Chapter 3

3458 Words
Rhian Dela Cruz PoV Pagkatapos ng dalawang subject ay nag break na kami, napag usapan namin ni Alexy na ngayong break nalang hanapin sina Sophie Gozon at Abby Nicole Mendoza. Silang dalawa ang nakasama daw ng biktima bago siya pinatay. Mag dorm mate silang tatlo at magkaibigan na silang tatlo since elementary. Napag alaman namin na pinatay siya dahil sa mga nakita naming impormasyon kagabi. Ngayon namin sila pupuntahan alam na din namin kung ano ang section nilang dalawa. Sophie Gozon. Grade 10 Student Section Lapu-Lapu. Abby Nicole Mendoza. Grade 10 Student Section Rizal. Nag lalakad na ngayon kami sa hallway, ang una naming pupuntahan ay si Sophie. Nang makarating na kami sa classroom nila ay nagtanong kami sa mga kaklase niya. "Hello miss, kaklase niyo ba si Sophie Gozon?" tanong ni Alexy sa babaeng lumabas galing classroom. "Opo, ayun po siya." sabay turo sa babaeng nag babasa ng libro sa bandang likuran ng room. Nagpasalamat naman kame at pinuntahan agad si Sophie. Nang makalapit na kami ay nakita ko kung anong binabasa niya, isa yung story ni Sir Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, siguro ay fan siya ni Sherlock Holmes. "Hi" saad ko kay Sophie. Lumingon lingon pa siya sa paligid at tinuro ang sarili para masiguro na siya yung kinaka usap namin, tumango naman ako. "Hello, anong kailangan niyo?" saad naman niya sabay ngiti hindi ko maipag kakailang maganda siya at mukha naman siya mabait. "Hindi na kami mag papaligoy ligoy pa, may kinalaman kaba sa pagkamatay ni miss Ana Lucas?" biglang tanong ni Alexy. Bigla akong napasapo sa noo ko. Bakit pa ang straight to the point niya? Can't she beat around the bush before she attack? "Huh? Kala kobang nag suicide siya? Tsaka sino ba kayo?" balik niyang tanong samin. "Hindi siya nag pakamatay, pinatay siya at kung tinatanong mo kung sino kami, isa kami sa mga nag iimbestiga doon." sagot ni Alexy. She's a great liar. "Eh? Mukha lang kayong mga estudyante." saad ni Sophie na mukhang nagtataka. "Oo mga estudyante kami at the same time mga detective, okay? At napag-alaman namin na hindi suicide ang nang yari kaya kailangan mong makipag cooperate." saad ko naman. "Pero tinanong na ako ng mga pulis kahapon." Nagtatakang sagot niya. "Pinabalik nila kami para muling magtanong. Kung ayaw mong maniwala, pwede naming tawagan ang mga pulis na nag iimbestiga doon para sila na lang ulit ang magtanong. May mga baril pa naman ang mga 'yon, alam mona. Baka iputok nila sayo 'yon kapag nalaman nilang ikaw ang suspect." Sagot ni Alexy sa seryosong tono. Gusto ko nalang pumalakpak dahil sa galing niyang magsinungaling. Lagot talaga kami kapag nalaman nilang nangingi alam lang talaga kami. "At kailangan naming makahanap ng alibi." Sabat ko at ngumiti. "O-okay" saad naman niya parang bigla siya kinabahan. "Sinasabi nilang kasama ka daw sa mga huling naka sama ng biktima, totoo ba yon?" Tanong ni Alexy, ako naman ay minamanmanan ang nagiging reaksyon niya. "O-Oo, natural lang na palagi ko siyang kasama kase mag dorm mate kami at mag kaibigan" sagot niya ng nauutal. "Nasaan ka nang bandang 12:00 - 7:00 ng umaga?" tanong ni Alexy, parang sanay talaga siya sa pag tatanong siguro ay magaling din siyang detective sa dati niyang school. Pero kung hindi nga siya ang pumatay sa kaibigan niya, bakit hindi niya inimbestigahan 'yon? At hinayaang ma-  