Chapter 4

2831 Words
Rhian Dela Cruz PoV Lumipas ang araw, hindi narin itinaggi Sophie na siya ang pumatay kay Anna. Nung tinanong naman namin siya kung bakit niya ginawa yun, pinag tapat niya saamin na galit daw siya kay Anna dahil palagi nalang daw siya yung bida sa klase, na siya nalang lagi, palagi nalang daw si Anna ultimo ang boyfriend niyang si Dominic ay humahanga sa angking katalinuhan at kabaitan ni Anna. At marami din daw nanliligaw kay Anna, at may palaging nagbibigay ng chocolate sa kanya. May secret admirer din siya. Maganda, sexy, matalino at higit sa lahat ay mabait kasi si Anna. Palagi rin daw silang pinag kukumpara at mas pinupuri nila si Anna kesa sa kanya hanggang isang araw ay napikon na siya. Hindi naman daw dapat niya papatayin si Anna, kakausapin niya lang daw dapat ito ngunit habang nag ku kwentuhan sila ay napansin niyang masayang masaya si Anna habang siya ay nababaon sa kalungkutan at inggit, tapos ay parang may nagtutulak daw sa kanya na lasunin si Anna kaya bago siya pumunta sa kusina para mag timpla ng juice ay kinuha niya muna sa cabinet niya yung lason na binili niya para sa mga insekto, dumiretso na siya sa kusina at nag sangkap ng juice. Pagkatapos inumin ni Anna ang juice ay nag kwentuhan pa daw sila at ilang saglit ay nakaramdam na nga ng hilo si Anna at nahimatay siya kasabay ng pag bula ng kanyang bibig dali dali daw niyang pinunasan ang bibig ni Anna at kumuha siya ng kutsilyo na ginamit naman niya para hiwaan ang pulsuhan ni Anna at nilagay niya ang kutsilyo sa isa pang kamay ng biktima para lumabas na suicide ang nangyari. Naramdaman niyang may pumasok sa pinto kaya't sa bintana nalang siya lumabas, gaya ng hinala ko'y pumunta muna siya sa cr para mag linis ng katawan at bumili muna siya sa cafeteria at dumiretso na siya sa dorm ng boyfriend niya. Dahil siguro sa nagawa niya at labis na pag sisisi, dinitalye na niya lahat ng ginawa nya. Tulala siya habang sinasabi samin yung nangyari. Pano naman kaya naisulat ni Anna ang code lalo na double code yung ginamit niya? Siguro nag taka siya kasi matagal bumalik si Sophie kaya naramdaman niya na may binabalak itong masama sa kanya? Kaya gumawa na kaagad siyang code. Sinabi din ni Sophie kanina na sa kanilang tatlo ay si Anna ang maalam sa mga codes, kaya't hindi na ako mag tataka kung bakit nasulat niya kaagad ang double code na ginamit niya. So the case was already solved, thanks to us. Nadala na din sa DSWD si Sophie, pagkatapos naming mag usap. Si Inspector Sammy na tito ko ang tinawagan ko para madala sa DSWD si Sophie dahil hindi pa sya pwedeng makulong. Magkasama kami ngayon ni Alexy sa cafeteria, kumakain kami ngayon ng burger and fries. Napansin ko namn si Alexy na malalim yung iniisip, halos 'di nya man nagalaw yung pagkain niya. "Alexy? Anong iniisip mo? May problema ba?" Tanong ko. "Ah ini---isip ko lang, kung bakit nagawang patayin ni Sophie na patayin si Anna ng dahil lang sa inggit, gayung ilan taon na silang magkaibigan." Malumanay na sabi niya. "Iba talaga nagagawa ng selos at inggit, makakagawa ka ng bagay na pag sisisihan mo sa huli." Saad ko. May narinig naman ako na parang nagaaway, hinanap namin kung saan nagmumula yung ingay nayun, at nakita ko si Mich na naman na may