Rhian Dela Cruz PoV Ngayon 'yung alis namin papunta sa isang orphanage sa Pangasinan kaya alas 4 palang ng umaga ay gising na ako para mag luto, 'yung dalawa naman tulog pa, maliligo na muna ako habang naka salang pa 'yung kanin. Nag pakulo na din ako ng tubig mag wi whistle naman 'yung pot pagka kumukulo na yung tubig eh tsaka hindi naman ako kasing tagal maligo ni Arah. Hinanda ko na 'yung damit ko pati towel tapos ay naligo na ako saktong pagka tapos kong mag bihis ay kumukulo na 'yung tubig kaya pinatay ko na 'yung stove tapos nag timpla ako ng kape. Gigisingin ko na muna si Arah dahil matagal maligo 'yun mamayang 8 daw nag kikita kita kami sa harap ng principal office kasama 'yung ibang sasama sa Pangasinan. "Arah?" 4:30 na at isang oras kung maligo itong babaeng 'to kaya kailanga

