Chapter 5

1884 Words
Alexy Tan PoV "Alexy gising na" sabay yugyog sakin ni Rhian. "Oo na" saad ko sabay tayo, napansin ko naman na dress siya kaya kumunot yung noo ko saan naman punta nito. "Saan punta mo?" Tanong ko  "Sa mall nagyaya kasi yung DORMMATE ko." sagot niya sabay diin sa dormmate. Sh*t naalala ko na yinaya ko pala sila kagabe. "Sige maliligo na'ko." saad ko habang nagmamadaling pumasok sa banyo. Pagka tapos kong maligo ay agad akong nag bihis at inayos yung buhok ko, nag lagay ako ng konting lip tint sa labi ko hindi naman ako katulad ni Mich na ginagawang coloring book yung mukha. Pagka tapos kong mag ayos ay lumabas na'ko ng kwarto, nadatnan ko silang nag hihintay doon kaya yinaya ko na silang umalis. Dumiretso kami sa parking lot ng school, nandon kase yung kotse ko yun nalang ang sasakyan namin. Pagka pasok nila sa loob ay agad kong pina andar ito. Agad kaming naka rating sa mall dahil walang traffic at hindi rin naman masyadong malayo yung mall sa school namin. Pagka park ng kotse ko sa parking lot ay agad kaming lumabas at naglakad papasok sa mall. ---------  Nandito kami ngayon sa damitan, silang dalawa ay nakapili na habang ako hindi pa, nahihiya na rin ako kasi mahigit 4 na oras na kaming paikot ikot dito. "Alexy? Fit this one, it looks wonderful." nakangiting sabi ni Sarah sabay abot saakin nung dress na kulay purple siya na sobrang dark as in ang ganda talaga tapos backless pa siya. "Sige ta-try ko, mukhang maganda nga ito." sagot ko sabay lakad papuntang fitting room. Yung napili ni Rhian ay kulay light pink, lagpas tuhod ang haba at bumagay naman ito sa kanya, napag usapan kasi namin kanina na i me-make over namin siya, bibili na rin kami ng contactlence para hindi na sya mag salamin. Ang kay Sarah naman ay color red na abot hanggang tuhod bumagay din ito sa kanya. Pag katapos kong mag palit ay lumabas na ako ng fitting room. "Oh my gosh." sabay na sabi nilang dalawa. "Ang ganda mo Alexy." sabi ni Rhian. "I agree." sang ayon naman ni Sarah. Pagkatapos naming mamili ng damit pumila na kami sa counter at nag bayad tapos ay napag pasyahan namin na pumunta muna sa arcade para mag laro. "Rhian, Sarah kain na tayo." aya ko, Nakakagutom din pala mag laro. "Sige, gutom na rin ako." saad ni Sarah sabay himas sa tiyan niya. Pumunta nalang kami sa fast food resto dito sa mall. Pagka dating namin tumayo kaagad si Sarah para umorder ng pagkain namin. "Sama na'ko Sarah" saad ni Rhian sabay tayo, tinanong naman ako ni Sarah kung anong gusto kong kainin. "Kagaya nalang ng sayo, tamad ako mag isip ehh" sabi ko kay Rhian. "Kailan kapa ba sinipag Alexy?" pabirong tanong ni Rhian, inirapan ko nalang siya at sabay kaming tumawa, pagkatapos ay umalis na nga sila para umorder. Pag dating nila, nagsimula na kaming kumain. "Ano ba naman yan Sarah, dahan dahan baka mabulunan ka." saad ko, patay gutom din pala siya. "Sorry, gutom na kasi talaga ako." sagot niya habang may pagkain pa sa bibig. Natapos na kaming kumain. Sunod naman kaming pumunta sa grocery store, pa ubos na rin kasi yung stock namin. "Tara bili muna tayo." sabi ni Sarah. Nagsimula na nga kaming mamili ng mga, de-lata, manok, mga shampoo at kung ano pang mga bagay na magagamit namin. Habang si Rhian naman bumili ng mga gagamiting sangkap para sa ulam namin mamaya, since sya lang ung marunong magluto samin. Pagkatapos naming bayaran yung mga pinamili namin, umalis na kami. Habang naglalakad kami papuntang parking lot biglang napahinto si Sarah "Sarah, anong problema? Bakit bigla kang huminto?" naguguluhang tanong ni Rhian. "Ah-hh, ano kasi parang may nakasunod satin." sagot niya. Tumingin ako sa paligid, wala akong nakita pero