kaaway. Nanaman. Sabagay, araw araw naman ata may ka away 'yun. "Transferee?" biglaang tanong ni Alexy. Hayyss ang hilig manggulat nitong babaeng ito. "Oo, siguro, teka mukhang kaklase pa natin ah? Magkamukha tayong ID." sabi ko. Personalized kasi yung ID namin. "What the!? Bakit ba lahat ng transferee dito umuupo sa upuan ko?" galit na sabi ni Mich the b***h, nakakatawa lang na nahahawa na ako sa pagiging harsh ni Alexy. "Excuse me? Ikaw na mismo nagsabi TRANSFEREE! edi ibig sabihin hindi ko alam na upuan moto! And for your information walang naka lagay na pangalan mo, at hindi mo pagaari tong iskwelahan na ito or itong lamesa na'to, sa susunod kasi MISS palagyan mo ng pangalan mo or much better kung bumili ka ng sarili mong lamesa para ikaw lang ang uupo kasama yang mga alipores mo." sabi naman ni girl, woah grabe parehas silang lalaban. Kung ako lang 'tong si girl hindi ko na lalabanan itong si Mich kasi ayaw ko lang. "I like her." narinig kong sabi ni Alexy sa gitna ng sagutan ni Mich at ni Ms. Brave. "Tara lapitan natin." dagdag ni Alexy sabay hatak sa akin palapit kila Mich. Lumapit naman kami. "Oww, kayo na naman. Ipagtatanggol mo din ba to? Huh Miss Sabatera?" tanong ni Mich kay Alexy. "Tss, mukhang 'di na yata kailangan eh, mukhang mas malakas pa siya sakin. Taob ka e." nakangising wika ni Alexy. Napa sapo nalang ako sa ulo. Ayoko talaga ng away. Lumapit si Alexy dun kay Ms. Palaban. Mukhang gusto ko na din tong si girl eh. "Hi, ako nga pala si Alexy." pagpapakilala nya. Nagpakilala pa talaga siya! Tinignan niya ako kaya wala rin akong nagawa. "Ako si Rhian." saad ko. "Hello, I'm Sarah Lee Lopez" pagpapakilala niya. At shake hands kami. Well mukha namang mabait itong si Sarah. Palaban nga lang para tuloy siyang sadista. No, hindi parang. Sadista talaga siya. "Sino ba tong babaeng makapal ang make up nato? Mukang unggoy amputa." diretsang tanong ni Sarah s***h Ms. Palaban. "Ah, yan ba? Yan si Mich, ang dakilang b***h and slut" sabi ko na mukhang kinabigla yata nitong si Mich well nagulat siguro kasi naki alam din ako, dati kasi hinahayaan ko lang siya "Palagi nalang may inaaway yan at kasama na'ko don." "Beacause you're a nerd! And i hate nerd! Look at you, you're so damn ugly, just like eww." maarteng wika nya, tss kahit kailan b***h siya. Sumabat naman si Alexy. "Look at her? Well she looks nice, she's kind, friendly, and pretty inside and out. And please minsan nga tumingin ka sa salamin or baka wala kang salamin? Try mo kaya bumili, yung malaki huh? Yung kita buong katawan mo then look at your self, you look like a clown, why? Kasi sa kapal ng make-up mo, yes you're sexy and pretty. But inside? You're so damn ugly. Your attitude is so ugly, you look like joker in batman." Sabi ni Alexy. Napa 'woahhh' naman yung ibang mga tao sa paligid na pinapanuod kami. May mga narinig din ako na sinabi ng mga nanonood na. 