Napasandal siya sa headboard ng kama habang iniisip ang sagot ni Suzette kanina nang ayain niya itong umakting na Girlfriend sa harap ng lola niya. May usapan sila nung una ni Suzette na babayaran niya ito ng dagdag sa tuwing maibibigay nito ang pangangailangan niya ngunit ngayon ay muli na naman siyang humiling rito ng panibago. Tama ito, wala nga namang libre sa panahon ngayon. Kailangan niyang ibigay ang hinihingi nito para mapapayag ito sa gusto niyang mangyari. She's wise also. Hindi talaga basta-bastang babae lang si Suzette. Pero hanggang kailan niya gagawin iyon? Kailangang totohanan na agad ang lahat pagkatapos niyon upang hindi siya talo pagdating sa huli. Kailangan niyang pag-isipan ng maayos ang bagay na iyon. Paano kung ligawan na lamang niya kaya si Suzette? Para totohanan

