Naghintay ako doon hanggang gabi. Sa bawat oras na nagdadaan ay halos mawalan ako ng pag-asa. Nakaupo, nakatayo at minsa'y palakad lakad na animo'y baliw sa hallway. Hindi ko pinapansin ang ibang napapatingin sa akin kapag may dumadaan sa hallway. Mas iniintindi ko pa ang oras na nagdadaan at ang pag-asang sana ay dumating na si Vaughn. Dahil ngalay na ngalay na ako! Ang sakit na ng balakang ko. Ng puwet ko. Ang kamay ko. Ng binti ko at hita ko. Buti nalang at nag flat shoes ako ngayon at hindi heels, kung hindi ay baka nakapaa na ako ngayon dahil sa sobrang sakit ng talampakan. Umayos ako ng tayo nang bumukas ang pintuan sa elevator. Anticipating that Vaughn would go outside that elevator, but it didn't come. My hope was epic. Shoulder slammed down because of the disappointment. It was