kick out siya? "Nasa dorm ako ng boyfriend ko non, nag over night ako. Doon din ako kumain kinabukasan, hindi nako umuwi sa dorm namin dahil nagdala na din ako ng uniform ko." sagot niya, nag pasalamat naman kami sakanya. Pero alam ko hindi pwedeng mag sama sa iisang dorm ang babae at lalaki, isa yun sa mga school premises. "Maaari ba naming malaman ang pangalan ng boyfriend mo?" tanong ko naman. "Dominic Sublehiyo." Diretyang sagot niya. "Ahm, isang tanong nalang. Fan kaba ni Sherlock Holmes" tanong ko, tumango naman siya. "Actually kaming tatlo nina Abby at Anna" sagot niya. "Ahh Okay. Salamat at paalam." saad ko "Please expect na babalik kami ulit para mag tanong sayo, bye" saad naman ni Alexy at lumabas na kami sa classroom. Sunod naming pupuntahan ay si Abby. Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom ni Abby. May teacher sila (siguro'y nag overtime) at mukhang may activity silang ginagawa kaya't hinintay muna naming lumabas ang kanilang subject teacher. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na nga ang kanilang guro at sunod na lumabas ang mga studyante para siguro sa break nila nilapitan ko ang isang lalaki, "Ahm, excuse?" Tumaas ang kilay niya na parang nag tatanong kung bakit "Dito ba yung room ni Abby?" Tanong ko. "Yeah, ayun siya" sabay turo niya sa babaeng nag liligpit ng gamit sa loob "Hoyyy bakla may naghahanap sayo!" sigaw niya, okay confirm bakla nga. "Ah sige salamat." Sabat ni Alexy na tinanguan lang nung lalaking pinag tanungan namin sabay lakad papalayo. Maya-maya pa ay lumabas na rin si Abby, at agad namin siyang nilapitan. "Ikaw ba si Abby?" Tanong ni Alexy. "Ahm opo ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?" Tanong niya, kung susurii'y parang isa siyang anghel na hindi makakagawa ng kamalian o na hindi kayang pumatay ng kahit na ano pa ang gawin mong kasalanan sa kaniya. But looks can be deceiving. "Isa ka ba sa mga kaibigan ni miss Anna Lucas?" Biglaan na namang tanong ng seryosong si Alexy, parang kinakabahan namang tumango si Abby. Bakit ba sila kinakabahan, nagtatanong lang naman kami. "O-opo, miss na miss ko na nga yung kaibigan ko'ng iyon eh, napaka buti niyang tao ni hindi nga po ako maka paniwalang magagawa niyang mag suicide eh." Naluluhang sambit niya. "Sorry, pero hindi sya nag suicide. Pinatay sya, kaya kinakailangan namin ng impormasyon dun sa mga huli nyang nakasama." Pagpapaliwanag ko. "By the way, ako nga pala si Rhian." "Ako naman si Alexy Tan." Pagpapakilala naman ni Alexy, himala hindi na niya dineretsa na hindi suicide yung nangyari. "Abby." Ngumiti ng bahagya si Abby at nagkamayan kami pagkatapos ay sila naman si Alexy. "Nasaan ka nung bandang 12:00-7:00 ng umaga?" Usisa ko. "Ako yung kasama ni Anna sa dorm. Tapos si Sophie naman kasama yung boyfriend nya, magkasama sila magdamag lumabas lang ako sandali para bumili ng makakain namin tapos pagbalik ko nakita ko sya wala ng buhay." malumanay na sabi niya. Nahulog naman ako sa malalim na pag iisip. Sino kaya talaga ang pumatay kay Miss Anna? Iyan ang kanina pang tanong na gumugulo sa isipan ko. "Kung ganon, wala ka nung nawalan sya ng buhay" tanong ni Alexy. "Ganun na nga, kaya nabigla ako sa nangyari sakanya." Malungkot na saad niya. Nakita kong napaisip si Alexy. "Hmm. Sige salamat sa iyong oras, aalis na kami." Sabi ni Alexy. "Maraming salamat Abby." Nginitian ko si Abby at bumaling na ako kay Alexy. "Tara na Alexy." Anyaya ko na tinanguan naman niya. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa classroom namin dahil konting oras nalang at mag uumpisa na ang aming next subject. "Sino sa tingin mo ang suspect?" tanong niya sa gitna ng aming paglalakad. "Hindi ko masasabi pero may suspetya ako na si---" sagot ko na pinigilan niya. Nag quiet sign siya at luminga, nung una'y hindi ko maintindihan ngunit unti unti'y napansin ko rin na may nagma-man-man nanaman sa amin. Tulad ng dati'y matalim pa rin ang tingin nito at sa tingin ko'y iisang tao lang ang nagma-man-man sa amin noon at sa ngayon ngunit sa pagkakataong ito ay mukhang may kasama na ito. Ano kayang kailangan nila at bakit nila kami minamanmanan? Alexy Tan PoV  Habang nag lalakad kami papuntang classroom alam ko nang kanina pa may nakatingin sa min, tumitingin tingin pa rin ako sa gilid at sa likuran hinahanap ko na ang napakatalim na titig na iyon kanina pa ngunit sadyang napakagaling nitong mag tago kaya't wala ni anino akong makita, kaya ko rin pinigilan na mag salita si Rhian ay baka ang nag-mamanman sa amin ay ang suspect sa pag kamatay ni Anna at gusto niyang malaman ang plano namin ni Rhian, tumahimik kami ni Rhian at ilang saglit ay nag tuloy na rin kami sa pag lalakad pabalik sa classroom namin. Nang makarating na kami sa classroom ay umupo na kami sa upuan namin, dumating naman agad si Ma'am Turla ang Esp Teacher namin at nag simulang magturo. Natapos ang klase na wala akong natutunan, anong magagawa ko ehh lutang na naman ang isip ko. Buti nga at hindi ako napapansin ni Ma'am Turla kanina, medyo terror pa naman yun. Nag-ayos na'ko ng gamit at inaya si Rhian na umuwi na sa dorm. Naging mag kaibigan na kami ni Rhian syempre palagi kaming mag kasama at magaan din ang loob ko sakanya, hindi ko nga alam na naalis na yung maldita kong attitude. Nakarating na kami sa dorm at napag usapan namin na bumalik sa crime scene mamayang 12:00 ng gabi, para maka hanap pa ng mga impormasyon. Pagka tapos naming mag usap ay pumasok na'ko sa kwarto at nag palit ng damit. Pumunta muna ako sa sala at nag bukas ng sss account, matagal na din kasi akong hindi naka pag online. Pagka bukas ko ng account ay tinignan ko ang mga chat sakin halos kaibigan ko sa dati kong school ang mga nag message sakin, yung iba pinapabalik na nila ko sa dating kong school dahil daw na mimiss na nila ako. Gustohin ko mang bumalik sa dati kong school ay hindi na pwede. Ako ang sinisisi ng mga estudiyante na may kinalaman sa pagkamatay ng queen bee nila na dati kong bestfriend. Ikukwento ko nalang siguro kay Rhian ang pangyayari sa susunod na araw dahil hindi pa ako handang balikan ang mapait na nakaraan na dinanas ko sa dati kong paaralan at ang pag kamatay ng kaibigan ko. Ilang saglit pa ay naka ramdam na rin ako ng gutom buti nalang at tinawag nako ni Rhian para kumain. "Alexy tara kain na tayo." anyaya niya sakin at naglakad na papunta sa kusina. Sumunod naman ako sa kusina, umupo na'ko sa upuan at nag simula na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay ako na ang nag prisinta na mag hugas na ng pinag kainan namin, naiwan naman si Rhian sa lamesa at siya na ang nag punas ng lamesa. Pagkatapos kong mag hugas ng pinag kainan namin ay pumunta naman ako sa sala at nadatnan si Rhian na naka upo sa sofa at nanonood. Umupo