'Bagay sa kanya, b***h kasi' 'Lahat nalang kasi inaaway' 'Grabe haha wala ng nasabi yung mga alipores ni Mich' Nagwalk out naman bigla si Mich sabay sunod ng mga alipores niya sa kanya, kaya natawa nalang ako. "Galing mo Alexy." sabi ko sakanya. "Diba, sabi ko naman sayo 'di kana niya pwedeng bullihin pa." Sagot nya "Thanks Alexy. Sinasagot sagot ko na nga si Mich ehh." Sabi ko sabay ngiti. Ginawaran niya naman ako ng isang matamis na ngiti, bilang ganti. Naalala kong kasama nga pala namin si Sarah. "Sarah? Bakit parang pamilyar ka?" tanong ko. "Ah section A ako, nakita ko na kayo kanina sa room siguro nakita niyo rin ako kaya pamilyar ako sa inyo." saad niya. "Sabi ko na nga ba nakita na kita eh hahaha." sagot ko "Nakita ko rin ID mo kanina eh. Kaso hindi ko maalala yung mukha mo, bakit parang hindi kita nakita noong second subject?" tanong ko. "Ah nag skip class kasi ako eh." sagot niya sabay yuko, nahihiya yata well ang cute niya. "Bat ka nag skip class?" Tanong ni Alexy. "Wait upo muna tayo dun sa may upuan nakakangalay dito eh" sabi ko "Sabay kana saming mag recess." sabi ko, sabay ngiti. Ngayon nalang ulit ako nag ka kaibigan o nakipag kaibigan. Aaminin ko na gusto kong maging kaibigan si Sarah, ang tapang niya kasi in a nice way tapos mukhang mabait pa siya. 'Di na siya tumanggi pa at sumama na samin sa may upuan sa field, may iilang tao doon yung iba nag pa practice, may iba naman na nakaupo sa mga upuan, may magbabarkada at may mag jowa rin na masyadong PDA. "So again bakit ka nga nag skip ng class?" tanong ulit ni Alexy. "Ah, pinatawag kasi ako sa office kanina, inayos yung mga papers ko, kasi nga transferee ako alam din naman nung Teacher na papasukan ko na 'di muna ako makakapasok sa klase niya kasi aayusin pa mga papers ko. Pagkatapos hindi muna ako bumalik sa room kasi bibili dapat ako ng tubig, sakto namang wala pa daw yung tubig na inorder nung mga nag titinda sa cafeteria umupo muna ako at ayun na nga hinila ako ni Mich the b***h na siguro ay nag diditch din sa labas ng Cafeteria kung saan niyo kami nakita nag tagal yung bangayan namin tapos napansin ko dumadami yung istudyante yun pala break time na." Mahabang sagot ni Sarah. "Bakit ka ba nag transfer?" Tanong ko. "Na kick out kasi ako sa school na pinapasukan ko, sa Shine University." simpleng sagot ulit niya. "Bakit?" Sabay na tanong namin ni Alexy. Curious lang kasi kami. "May napahospital kasi ako na dati kong classmate, palagi ko yung kaaway 'di na'ko nakapagpigil ayon na suntok ko, nahimatay kaya galit na galit sakin yung magulang niya, so ayun pinakick out ako kaya ako napadpad dito." sagot nya. 'Woah palaban talaga siya' sabi ko nalang sa isipan ko. "Anong number yung dorm mo? Baka mag kalapit lang tayo?" Tanong ni Alexy. "Dorm no. 53 may kasama nga akong dalawa e. 'Diko alam kung sino kase 'diko na sila naabutan. Nung lumipat ako dun oras na ng klase e." sabi nya Dorm no. 53? Teka dorm namin ni Alexy yun ah. Nagkatinginan kami at sabay na napangiti. Mukhang nagtataka naman si Sarah sa inakto namin. "Dorm namin yun ni Rhian." sagot ni Alexy. "So Dormmate tayo?" Tanong nya, sabay naman kaming tumango ni Alexy. "Yup" sagot ko with smile. "Akala ko pa naman mahihirapan ako sa pakikitungo sa magiging dormmate ko, buti nalang nakilala ko na kayo, at ang babait niyo pa.  