may nararamdaman akong nakatingin samin. Sila din ba yung palaging nakamasid samin sa hallway? Pero bakit nila kami sinusundan? "Mabuti pa umalis na tayo." sabi ko sakanila. "Mabuti pa nga, tara na Sarah, wag mo nalang pansinin yun." sabi ni Rhian. Tumango naman si Sarah bilang sagot. ----------- Naka uwi na kami pero tulala pa rin si Sarah. Sinenyasan ko si Rhian na para lumapit kay Sarah at naiintindihan naman niya yun. Sabay kaming lumapit ni Rhian kay Sarah, magsasalita na sana ako pero naunahan nako ni Rhian "Sarah, okay kalang ba?" tanong niya, pero hindi sumagot si Sarah. Sinubukan ko siyang tawagin pero wala pa din, kaya niyugyog ko siya. "Ahh!! B-bakit Rhian and Alexy?" pagulat niyang tanong. "Sabi ko, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan, kanina ka pa din namin tinatawag pero 'di ka sumasagot ni hindi ka na nga kumukurap eh" mahabang sagot ni Rhian. "Ahh kase naalala ko lang si Mama." malungkot niyang sabi. "Bakit? Ano bang nangyari sa mama mo?" tanong ko. Sarah Lopez PoV (Flashback 2 years ago) Papunta kami ngayon sa mall kasama si mama, bibili daw niya ko ng bagong damit. "How's your school anak?" tanong ni mama. "It's fine, Ma." sagot ko. "Ma, kailan uuwi si papa" tanong ko. "Sa susunod na linggo pa anak, bakit mo natanong?" tanong ni mama. "Ahh, wala naman ma, na miss ko lang si papa." sagot ko. Nang makarating kami sa mall kaagad kaming nag hanap ng damit. Pagkatapos naming bayaran yung mga pinamili naming damit pumunta naman kami sa restaurant, nagugutom na kasi kami. Nang makarating kami sa restaurant kaagad kaming umupo at lumapit sa amin yung waiter, umorder kami ng pagkain at umalis na yung waiter pagka kuha ng order namin. "Na miss ko 'tong ganito anak." saad ni mama. "Na miss ko din to ma, simula kasi nung nagtrabaho ka hindi na tayo masyadong nakakapag bonding" sabi ko. "Oo nga anak, pasensya ka na ha babawi ako sayo pangako." saad niya. Nang matapos kaming kumain, umuwi na kami, dahil mag gagabi na rin. Habang nagkalakad kami papuntang parking lot may naramdaman akong naka masid samin ni mama, 'di nalang ako nagpahalata na napapansin ko sila at diko nalang din sinabi kay mama. Nang makarating kami sa parking lot ay lumapit na kami sa kotse ng makita namin yung driver namin na naka handusay sa sahig. "Oh my god!! Anong nangyari kay manong" gulat na tanong ni mama na halatang natatakot din kagaya ko. Bigla nalang akong nakarinig ng boses sa likod ko. Teka pano nila nalaman na ito ang kotse namin hindi kaya sinusundan nila kami at sila yung naramdaman ko kanina. "Sino kayo?" tanong ni mama, apat silang lalaki na nakatakip ang mukha pero hindi nakatakip yung mata nila "Kami lang naman ang papatay sayo." sagot nung isa sabay turo kay mama. "Teka, bakit niyo ko papatayin? Anong ginawa ko sainyo ni hindi ko nga kayo kilala." saad ni mama "Hindi mo nga kami kilala pero ang nagpapapatay sayo siguradong kilala ka." sagot uli nung isa na parang lider nila habang papalapit sila samin. Linagay ako sa likod ni Mama na parang pinoprotektahan. "Wag kayong lalapit!" sigaw ni mama pero bigla nalang sumugod yung isa at sinuntok si mama sa tiyan. "Mama!!" sigaw ko, lalapit na sana ako ng may humawak sa magkabila kong kamay nagpupumiglas ako pero masyado silang malakas kaya hindi ako maka alis. Naiiyak na ako dahil sinasaktan nila si Mama at wala man lang akong magawa. "Mama!!" Bigla nalang may hinugot na baril yung isa sa kanila at binaril si mama sa may dibdib. "Ahh!" "Mama!!! Mama, hinde!!" Sigaw ko habang nakatingin kay Mama na tumutulo na ang dugo. "Ano bang kailangan niyo?!!" Umiiyak na wika ko, pero hindi sila sumagot at mabilis na sumakay sa van. "Tulong!! Tulungan niyo kami!!" sigaw ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Lumuhod ako sa tabi ni Mama at pilit siyang yinugyog pero nakapikit na ang mga mata niya. Inabot ko naman ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si papa. "Hello an-" hindi na natapos ni papa ang sasabihin niya. "P-papa s-si mama po nabaril, tulungan mo kami please." saad ko habang umiiyak. "Nasan kayo?? Pupuntahan ko kayo." saad niya na parang nagmamadali. "N-Nasa parking lot po kami ng m-mall na pinuntahan namin." Nanginginig na sabi ko habang umiiyak. "I'm on my way nak." saad niya at agad pinatay ang tawag Nang makarating si papa ay kaagad naming dinala si mama sa hospital. Dinala agad siya sa ER (emergency room). Halos ilang oras kaming naghihintay bago lumabas ang Doctor. "Doc, okay na poba si mama?" tanong ko. Namumula pa rin ang mga mata ko dahil sa pag iyak. "I'm sorry, but your Mom did not survive. Natamaan ng bala ng baril ang puso niya and she lost a lot of blood. I'm sorry." Malungkot na sagot ng Doctor. Pag ka sabi niya non ay agad na nag unahang tumulo ang mga luha ko, bakit? Bakit siya pa yung namatay?!! Bakit siya pa?!! "Hindi!! Hindi pa patay si mama!! Hindi pa, hindi siya patay!!" Sigaw ko habang malakas na umiiyak. (End of Flashback) Basta ang natatandaan ko sakanila meron silang lahat ng tattoo ng dragon sa kamay at maghihiganti ako sakanila. Pagkatapos kong mag kwento, hindi ko alam na umiiyak na pala ako, binigyan ako ng tissue ni Rhian, habang si Alexy naman ay kinuha ako ng tubig. "Salamat Rhian at Alexy." saad ko pagka tapos punasan ang luha ko na humalo na sa sipon. Ininom ko naman yung tubig na binigay ni Alexy sakin "Ganun pala nangyari sayo." malungkot na sabi ni Rhian. "Oo, kaya simula ng mangyari 'yun nag training nako ng martial arts para pang depensa sa sarili ko." sagot ko. "Ano nga pala ang pangalan ng mama at papa mo Sarah?" tanong ni Alexy. "Rhea Lopez ang pangalan ng mama ko. Simon Lopez naman ang pangalan ni papa, actually pulis si papa pero hindi pa rin niya nahuhuli yung pumatay kay mama" saad ko. 'Di namin namalayan na gabi na pala kaya napagpasyahan namin na kumain na. Gaya ng dati si Rhian ang nagluluto at kami naman ni Alexy ang nag ayos ng mga plato. Mga ilang minuto kami naghintay hanggang sa matapos mag luto si Rhian. "Ang bango, papasa ka nang chef Rhian" saad ko. "Salamat, eto na yung ulam" saad ni Rhian si Alexy naman nagpa alam kanina na pupunta muna sa kwarto "Rhian tawagin mona si Alexy, maghuhugas lang ako ng kamay" saad ko kay Rhian, pumunta na siya sa kwarto habang ako ay nag hugas na ng kamay, ilang sandali pa ay bumalik na ko sa lamesa at natanaw ko na si Alexy at Rhian sa sala ng biglang madulas si Rhian na dinaluhan naman ni Alexy, habang ako? "Hahahaha" malakas na tawa ko habang sila ay pinilit na tumayo at pumunta dito. "Hahahaha" tawa pa rin ako ng tawa habang nakahawak sa tiyan "Siraulo ka Rhian, madudulas ka nalang dadamay mopa ko." naiinis na saad ni Alexy. "Sorry, hindi ko kasi napansin yung tubig na natapon dun." saad naman ni Rhian "Bakit ka naman tumatawa Sarah?" naiinis na tanong ni Alexy. "May naalala lang kasi ako sa pagkaka dulas niyo Hahahaha" saad ko sabay tawa ulit. "Kumain na nga tayo" saad ni Alexy na naka half smile din at nag simula na kaming kumain. Alexy Tan PoV  Pagkatapos kumain ay padabog akong pumunta sa kwarto, bahala na sila doon mag linis. Nakaka inis kasi si Rhian madudulas nalang dadamay pako, ang sakit tuloy ng balakang ko. Sh*t, napilayan ata ako. Nag sipilyo na'ko at nagbihis ng pantulog. Dumamba na ko sa kama, dahil na rin siguro sa pagod naka tulog na'ko. #
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD