Alexy Tan PoV
Umaga na ngayon at walang gumising sakin. Linggo palang naman ngayon at wala akong gagawin kaya siguradong ma-boboring ako.
Tumayo na'ko sa kama para maghilamos ng mukha sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos at mag sipilyo ay pumunta ako sa sala, wala na kasi sa higaan sina Yan-yan at Arah.
Sabi ni Rhian ay Yan-yan or Yan nalang daw tawag namin sakanya, kay Sarah naman ay Arah nalang daw at yung sakin ay Lexy. Tinanong pa ni Yan-yan kung pwedeng Alex nalang daw pero hindi ako pumayag, may dahilan naman kasi pero hindi ko sinabi sakanila hindi pa kasi ako ready para mag open sakanila.
Pagdating ko sa sala ay nadatnan kong nanonood si Arah, si Yan-yan naman ay gumagawa ata ng project. Hindi kona sila pinansin at dumiretso nalang sa kusina, gutom na kasi ako dahil late nakong nagising kahit ang aga ko namang natulog.
Kumuha nalang ako ng plato at kutsara dahil may nakahain ng kanin at ulam sa lamesa, at nag simula na akong kumain.
Habang kumakain ay naisipan kong maglibot nalang sa buong school mamaya. Hindi ko pa kasi nalilibot yung buong school at ngayon ko lang naisipan na gawin yun. Isasama ko nalang sina Yan-yan at Arah.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinag kainan ko at naglakad papuntang sala para sabihin sa kanila
"Arah, Yan-yan pwedeng samahan mamaya sa pag lilibot sa school?" tanong ko.
"Hindi ako pwede ehh ginagawa ko pa kasi yung project ko." pag tanggi ni Yan-yan.
"Ako nalang sasama sayo Lexy" saad ni Arah.
"Diba transferee karin?" nagtatakang tanong ko, baka kasi maligaw kami sa lawak ng school na ito.
"Oo, pero nalibot kona yung buong school" nakangiting sabi niya.
"Ahh sige, wait mo lang ako, maliligo lang ako sandali." sabi ko kay Arah, tumango naman siya.
Dumiretso na'ko sa kwarto para kumuha ng damit at mabilis akong naligo sa cr.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta nako sa sala, para maka alis na kami.
"Arah, alis na tayo?" masaya kong anyaya sakanya, excited nako ehh. Tumayo naman siya sa sofa at naglakad palapit sa pinto.
"Alis na kami Yan" pagpapaalam ko kay Rhian.
"Sige, ingat kayo" sabi niya sabay balik ulit ng tingin sa kanyang proyekto, sinundan ko si Arah palapit sa pinto at lumabas na kami.
Napagpasyahan naming lumibot muna sa may likod, habang naglalakad kami may nakasalubong kaming dalawang lalaki, naka itim silang pareho, at kita rin yung mga mukha nila.
'Kainit init naka jacket sila'
Pero binaliwala nalang namin sila.
Naglakad na kami ulit pero, may dumaan na naman na dalawang lalaki, pero 'di katulad ng dalawa kanina naka school uniform sila pero mag kaiba sa uniform namin at naka backpack, kahit linggo naka uniform?
Students here are a bit weird.
Ng matapos kaming maglibot sa likod. Sunod naman kaming pumunta sa harap, ang laki naman kasi ng school na to. Ang daming tao ang nag kukumpulan sa harap ng isang high school building, na naka agaw ng pansin namin.
"Arah, tara puntahan natin." saad ko
tinanguan niya naman siya bilang tugon.
Nang makalapit kami, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May lalaking nakahilata sa sahig at dumudugo ang ulo, kalunos lunos naman yung sinapit ng isang lalaki.
"Oh, my god!" Gulat na sabi ni Arah na halatang nabigla sa nakita namin, Kaagad ko naman siyang hinila palapit sa isang babae na nakikitingin sa nangyayari.
"Ah miss pwedeng mag tanong? Anong nangyari dito?" tanong ko.
"Nahulog daw po yung lalaki mula sa rooftop ng building." saad niya
"Ahh sige po salamat" sabi ko.
Lumapit ako sa katawan, sumunod naman si Arah. Nang makalapit nako sa katawan ay nakita ko si Yan kaya tinawag ko ito.
"Yan kala ko bang gumagawa ka ng project?" tanong ko.
"Ah lumabas kasi ako sa dorm para bumili sa cafeteria kaso nakita kong nag tatakbuhan yung mga estudyante papunta dito kaya ayun sumunod ako." sagot niya.
"Ahh okay" saad ko.
Tumingin ulit ako sa lalaking nahulog daw, nakita kong lumapit si Arah doon at hinawak ang pulso nung lalaki.
"Patay na siya." sabi niya at tumayo. Nakita ko namang may tinawagan si Rhian sa cellphone niya at binaba din ito agad.
"Sinong tinawagan mo Yan?" tanong ko.
"Yung tito ko, pulis siya dito sa university natin kaya makakapag imbestiga tayo" saad niya.
Binalingan ko naman si Arah na tuloy pa rin sa kakatingin sa lalaki para bang ini-inspeksiyonan niya ito. Marunong ba siya?
Tinignan ko naman ang lalaki, paano siya mahuhulog sa building? Pwedeng nag suicide siya o baka hinulog siya. Tumingin ako sa rooftop, pwedeng may naiwan na ebidensya doon.
"Arah palayuan mo yung mga tao sa crime scene, kuhanin mo na din ng picture yung lalaki" utos ko kay Sarah, na tinanguan lang niya ko sabay lapit sa mga tao.
Kapag si Yan ang inutosan ko siguradong hindi nila siya papansinin kasi nga nerd lang siya. Baka si Sarah pakinggan pa nila may pagka sadista kasi siya. Oh? What i mean is sadista talaga siya.
"Yan, ikaw na ang mag check sa rooftop para humanap ng clue sa nangyari" sabi ko.
Tumakbo naman kaagad si Rhian papuntang rooftop, si Arah naman ay busy parin kaka taboy sa mga tao habang ako ay iniinspeksiyonan ang nangyari sa biktima.
'makataboy naman'
'sino ba siya?'
'kaano ano niya ba yung lalaki'
'alis na nga tayo'
'hindi ako aalis'
Parang kilala ko na kung sinong nag sabi na hindi siya aalis. Hindi ba siya nagsasawa sa kamalditahan niya? Aishhh.
Tumulong na din ako sa pag tataboy sa mga tao kaso ayaw talagang umalis ng lintik na Mich the b***h kasama ang mga alipores niya.
"Mich, umalis na kayo, kami ng bahala dito." Utos ko.
"Bakit naman ako susunod sayo? Tsaka paki alamera talaga kayo no? Ano nag papasikat talaga kayo dito?" saad niya.
"Una, kailangan mong sumunod sakin kung ayaw mong banatan kita. Pangalawa, gusto lang naming tumulong at hindi kami katulad mo na famewore, gaga." saad ko, naiinis na talaga ako sakanya. Bakit hindi nalang siya umalis ng mahinahon?
"Hindi ako aalis dito and hindi ko kailangang maging famewore katulad niyo because I'm already famous." saad niya sabay taas ng kilay.
Napipikon na talaga ako sakanya aishhh bahala na mamaya. Lumayo ako ng konti sakanya at bumwelo sabay boom bagsak, sinapak ko lang naman para makatulog siya sana nga wag na siyang magising.
"Oh my god!" saad ng mga alipores niya.
"Alisin niyo na siya dito kung ayaw niyong kayo ang isunod ko diyan." saad ko sa mga alipores niya, tinayo naman siya ng mga ito at lumakad na paalis. Buti nalang at konti nalang ang mga tao wakang masyadong naka kita sa ginawa ko.
Hindi naman napansin ni Arah ang ginawa ko, kaso sumakit ng konti ang kamao ko. Ang kapal kasi ng mukha nung Mich na yun.
Ilang sandali pa ay umalis na halos lahat ng tao at ang naiwan nalang ay ako, si Arah at parang mga kakilala ng lalaki at ang lalaki o biktima iniinspeksyonan namin.
"Arah? Pwede bang pakisundan muna si Yan sa rooftop? Baka ano ng nang yari sa kanya." Nag aalalang sambit ko.
"Sige Lexy, hintayin mo dyan yung mga pulis siguradong paparating na yung mga iyon." Saad niya at nag lakad na sya papuntang hagdanan.
Rhian Dela Cruz PoV
Pag ka dating ko sa rooftop, kagad namn akong nag hanap ng pwedeng maging clue. Mapag usisa kasi akong tao.
Base sa itsura ng biktima, makikita mo na may bakas siya ng kamay sa leeg at mukhang tama ang hinala ko na...
HINDI NANAMAN SUICIDE ANG NANGYARI.
Naglilibot libot ako sa rooftop, ng may mapansin akong butones na kulay itim malapit sa lugar malapit sa kasulukan kung susurii'y para itong butones ng isang damit na polo shirt. Kinuha ko ito gamit ang panyo kong hawak at nilagay sa isang clear plastic na kinuha ko bago ako pumunta dito.
"Yan!" tawag sakin ni Arah na kakarating lang.
"Bakit?" tanong ko sabay lingon sakanya.
"May nakuha kana bang clue?" tanong niya.
"Butones palang nakikita ko, at hindi ako sigurado kung magagamit ba natin ito." sagot ko sabay labas ng plastic na pinaglagyan ko ng butones.
"Parang pamiliar to" sabi niya na mukhang iniisip kung saan niya ito nakita.
"Tara, hanap pa tayo ng clue." sabi niya.
'Hmmm, kaya siguro s'ya pumunta dito para tulungan ako'
"Sige" sabi ko "Pero 'wag mo hahawakan ah? Baka kasi mag ka fingerprint mo eh" dagdag ko. Baka kasi hindi nya alam. "Tsaka---"
"Oo, alam ko na yung gagawin ko" naka ngiting sabi niya. "Dati ko ng gawain ang pag iimbestiga."
"Paanong----"
'Eh? Hehe 'di na naman niya ko pinatapos..'
"Mamaya na ako mag papaliwanag, hanapin muna natin yung kailangan nating hanapin" sabi niya at nagsimula na ulit kaming mag hanap.
So ito pala yung nararamdaman ko unang pag kakita ko palang kay Sarah. Marami talaga kaming pagkaparehas, but not being brave. Matapang siya, ako hindi. Medyo may pagka baliw nga lang siya.
Sa left side ako, sa right side naman siya. Naghanap hanap pako pero wala nakong nakita. Bigla naman akong tinawag ni Arah, dahil may napansin daw sya sa may sahig. Lumapit naman ako sakanya, at tinignan yung sinasabi niya.
"Iginuhit to, gamit yung batong yun." saad niya habang nakaturo sa kung saan. Tinignan ko naman kung saan yung tinuturo nyang bato tapos nilapitan ko't kinuha, gamit uli tong panyo ko, inobserbahan ko ito ng mabuti. May gasgas nga tong bato sa gilid at may konting dugo, tama nga si Arah, ito yung ginamit na pansulat don sa may sahig. Hindi kaya yung biktima ang nagsulat dito?
Lumapit naman ako kay Arah habang dala yung bato, at tinignan yung nakasulat sa sahig.
Bigla namang dumating si Lexy, at sinabing nandyan na daw yung mga pulis. Dinala na rin daw yung bangkay sa morgue at ng ma embalsamohan na.
"May nahanap kabang clue Yan?" Tanong sakin ni Lexy.
"Mali ka, dapat sinabi mo may nahanap ba kayo yan." natatawang tugon ko.
"Kayo?" naguguluhang tanong nya, sabay tingin kay Arah, na ngayon ay nakangiti na.
"Oo, Lexy alam mo ba na tinulungan niya ako sa paghahanap? Tapos magaling din pala itong si Arah" saad ko, mukha namang namangha siya sa sinabi ko. "Nga pala Arah, 'di ba sinabi mo kanina na dati mo ng trabaho yun?" Tanong ko.
"Ah? Yun ba? Huwag niyo munang pagkakalat ah?" Sabi niya na tinanguan lang namin. "Isa kasi akong detec---"
"Detective?!" Sabay na sabi namin ni Lexy, nag quiet sign naman si Arah habang tumatango kaya napatakip kami ng bibig ni Lexy.
'Wahhh??? Detective rin syaaaa'
"Parehas tayong tatlo!!" Pasigaw na sabi ni Lexy na mukhang nagulat din si Arah.
Tumalon talon sila kaya naki talon din ako.
Tumigil kami sandali at nagsi-tawanan tapos ay tumalon talon uli sila habang ako at natawa nalang.
At dahil doon napag alaman ko na hindi lang pala si Arah ang may saltik kundi silang dalawa pala. Buti nalang may natitirang matino pa HAHAHAHHA at ako yun. Pero ma swerte pa rin ako dahil nakilala ko sila.
Tumigil sila ilang saglit at biglang nag salita si Lexy. "Oo nga pala, nandito na yung mga pulis, dinala na din nila sa morgue yung bangkay para ma embalsamo na." Pag uulit niya sa sinabi niya kanina.
Humarap naman sya sakin.
"So? May nahanap na ba KAYONG clue Yan?" nakangiting tanong niya.
"Ayan, tama kana." tugon ko na ikinatawa naming tatlo.
"Meron, kaming nakitang butones na kulay itim dun sa may sahig malapit kung saan bandang nahulog yung biktima." Saad ko sabay bigay sakanya ng butones, kinuha nya naman yon gamit yung panyo nya.
"Parang pamilyar yan Lexy" tugon ni Arah.
"Oo nga" sagot naman ni Alexy. Tinignan niya yon napara bang inaalala kung saan nila yon nakita. Baka nakita nila yon nung magkasama sila. Habang gumagawa naman ako ng project. Mamaya nalang daw kasi sila gagawa ng project since magkakaklase kami. Masyado daw akong masipag.
"Ah, naalala kona. Katulad to nung nasa butones ng mga nakasalubong natin kanina na apat na lalaking naka black" tugon niya.
"Ano namang gagawin nila dito? May kinalaman ba sila sa pagkamatay ng biktima" tugon ni Arah.
"Posible, pero kailangan may mahanap pa tayong ebidensya" saad ni Lexy.
"May iba paba kayong nakita?" Tanong niya samin.
"Meron pa, may nakasulat sa sahig na letra, at ang hula naming pinangsulat don ay ito" sabi ko sabay pakita sakanya ng bato.
"Nakita ko yan dun sa gilid" sabi naman ni Arah.
Lumapit naman si Lexy sa sahig at tinignan yon, maaaring yung biktima yung nagsulat dito, pero kailangan parin nating paimbistigahan tong bato. Para makasigurado tayong yung biktima nga yung nag sulat.
"Arah, kuhanan mo din ng litrato yung naka sulat sa sahig" saad ni Lexy, tumango naman siya at kinuha ang cellphone sa bulsa at kinuhanan ng picture.
"Kailangan nating magtanong tanong kung sino yung huling nakakita sa biktima at kung sino yung huli nyang nakasama" tugon naman ni Arah.
"Oo nga, tara magtanong tanong na tayo" saad ko.
Pagkababa namin naka salubong namin ang ibang pulis na parang papuntang rooftop. Binigay na din namin sa tito ko ang mga nakuha naming gamit.
Kagad kaming nagtanong tanong sa mga nakakasalubong namin may nakita naman kaming babae, kaya nilapitan namin
"Ah, miss pwedeng mag tanong? Kilala mo ba yung nahulog kanina sa may building?" tanong ni Lexy
"Ah, opo si Ace Chamos po yun, kaklase ko" saad nya. Pero mababakas sa boses nya na nalulungkot sya sa sinapit ng kaklase niya.
"Nakita mo ba kung sinong huling kasama nya?" tanong naman ni Arah.
"Hindi po e. Nasa library po ako nung mangyari yon. Nagrereview kasi may test kami mamaya.. Nung palabas nako, napansin ko pong tumatakbo yung mga istudyante, kaya sumunod ako, nagulat nalang po ako sa nangyari" malungkot na sabi nya.
"Ah, sige salamat" saad ni Arah.
Sunod naman kaming nagtanong sa dalawang babaeng naka upo sa bench.
"Hi, miss. Pwedeng magtanong? Kilala nyo ba si Ace Chamos?" tanong ni Lexy.
"Ah, yung nahulog sa building kanina lang?" tanong niya na tinanguan ko lang.
"Oo, kilala namin siya, sikat siya dito dahil sobrang talino at gwapo niya" saad niya.
"May nakita ba kayong kasama niya kanina?" tanong ni Arah.
"Meron, apat na lalaki. Naguusap sila kanina sa likod ng building nung mapadaan kaming dalawa ni Sab" tukoy niya sa katabi niya
"May napapansin kaba dun sa apat na lalaki na kahina hinala?" tanong ni Alexy.
"Meron, kasi naka black sila ng jacket, tapos yung dalawa sakanila may dala pang bag at sa tingin ko hindi sila nag aaral dito iba kasi ang uniform nila. Ang weird kasi hindi naman mainit o kaya malamig kanina naka jacket yung dalawa. Yung dalawa naman ay naka uniform kahit linggo." Mahabang sabi nung si Sab.
"Namumukaan niyo ba sila?" tanong ko.
"Hindi e, ngayon ko lang sila nakita dito" sagot niya.
"Teka, anong pangalan niyo?" tanong ko sakanila.
"Ah, ako si Scarlett James, siya naman si Sabrina Tomas" sagot niya.
"Sige, salamat Scarlett and Sab" saad naming tatlo at nag paalam na sakanila. Umuwi muna kami sa dorm dahil lumulubog na ang araw at hindi pa namin nagagawa ang project namin.
Pagkatapos naming gumawa ng project at kumain ay napagpasyahan namin na bukas nalang kami tutuloy sa pag iimbestiga. Pumasok na kami sa kwarto at humiga sa kanya kanya naming higaan at natulog. Goodnight
#