Hindi ko talaga inakala." Sabi niya sabay tawa ulit. I really like this girl, ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. "Friends?" Tanong ko. Kailan pa ako naging friendly? Well nung nakilala ko si Alexy. Naisip ko kasi na hindi naman masamang makipag kaibigan. "Yes, friends." nakangiting sabi niya at tinanggap yung kamay namin. Narinig namin namin yung ring ng bell, means tapos na yung recess. Nag-aya na ako na bumalik na sa room kasi baka nandon na yung teacher namin. Sinang-ayunan naman yon nilang dalawa. Nang makabalik kami sa room, kasunod lang pala namin si Sir Nathan, ang PE teacher namin. Mabait siya, sobra, tapos bata pa siya at ang gwapo pa niya. "Oh we have your new classmate here, please introduce yourself." sabi ni Sir Nathan at agad naman kaming umupo ni Alexy habang si Sarah in- introduce niya yung sarili niya sa mga kaklase namin. "I'm m Sarah Lee Lopez, 17 years old." Dahil malapit lang yung upuan ko sa pwesto ni Mich narinig kong sininghalan niya si Sarah, "b***h" bulong niya pa. "Okay Sarah, you can take your seat, sa tabi ni Ms. Lehitimo." sabi ni Sir. Umupo naman kaagad si Sarah at nag start na yung klase. Sarah Lopez PoV Nagsimula na nga ang klase, mabait pala tong si sir. Ang cute pa. Urghh naalala ko na naman yung tinawag nila Alexy na Mich the b***h, hindi niya 'ko matatalo masyado siyang pabida. Makapag concentrate na nga lang sa topic. Nagdidiscuss siya tungkol sa martial arts, since PE yung subject namin ngayon pagkatapos daw mag discuss ni Sir pupunta kami sa gymnasium at dun mag mamartial arts. Nang matapos mag discuss si Sir Nathan, sinabi niya na magbihis na daw kami para makapag martial arts na. Pumunta naman ako kaagad sa locker ko at kinuha yung jogging pants and PE t-shirt actually kanina lang binigay to kasabay ng pagaayos sa papers ko, narinig ko naman na tinatawag ako ni Alexy kaya lumingon ako. "Sarah, tara sabay na tayong pumunta sa Comfort Room." Anyaya nya, kasama pa rin niya si Rhian. Mukha namang mabait yung dalawa, tsaka sila yung una kong naging kaibigan sa unang araw ko dito sa school na to. Kaya sumama nako sakanila. "Sige" sagot ko at tinahak na nga namin yung daan papunta sa CR. Ng makapagbihis na kami, kagad na kaming nag umpisa. Unang sinabak yung mga boys, tapos na kaming turuan kanina since na discuss na samin kung pano mag martial arts. While me? Naka upo lang ako dito sa bench, naghihintay na isabak ako. I love martial arts. Napansin ko naman sila Alexy sa tabi ko, parang excited din silang ma sabak. "Marunong ba kayong mag martial arts?" Tanong ko sakanila si Alexy ang unang sumagot. "Oo naman. Meron akong sariling kwarto na pinag te-trainingan ko. And i love martials arts, kaya sobrang excited na'ko." masayang sagot niya. "Marunong din ako, tinuturuan kasi ako ng ate ko. Excited na nga din ako e." sagot naman ni Rhian na mukhang sobrang excited nga. "Eh ikaw Sarah? Marunong kaba?" Tanong naman ni Alexy. I like this two girls, pakiramdam ko marami kaming pagkakapareho. Magkakasundo kami nito. "Oo naman, like Alexy meron din akong sariling training room sa bahay. Pag wala akong magawa nagtetraning lang ako." Sagot ko. 