Muli silang bumalik ng Maynila kaagad dahil may pasok pa si Suzy. Nasa seventh grade ito sa secondary school. Oo highschool na nga ito. Masaya siya dahil malaki na ang kaniyang anak. Hindi talaga namamalayan ang takbo ng panahon, napakabilis. It has been 12 years already since ipinanganak niya ito sa mundo. Noon, gumagapang pa si Suzy but now marunong nang mag-ayos sa sarili. Kaya ngayon mas marami na siyang panahon para rin sa kaniyang sarili at sa negosyo. Proud siya bilang isang ina. Malaki narin ang kaniyang pinagbago simula noon. Siguro naman kahit na sa paraang iyon ay makabawi siya sa kung anuman ang naging pagkukulang niya noon. Nasa balkonahe siya ng kaniyang kwarto nang gabing iyon. Tahimik siya habang tinatanaw ang magagandang lights sa city. Overlooking kasi sa pwesto niya ro

