Tahimik silang pareho nang dumating sa dalampasigan. Sumandal siya sa kotse ni Carlos. "Bakit mo 'ko dinala rito? Alam mo namang may trabaho pa 'ko." Nakapatong ang isang paa ni Carlos sa malaking bato na naroon. Nakaharap ito sa dagat. "Hindi tamang lugar iyon para sayo." "E anong tamang lugar para sa'kin, sa kompanya ng rapist mong ama?" Mariin niyang tanong. Humarap ito sa kaniya at tumitig ng seryoso. "Anak ka parin niya and you deserve the company." She smirked. "Hindi. Kung 'yan lang rin huwag na," usal niya. "I feel sorry kung anuman ang nangyari sayo noon. But you can't change the fact that you're Lorenzo. At mas lalong hindi magbabago ang katotohanang anak ka ni Dad." Hindi siya umimik. "I will never be a Lorenzo. Barcelona ang dala kong apilyedo. Kung anuman ang sabihi