'Di namin namalayan na tapos na pala yung boys dahil sa pakikipag kwentuhan namin. Tinawag na si Rhian kasi siya na yung next. "Oopss, ba't si Mich the b***h pa kalaban niya? Lagot si Mich" masayang wika ni Alexy. Oo masaya siya, mahilig rin ata siya sa away. Ang cute talaga nilang dalawa. Nagsimula na ngang maglaban sila Mich at si Rhian, mukhang madali lang para kay Rhian na talunin si Mich. "Mukhang dito makakaganti si Rhian ah?" sabi ni Alexy na naka focus talaga sa laban ni Rhian haha. "Alexy? Transferee ka din ba dito? Kasi napapansin ko palagi kang pinagtitinginan ng mga tao lalo na kapag kasama mo si Rhian." tanong ko. "Ahh, oo. Gaya mo, nung unang araw ko dito si Mich din naka away ko. Nakita ko kasi nun na tinulak ni Mich si Rhian kaya napaupo siya sa sahig so ayun, tinulungan ko siya. Tapos kami yung nag away. Masyado syang bilib sa sarili niya. Ang pangit naman ng ugali isama mo pa yung mga alipores niya ang lalandi." Mahabang sagot niya, natawa naman ako sakanya. "Ah, kaya pala. So dun kayo nagkakilala ni Rhian?" tanong ko. "Oo, mabait si Rhian, 'di niya lang nilalabanan si Mich kase baka daw mapatay niya." Tumawa siya. "Just kidding, sanay na daw kasi siya kay Mich, since palagi siyang binubully ni Mich na sanay na yata, kaya sabi ko sakanya simula ngayon hindi na siya pwedeng bullihin ni Mich." Saad niya. "Kung ako si Rhian, sinuntok ko na yun." Sabi ko kay Alexy. "Eh, bakit hindi mo siya sinuntok kanina?" Pabirong tanong niya, kung pwede nga lang e. Baka nasa hospital na siya ngayon. "Bago palang kasi ako dito eh, kailangan maganda record ko, hanggat kaya kong pigilan sarili ko pipigilan ko muna. Saka nako gaganti sakanya pag matagal tagal nako dito. Tsaka baka mabasag pa yung bungo niya hahaha" pabirong sagot ko naman. Narinig ko namang tinawag yung pangalan ko, tapos na pala si Rhian. "Rhian sinong panalo?" Tanong ni Alexy, nawala yata yung focus niya sa panonood dahil sa pinag usapan namin haha "Ako!" masayang sagot nya, tinignan ko naman si Mich na may pasa sa mukha, buti nga sayo. "Good, nakaganti kana HAHAHA." masayang sabi din ni Alexy. Alexy Tan PoV Natapos ang subject ng masaya kaming tatlo maliban nalang kay Mich na natalo kay Rhian, nanalo si Sarah laban kay Aira at nanalo din ako laban kay Thea. Pagkatapos ng klase sabay sabay kaming umuwing tatlo. Habang naglalakad kami papuntang dorm napansin ko nanaman ang mga nagmamanman samin, kung dati dalawa lang sila ngayon tatlong pares na ng mga mata. Hindi ko nalang sila pinansin at nag tuloy nalang ng lakad. Nang makarating kami ay agad ako pumunta sa kwarto at humiga sa kama hayss gusto ko nang matulog. Bago ko paman ipikit yung mga mata ko bigla nalang pumasok sa kwarto si Sarah "Oyy Alexy magbihis ka muna tsaka kumain bago ka matulog" saad niya tumayo naman ako at pumunta sa banyo. Pagka tapos ko ay lumabas nako ng banyo. Wala na rin si Sarah sa kwarto kaya pumunta ako ng sala pero wala rin siya, dumiretso ako sa kusina at nakita ko siyang nag lalagay ng plato sa lamesa, nahiya naman ako kaya tumulong nako sakanila. Pagkatapos naming mag lagay ng plato ay tapos na ding mag luto si Rhian. Nag simula na kaming kumain at wala ni isa sakanila ang nag sasalita kaya binasag ko ang katahimikan "Punta tayong mall bukas" saad ko "Sige, wala namang pasok bukas dahil weekend" saad ni Rhian, tinignan ko naman si Sarah "Sama ka" saad ko tumango naman siya at nagsimula na ulit kaming kumain Pag katapos kumain ay nag prisinta si Sarah na mag hugas ng pinag kainan namin, ako naman ang nag punas ng mesa. Pagka tapos kong mag linis ay pumunta nako sa kwarto, nag sipilyo muna ako at humiga na sa kama. Goodnight #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD