sir Paras ang math teacher namin napaka istrikto panaman nun. Pagka dating ko sa classroom ay buti nalang wala pa ang si Sir Paras.
'Salamat at wala pa' bulong ko
Umupo na'ko sa upuan ko at pumasok naman ang kaklase ko na parang hinabol ng aso sa sobrang pawis.
"Wala daw pasok ngayon dahil may aasikasuhin ang mga teachers." pag ka sabi niya nun ay nag sigawan ang mga kaklase ko dahil sa saya.
I can't believe this! Napagod akong tumakbo tapos walang pasok? Damn it!
Pinikit ko nalang ang mata ko at ipinatong ang ulo sa desk.
'Huy alam niyo bang may nag pakamatay sa dorm no. 68 kaninang umaga lang.'
Yun siguro ang dahilan kung bakit walang pasok ngayon. Wait, bakit ba nakikinig ako sa mga bubuyog na 'yon?
Habang nag aayos ako ng gamit ay nagyaya namang pumunta sa canteen si Rhian.
"Alexy punta tayong canteen gutom na kase ako." tumango naman ako.
Habang naglalakad kame papuntang canteen ay hindi ko parin maalis sa isip ko kung bakit nag suicide yung babae daw sa dorm.
Kailangan kong malaman kung anong dahilan, i just want to feed my curiosity okay? May pagka paki alamera talaga ako minsan kahit wala akong mapapala doon. Anong magagawa ko? This is me, duh.
Pag ka pasok namin sa canteen ay nag order na kami at kumain. Habang kumakain kami ay naikwento ko kay Rhian yung nag suicide na babae at mukha naman siyang walang paki alam. Right, bakit pa ako nagulat.
She's more on studying. While me? I'm more on feeding my curiosity.
"Uhm tara na Rhian punta na tayo sa dorm may aasikasuhin pa ko ehh." sabi ko dahil kailangan kong isipin yung plano ko mamayang gabi. I smirk from my brilliant thoughts.
Tumango naman si Rhian kaya nag lakad na kami.
Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay tumindig ang balahibo ko dahil sa pakiramdam kong may isang pares ng mapanuring mata ang nakatitig saakin. Or should I say, saamin. My brows furrowed.
At isa pa...
HINDI ITO MULTO KUN'DI ISANG TAO. Isang taong hindi ko alam ang pakay saamin. Baka naman may utang si Rhian sa taong 'yon? Hindi naman pwedeng sakin, bago pa lang ako dito!
Bigla akong kinalabit ni Rhian, nagulat ako pero hindi ko pinahalata.
"Bakit?" kunwaring kalmado kong tanong.
"Bakit parang ang lalim yata ng iniisip m-mo?" Nag-aalinlangang tanong niya.
Hindi niya kaya nararamdaman o napapansin na may nakatitig saaming isang pares ng mata?
"Ahmm" tumikhim ako "Naalala ko lang si Mom tsaka si Dad, kamusta na kaya sila ngayon?"
Liar!
"Bakit? Nasaan ba ang Mom and Dad mo?" tanong niya, kinwento ko sa kanya ang naganap na pag alis nila Mom at Dad.
"Uhm, so mag isa kalang sa bahay?" Tanong niya.
"Hindi, may kasambahay kami tsaka okay lang naman dahil may dorm yung school." sagot ko.
Pagka tapos ng konti naming kwentuhan ay napansin kong parang wala na yung isang pares ng matang nakatingin samin.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa dorm namin.
Naglakad kami papuntang kwarto, kaagad naman siyang humiga sa higaan habang ako nama'y pumasok sa cr para mag palit ng damit. Pagkatapos kong mag palit si Rhian naman ang pumunta sa cr.
Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang suicide na pinag uusapan ng mga kaklase ko, gagawa ako ng plano para maka pag imbestiga.
I sound like a dumb detective wannabe.
Pagkatapos ng ilang oras ay nakagawa na rin ako ng plano. Mamayang 12:00 ng gabi, pupuntahan ko ang dorm no. 68.
Hindi talaga mawala sa isip ko yun. Kailangan kong malaman kung bakit siya nagpakamatay o baka naman pinatay talaga siya. Alam kong wala akong mapapala pero gusto ko lang namang tumulong.
(12:05 am)
Sinilip ko si Rhian kung tulog nga ito, nung napatunayan kong tulog na nga. Bumangon ako ng dahan dahan at naglakad papunta sa pinto.
Nang sa wakas ay nakalabas na'ko ng pinto, tinahak ko na ang daan papunta sa dorm no. 68.
"Hays, asan ba kasi banda yung dorm na yun. Sana pala tinanong ko muna kay Rhian kanina habang nasa cafeteria kami." Mahinang bulong ko sa sarili.
Habang hinahanap ko ang dorm. No 68 may napapansin na naman akong nakamasid sakin na isang pares ng mata. Lumingon lingon ako sa palagid ko pero wala naman. Pero pakiramdam ko talaga meron.
Nang sa wakas ay nahanap ko na ang dorm no. 68 ay nag masid muna ako doon. May mga pulis ng nag imbestiga kanina kaya may police line ng nakalagay sa paligid ng kwarto.
Rhian Dela Cruz PoV
'Sino kaya yung nag ma-man-man saamin ni Alexy kanina?' Yan ang kanina ko pang tanong sa isip ko habang naka higa. Hindi talaga ako makatulog.
Naramdaman ko ang titig saakin ni Alexy, pagkatapos noon ay nadinig kong bumukas ang pintuan
'Pupunta kaya si Alexy sa dorm 68? Kanina ko pa napapansin na malalim ang iniisip nya'
Bumangon ako at tahimik na sumunod kay Alexy.
Lumilinga linga sya sa paligid na tila ba namamalayan niyang may nagmamasid sa kanya.
Nag tago naman ako sa mga poste para hindi niya ako makita. Nag tuloy tuloy lang siyang nag lakad at tama ang hinala ko na pupunta nga siya sa dorm ng nag suicide. Meron nang police line na nakalagay na pinalilibutan ang siguro'y pinangyarihan ng krimen, dumating na siguro ang mga pulis kanina at siguro'y nakapag inspeksiyon na sila, kaya siguro'y tanging ang police line nalang ang naiwan dito.
Nakita ko naman siyang pumasok doon ng dahan dahan, may dala siyang maliit na notebook at iilang piraso ng maliit na plastic na sakto lang sa kanyang kamay. Ang notebook ay pagsusulatan niya siguro ng mga nakuhang impormasyon at ang plastic na ibinalot niya sa kanyang kamay ay lalagyan niya siguro ng mga kahinahinalang gamit at kung bakit nakabalot sa kamay niya ang plastic? Yun ay para hindi magkaroon ng kanyang fingerprint ang kahinahinalang gamit na kanyang makukuha.
Naglakad siya at nawala na siya saaking paningin kaya nama'y lumapit ako sa pinto para mas lalo ko pang makita ang ginagawa niya. Pumasok ako sa loob ng dorm ng tahimik at wala nga siya doon. Naglakad lakad ako doon at hindi ko pa rin siya makita pero may narinig akong tunog mula sa kusina kaya pumunta ako doon. Nagulat nalang ako ng may nag tutok sa akin ng ilaw hindi ko siya maaninag dahil natatamaan ng ilaw ang mga mata ko. Napagtanto ko nalang na si Alexy ito ng mag salita siya.
"Anong ginagawa mo dito Rhian? At bakit mo ako sinusundan?" Mahinang asik niya.
"A-ano kase p-parang ang lalim kase ng iniisip mo kanina ehh kaya sinundan kita tsaka anong gagawin mo dito? Inaalam mo ba ang nangyari?"
Hindi siya agad naka sagot, hindi kaya siya ang pumatay sa babae at pinamukha niya lang itong suicide?
'What the heck?'
"Bakit hindi ka maka sagot Alexy? Wag mong sabihing pinatay mo yung babae tapos pina mukha mo itong suicide?" tanong ko. Halata namang nabigla siya sa tanong ko kaya nag salita siya.
"What the?! Anong pinagsasabe mo? Hindi ko pinatay yang babaeng yan tsaka hindi ko naman yun kilala, remember transferee ako."
"Kung ganon anong ginagawa mo dito tsaka malay ko bang nagsisinungaling kalang." saad ko at nag buntong hininga siya na akala mo'y napilit ko na siyang sabihin sa akin kung ano ang ginagawa niya dito.
"Gusto mo talagang malaman?" Tanong niya, tumango naman ako bilang sagot. "Fine, isa akong detective ini-imbistigahan ko kung nag-suicide ba talaga yung babae o pinatay siya, tss." napipilitang sagot niya.
Mga ilang segundo bago pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya, ibig sabihin pareho kaming detective napa ngiti naman ako dahil sa sinabi niya. Natauhan nalang ako nang mag salita siya.
"Ano namang nginingiti ngiti mo diyan? Para kang tanga." Nakangiwing wika niya.
"Pareho tayo, detective din ako kaya wag kang mag alala tutulungan kitang mag imbestiga" masaya kong sambit.
Paano ako natuto? Dahil sa Tito ko. Inspector siya. Mahilig rin akong manuod ng mga detective movies at magbasa ng stories.
"Mamaya na tayo mag- usap kailangan na nating kumuha ng impormasyon tungkol sa nangyari dito." saad niya. Tumango naman ako at nag simula na kaming mag inspeksyon.
"Ayon sa nakikita ko hindi ito isang suicide, look at the position of the body and yung sugat niya. And malakas ang kutob kong hindi ito isang suicide." saad ko sabay pakita ko ng picture nang katawan ng babae na dala ko.
"Saan mo naman yan nakuha?" Tanong niya.
"Mamaya ko na sasabihin pag naka uwi na tayo sa dorm" saad ko.
"Okay" saad niya naman at nag simula nanamang mag inspekyon.
Pagkatapos namin ay umuwi na kami sa dorm mag a-alas dos (2:00am) na rin ng umaga, napag desisyonan namin na bukas nalang namin ituloy ang pag iimbistiga.
Pag dating sa dorm namin ay dumiretso na kami sa kwarto at natulog, kasi may pasok pa kami bukas i mean mamayang umaga.
------——
Kinabukasan, narinig ko na yung alarm clock ko, kaya bumangon nako. Sinilip ko si Alexy, tulog pa ito.
'baka malate na naman to, sarap pa ng tulog oh'
Maka ligo na nga at ng makapaghanda na ng makakain at ng magising ko na si Alexy.
Natapos nakong magluto at hinahanda ko na ang mga pagkain sa lamesa. Magising na nga si Alexy
"Alexy?"
"Hmmm?" Ungot niya, ito talagang babaeng 'to hindi na nasanay gumising ng maaga hayyss.
"Gising na, maligo kana, naka handa na yung mga pagkain." paanyaya ko sa kanya.
"Mamaya na Rhian, 5 minutes pa.." antok na antok na saad niya.
"Dali na, gising na, baka malate ka na naman nyan. Hindi talaga kita hihintayin bahala ka." Pananakot ko sa kanya.
"Ang bango ah? Ano yung niluto mo?" Mukhang natakot siya, kaya ayun tumayo na.
"Nagprito ako ng manok, nakita ko lang sa ref kaya niluto ko." Sabi ko. "Kumain ka na Alexy" utos ko.
"Opo" sagot niya at nag salute pa sakin.
Habang nasa cr si Alexy napa isip naman ako, kung bakit pinatay yung babae kailangan naming malaman ni Alexy kung sino yung pumatay.
Mula ng nalaman ko na isa ring detective si Alexy ay mas lalo ko nagustuhang maging kaibigan siya.
Natapos ng maligo si Alexy at sabay na kaming kumain, tahimik lang kami habang kumakain ng biglang binasag ni Alexy yung katahimikan.
"Rhian, ano sa tingin mo yung motibo ng pumatay dun sa babae?" biglaang tanong niya.
"Hindi ko din alam, pero mamaya bumalik ulit tayo don. Maghanap tayo ng clue." Sagot ko
"Sige." sabi naman niya. Natapos na kami at nailigpit na din namin yung mga pinagkainan namin. At sabay na kaming pumasok
Naglalakad kami sa hallway ng may narinig kaming dalawang babaeng naguusap.
"Nakakatakot naman, bakit ba kasi nag suicide yung babae na yun?" sabi ni girl number 1.
"Oo nga, it's very creepy. Ang sabi nila kasama niya yung dalawang kaibigan niya bago sya nagpakamatay." Sabi naman ni girl number 2.
Sumabat naman bigla si Alexy.
"Excuse me? Sorry, narinig lang kasi namin kayo. Anong pangalan nung dalawang kaibigan nung babae?" Kyuryosong tanong niya.
"Ahh, yung nagpakamatay sa dorm no. 68?" Tanong ni girl number 1 na tinanguan naman ni Alexy.
"Ah yung isa yata if I'm not mistaken, Sophie Gozon ang pangalan. Tapos yung isa naman Abby Nicole Mendoza.." sagot ni girl number 2.
"Wait? Bat niyo tinatanong?" biglang tanong ni girl number 1.
"Ahh wala, thank you pala, bye." nagulat ako ng bigla niya kong hilahin papalayo sa dalawang babae.
"Teka teka Alexy, bat ka biglang umalis don?" tanong ko. Sorry naman po kung slow ako. Haha pansin ko lang na nagiging madaldal na ako simula nung nakilala ko si Alexy, kahit nung isang araw ko palang siya nakilala.
"Kailangan nating mahanap yung dalawang babae na yon. Kailangan natin silang tanungin. Siguradong tinanong na sila ng mga pulis." Seryosong sagot niya. "Maybe we can get an information that will pinpoint the suspect."
#