Mabagal siyang naglakad nang makarating sa bahay. Naabutan ni Suzette na nakaupo sa hapagkainan ang kaibigan niya at ang kaniyang anak na si Suzy. “Mommy, let's eat. Where have you been?” Napalingon siya sa gawi ng kaniyang anak. Sumilay na lamang ang ngiti niya sa mga labi at pagkuwa'y sumagot rito. “Busog pa ‘ko anak. Can I talk to you after you eat?” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Sure Mom,” pagkawika niyo'y ibinalik na nito ang pansin sa pagkain. Nagkatinginan silang dalawa ni Barbie nang may kahulugan. Narinig niya ang sunud-sunod na katok sa pintuan saka nito iniluwa si Suzy. “You say, you want to talk to me Mom. What is it all about?” bungad nito sa kaniya. Sinenyasan niya itong maupo sa tabi niya. Nakahiga siya nang mga oras na iyon sa master’s bed at nanonood ng television