naman ako sa tabi niya at nanood din. Makalipas ang ilang minuto bigla nalang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Mommy yun kaya agad kong sinagot. "Hello Mom, napatawag po kayo" tanong ko. "Hello anak buti gising kapa, how's your school?" tanong niya, tinignan ko naman ang oras at 11:30 pm na pala. "Okay naman po ang pag aaral ko, kailangan po pala kayo uuwi?" tanong ko. "Mukhang matatagalan kami Anak pero promise namin na babawi kami sayo" sagot niya. "Sige po, meron pa po ba kayong sasabihin?" tanong ko. "Wala na Anak basta ayusin mo ang pag aaral mo diyan" saad niya "Sige po Mom, i love you po" saad ko. "I love you too Anak, bye" saad niya at pinatay na ang tawag. Binaba ko na ang cellphone ko at yinaya si Rhian na pumunta na sa crime scene "Rhian pumunta na tayo sa crime scene" yaya ko. "Sige" pag sangayon naman niya, lalakad na sana kami ng may bigla akong naalala. "Sandali lang pala, kukunin ko lang yung notebook ko" saad ko, tumango naman siya. Pumunta nako sa kwarto at nag madaling kunin yung notebook ko. Pag dating ko sa sala ay tulala lang si Rhian na parang malalim ang iniisip. Kinalabit ko naman siya dahilan para bumalik siya sa reyalidad. "Anong iniisip mo at natulala ka diyan" tanong ko. "W-wala, halika na alis na tayo" saad niya at lumabas na ng dorm. Sumunod naman ako sakanya at naglakad na papunta sa crime scene. Pagdating namin sa dorm no. 68 kaagad kaming nag imbistiga, nakita ko si Rhian na nakatingin sa may kalendaryo sa taas ng cabinet, hinayaan ko lamang sya at nagpunta ako sa mga kama, sinilip ko yung mga ilalim na nagbabakasakaling may clue don. Pero wala akong nakita sunod ko namang pinuntahan yung CR pero wala parin akong nakita don papunta na sana ako sa kusina ng bigla akong tawagin ni Rhian. "Alexy, tignan mo ito." saad nya sabay turo sa kalendaryo Tinignan ko naman yung kalendaryo, nakakapagtaka kung bakit nakabilog yung 2 sa September. "Posibleng kayang iniwan yan ng biktima para makapagturo sa salarin? Tignan mo pa 'to" sabi niya at may kinuha sa may taas ng cabinet. Tinignan ko naman yung kinuha niya, isang papel na may number na naka sulat. 35 34 43 15 24 23 "Bakit naman number pa yung iiwan nyang clue? Bakit hindi nalang mismong pangalan nung culprit?" Naguguluhang tanong ko. "Diba nga fan sila ni Sherlock Holmes at silang tatlong magkakaibigan palaging nagbabasa ng storya ni Sherlock Holmes." paliwanag niya saakin. "Oo nga pala, natatandaan ko na nung pinuntahan natin si Sophie sinabi nyang nagbabasa sila ng storya ni Sherlock Holmes." Saad ko. "Kaya siguro ganyan yung iniwan niyang code. Hindi kaya alam niyang papatayin siya kaya kagad syang nag iwan ng code?" saad ni Rhian. Naglibot libot pa kami sa posible pang maging clue may nakita akong baso sa may kusina na nakalagay sa sahig, pinulot ko naman iyon gamit ang panyo ko at inamoy. Natigilan ako. Alam ko na. Pinatay siya sa pamamagitang ng paglalason sakanya na pinagmukhang suicide. Nilabas ko naman yung cellphone ko at tinignan ko ang nakahandusay na picture ng katawan ng biktima. "Kung tutuusin para nga itong suicide dahil sa pulso nyang nakahiwa, pero pinatay sya gamit ang lason." sabi ko. Posibleng ginawa ng killer. Nilason muna niya at pagkatapos niyang mawalan ng buhay, tsaka hiniwa ng killer yung pulso niya to look like a suicide. "Tara Rhian, sagutan na natin to" sabi ko sabay bulsa sa