Alexy Tan PoV Sabado na ngayon kaya pupunta kaming mall tatlo, hindi na muna namin sasama sina CR. Para lang makapag solo kami tsaka mamimili lang naman kami ng mga stock sa dorm tsaka mga gamit narin. Papunta na kami sa parking lot ng school, naka bukas narin naman 'yung gate dahil weekend ngayon. Pumasok na kami sa kotse ko at nagdrive papuntang mall. Ilang minuto ang tinagal ng biyahe namin bago nakarating sa parking lot ng mall, nag park na'ko at pumasok na kami sa mall. Agad kaming pumunta sa marketplace at kumuha push cart. Kumuha kami ng mga canned goods, meats, drinks, snacks, condiments at mga toiletries. Plano din namin ayusin 'yung dorm para mag iba naman, maglalagay din kami ng mga pictures namin. Kumuha din ako ng mga skin care products tsaka namili nadin kami ng gami

