Madilim. Sobrang dilim. Kahit anong pilit kong pagbangon ay nanghihina ako. Lahat ng lakas ko ay nawawala. Kaya hindi ako makakilos kahit kaunti man lang dahil sa panghihina. Nagmulat ako ako ng mga mata at kumurap, madilim na sa paligid at parang wala akong balak na buksan ang kahit anong ilaw. Wala akong ganang kumain. Magkakagana pa ba akong kumain kung… ganito ang nangyayari sa buhay ko? Iniwan ako ng taong mahal ko. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya ang kahit anong eksplenasyon na gusto kong sahihin sa kaniya dahil naduwag ako. Naunahan ako. Kasabay ng pagpikit ko, ay ang pagbasak na naman ng panibagong luha mula sa mga mata ko. Hanggang kailan ba ako magdurusa at iiyak? Hanggang kailan ba ako magpapanggap na kaya ko pa… kahit hindi na talaga? Hanggang kailan ko ba kayang lumaban