papel na may numero. "Sige, dalhin nalang natin yung papel na pinagsulatan ng code ng biktima." saad nya I wonder kung bakit hindi nakita ng mga pulis na nag inspekta dito sa crime scene ang papel na pinagsulatan ng code ang tanga naman nila tss. Ng makabalik na kami sa dorm kaagad akong kumuha ng papel at ballpen. Kinuha naman ni Rhian yung papel sakin at pinakasuri. Ilang saglit lang ay nagsalita na sya. "I think i know what kind of code she used." sabi naman ni Rhian. "What kind?" curios na tanong ko. "Polybious code." sabi niya sabay kuha ng papel at ballpen sakin. Nagsimulang mag sulat si Rhian ng column na 5×5. Napaisip naman ako, tama sya polybiuos code nga yung ginamit ng biktima, well, magaling din pala si Rhian sa ganito    1 2  3 4  5 1 A B C D E 2 F G H I/J K 3 L M N O P 4 Q R S T U 5 V W X Y Z Nakita ko namang nilapag niya yung papel at ballpen sa mesa. Ng matapos nyang idecode yung mga numero. 35-P 34-O 43-S 15-E 24-I 23-H POSEIH yung nakuha nya, matapos nyang sagutan yung code. "Poseih?" Tanong ko. "It doesn't make sense" "Maaring dalawang code ang ginamit ng biktima" sabi naman ni Rhian. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso. Kinuha ko sakanya ang papel na sinagutan nya. Pinakasuri ko naman ito at nalaman na tricode cipher ang ginamit ng biktima "Isa itong tricode cipher" sabi ko kay Rhian "Alam mo ba yung tricode cipher?" Tanong ko sakanya. "Oo." sagot nya sabay tango. Nagpakawala naman ako ng isang matamis na ngiti, at sinimulang sagutan ang nakuha ni Rhian na poseih. "Pwedeng ako naman ang sumagot" tanong ko tumango naman siya at sinimulan ko nang sagutan. Tricode chiper, isang code naka divide into three chunks. Dahil 6 letters naman ang IOHPSE hindi mo na kailangang dagdagan ng X ang dulo nito kasi sakto na yung letters (kung 5 letters lang kasi yan kailangan pang mag dagdag ng letter X sa dulo so that maging sakto siyang 6). Gets niyo? POS EIH Then reverse the letters in each chunk. Ng matapos ko ng sagutan ang code.. pinakita ko iyo kay rhian Nakita ko naman si Rhian na napangiti. "Bakit ka nakangiti Rhian?" tanong ko. "I knew it, sabi ko na sya yun e.." sabi naman nya POS EIH When you arrange it, magiging itong. SOP HIE si SOPHIE. Rhian Dela Cruz PoV Sabi na nga ba si Sophie yung pumatay, pero bakit nya papatayin yung sarili nyang kaibigan?? Tinignan ko namn ang relo ko, Mag aalas tres na pala ng umaga. Mahigit tatlong oras na pala kami ni Alexy na sinasagutan tong code. "Matulog na tayo Rhian." sabi ni Alexy "bukas nalang natin gawin yung deduction show." sabi nya sabay ngiti, excited siguro siya. "Sige, goodnight Alexy" sabi ko "Goodnight din Rhian" sabi nya sabay higa sa kama. Tinago ko naman yung papel sa kabinet ko at natulog. ----------- Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Alexy, para puntahan si Sophie. Nag-ikot ikot muna kami at hinanap kung nasaan sina Sophie at Abby. Matapos ang ilang oras na nag pa ikot ikot kami ay nakita rin namin silang dalawa mag kasama sila at may kasama pa silang lalaki na siguro'y ang boyfriend ni Sophie. Pinagod pa nila kami hayss "Ayun si Sophie, saktong sakto at mag kakasama silang tatlo" sabi ni Alexy sabay turo sa Cafeteria. "Tara na, puntahan na natin sila huwag na tayong mag sayang ng oras." sabi ko, at nag lakad na kami sa kinaroroonan nilang tatlo. "Hi, Good morning" nakangiting bati ko "Oh, kayo pala