Rhian Dela Cruz PoV Kasalukuyan kaming nanonood ng horror movie, hindi naman talaga ako papayag na manood eh kaso ewan ko pero parang pagka kasama ko si Jacob feeling ko safe ako. Nagulat kaming dalawa ni Lexy kanina sa sinabi niya, parang napaka harsh ni Arah. Imean malay mo may pinag aaral pala 'yung nagbabantay kanina at dahil naalis siya ay mahirapan siyang papag aralin 'yung anak niya. Oo, mali 'yung sinabi nung nagbabantay pero hindi ko lang maintindihan. Parang sumosobra sa pagiging sadista si Arah, ilang araw narin naming napapansin 'yun ni Lexy. Hayss minsan naiilang kami sakanya, pinilit nalang namin kalimutan 'yung sinabi niya kanina. Kanina rin ay halatang na realtalk si Arah kay Lexy. Mabuti nalang at hindi tinuloy ni Lexy ang mga sinasabi niya, kung hindi, baka nag aaway