Alexy, Rhian, good morning din sa inyo" nakangiti ring sabi ni Abby ngunit hindi makatakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan at hinanakit. "Pwede ba kayong makausap?" tanong ko. "Oo naman, take your seat." sabi ni Abby "So this is Dominic, Sophie's Boyfriend" pagpapakilala ni Abby sa lalaking naka akbay kay Sophie. Ngumiti lang si Dominic saamin na sinuklian rin namin ng ngiti. "So anong paguusapan natin?" tanong naman kaagad ni Sophie. "Alam na namin kung sinong pumatay kay Anna." sabi ni Alexy, ako naman ay naka tingin kay Sophie na halatang pilit na inaalis ang magkahalong takot at gulat sa kanyang mukha. "Sino?" tanong ng naluluhang si Abby. "Its, you Sophie" saad ni Alexy. Hayy si Alexy talaga, palagi nalang straight to the point. "What!? Ako!? Pano ko naman gagawin yon? Eh kasama ko yung boyfriend ko ng oras na yon tsaka duh?! Alam nyo naman na kaibigan ko siya diba?" tanggi nya, at sa sobrang OA ng pag hy-hysterical niya ay mas lalong napaghahalataang guilty siya. That's exactly my point here, mag kaibigan sila, so bakit niya nga naman papatayin si Anna? Pero naisip ko na siguro'y dahil ito sa inggit, selos o kung ano pa man na kinaiinisan nitong si Sophie kay Anna. "Dominic? May i ask you something?" tanong ni Alexy sa boyfriend ni Sophie. "Yes, sure" sagot nito. "May oras ba na nagpaalam sayo si sophie na bibili sya? may nakalimutan? or anything?" tanong ni Alexy. "Yeah, she said that she'll buy a food for us" Dominic said, mukhang naguguluhan na siya sa nangyayari. Binalingan ko naman si Sophie na may matalim na titig sa aming dalawa ni Alexy. "So nung time na nagpaalam ka sa boyfriend mo nagpunta ka sa dorm nyo para sana patayin mo si Anna ngunit naisip mo na nandoon si Abby, plano mo sanang bantayan ang pag labas ni Abby dahil para makapasok ka sa loob, sakto namang habang nag aabang ka ay nakita mo si Abby na lumabas at kinuha mo yung pagkakataon na iyon para pumasok sa loob ng dorm niyo," sabi ko "Siguro'y naisipan mong libangin muna si Anna kaya't nakipag kwentuhan ka sakanya at ilang saglit ay pumunta ka sa kusina at nag timpla ka ng juice para sainyong dalawa. Pero ang pinag kaiba ng juice ninyong dalawa ay may nilagay ka na lason sa baso si Anna." "At nung natapos mo ng timplahan yung juice ay inalok mo na kay Anna yung may lason, sabay niyong ininom yun ng sa gayon ay hindi ka niya pagdudahan. Ilang saglit lang ay nawalan na sya ng buhay, tsaka ka kumuha ng kutsilyo para hiwain sya sa pulsuhan nya. pinagmumukha mong suicide ang kanyang pag kamatay. At pagkatapos mong patayin si Anna umalis kana, at nagpunta ka sa cr para linisin ang katawan mo. At bumalik ka sa kung nasaan man ang boyfriend mo. At isa pang napansin namin bawal mag kasama ang babae at lalaki sa iisang dorm." mahabang sabi ko na mukhang ikinagulat niya ngunit si Abby ay nakatulala lang iniisip niya siguro kung totoo ba ang sinasabi namin si Alexy. "Am i right?" dagdag na tanong ko pa. Bigla nalang humagulgol sa pag iyak si Sophie patunay na ginawa nga niya iyon. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at nag salita si Alexy "Kung ano mang dahilan mo para patayin si Anna, wala ka paring karapatan para tumapos ng buhay ng tao" saad niya at umalis na kami sa canteen bahala na si Sophie na mag paliwanag at pag bayaran ang ginawa niya. #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD